Chapter 293: GRAY WOLVES VS. BLUE BULLDOGS 3 (SFD3)

116 13 0
                                    

🏰DARYLLE🏰

Napangiwi ako nang makita kong may kakaiba na naman sa kilos nitong si Alex. Kataka-takang hinayaan niya lang na makapuntos ang babaeng kakapasok lang sa game. Nananakbo na kami papunta sa court namin kaya kung tutuusin kami ang dapat hinahabol ng mga Bulldog, pero baliktad ang nangyayari. Si Alex ang nanghahabol do'n sa babae.

"Hoy," saway ko. Mabuti na lang na kay Ate Jess ang bola at mukhang hindi na niya kailangan ipasa. Naitira niya naman 'yon ng walang kahirap-hirap. "Alex," hinigit ko ang damit niya.

"B**bie," narinig kong sabi niya habang hinahabol 'yung babae. Nabitawan ko siya sa sobrang lakas niya at ang dulas rin ng kamay ko dahil sa pawis. Nanlaki ang mata ko at napilitang sundan siya, pero sadyang may kagaslawan talaga siya. Napituhan siya dahil sa mga pinag-gagagawa niya. Naitulak niya kasi 'yung babae na humarang doon sa player na hinahabol niya.

"Anong ginagawa niya?" Tanong ni Sydney. Kanina ko pa napapansin na ang tahimik niya, kung ikukumpara sa Sydney na ang hilig tumawa kapag naglalaro. Panalo man kami o talo. Ngayon ko na nga lang din ulit narinig ang boses niya.

"Ewan ko," sabi ko. Sinubukan kong lapitan pero lumayo rin. Nagtatawanan na naman ang mga tao sa paligid. Nakanguso na naman kasi siya at tila nawawala na naman sa wisyo.

"B**bie, b**bie, b**bie," nagpapadyak siya sa sobrang inis. Hindi niya kasi malapitan 'yung babae. Tinignan ko 'yung babae na hinahabol niya. Napangiwi ako nang makita ko ang hinaharap niyang nagmamalaki. Mukhang nahuhulaan ko na ang nangyayari.

"Hindi pwede," sabi ko. Sa palagay ko, gusto niyang hawakan ang hinaharap ng babaeng 'yon. At hindi niya 'yon pwedeng gawin dito dahil nakakahiya. Mabuti sana kung si Cassey 'yan, eh hindi naman. Baka mapaaway pa kami at mareklamo ng sexual harassment. Sumenyas ako kay Kuya Reiven para palitan na muna siya. Hindi ko kayang kontrolin ang isang 'to, lalo na't isang kahindik-hindik at kakila-kilabot na pangyayari na naman ang idadagdag sa listahan niya ng kalokohan at kahihiyan. Tambak naman ang kalaban kaya ayos lang na magpahinga muna siya para mahimasmasan ang utak niyang napupuno na ng kalibugan.

39-17...

Anong klaseng score 'yan?

"No no yow! B**bie! B**bie! B**bie!" Pinagtitinginan kami ng mga tao dahil sa ginagawa niya. Umupo na siya sa sahig at nagsimula ng magpapadyak at umiyak.

Nasapo ko ang noo ko. Puro kahihiyan na lang ang ginagawa niya. Walang siyang pake kung mukha na ba siyang t*nga o hindi, basta makuha niya ang gusto niya. "Alex tayo diyan." Hinihila ko na siya patayo. Mabuti na lang nagpi-free throw pa ang mga aso. Umangat ang katawan niya pero umupo ulit. Wala talang silbi ang lakas ko sa kaniya.

"Babe b**bie," nakanguso niyang sabi sa akin. Ayaw niyang tumayo kaya naiinis na ako. Lumapit na sa amin ang isang ref dahil nagtataka na sa mga nangyayari.

"Anong problema?" Tanong nito. Napalunok ako dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

Paano ko sasabihin na umiiyak ang kateam ko dahil hindi niya nahawakan ang dibdib ng kalaban namin?!

Baka imbes na siya ang ipadala sa mental, eh ako pa ang mabitbit!

"Kuya b**bie," sabi niya sa referee. Humawak siya sa paa nito at nagsumamo. Kumunot ang noo ng lalaki dahil hindi niya naintindihan ang mga kag*gahan na pinagsasasabi niya.

"Patay tayo diyan," ani Sydney. Nakapamewang na siya at mukhang nahihiya na rin. "Alex tayo ka na." Nakanguso siyang umiling habang nag-iipon ng luha.

HIM & I [SEASON 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon