🏰ALEX🏰
Nang imulat ko ang mga mata ko ay nasa kuwarto na ako. Bumangon ako kaagad para hanapin ang Mamaw ko. Nakita ko ang Papa ko na nakasandal sa upuan at may hawak na diyaryo pero tulog. May suot pa siyang salamin ha?
Ginagaya niya si Mamaw...
Deds na deds talaga...
Sinandal ko ang ulo ni Papa sa sandalan at nilagyan siya ng unan. Kiniss ko pa siya sa forehead. "Sleepwell Papa kong makunat ang b*yag." Dahan-dahan akong bumaba para hanapin si Mamaw. "Mamaw? Mamaw? Yoohoo? Nasaan ka na Mamaw ni Nguso? Gising na ako, hindi na kita tutulugan." Naglakad ako pababa kaya nakita ko si Kuya kasama si Manolo'ng pangit at 'yung kapatid niyang pangit din.
"Oh? Gising ka na?" Tanong ni Kuya. Kumakain sila habang nanonood ng movie.
"Malamang naglalakad na nga ako eh." Pamimilosopo ko, tinawanan niya ako. Kalong niya si Suntok habang si Bradley'ng pangit kalong si Tadyak at ang anak ko ay na kay Manolo'ng pangit. "Nasaan si Mamaw?"
"Wala si Mamaw nasa work." Ngumuso ako kaagad at bumusangot. Ang bwiset na matandang 'yon, tinalksh*t na naman ako. Sabi ko 'wag niya akong iwan eh. "Oh 'wag ng masad. 'Lika rito dali." Tinapik niya 'yung puwesto sa tabi niya. "Nood ka na lang muna ng movie."
Nakanguso akong lumapit at inis na pinagkrus ang braso ko. Nakita ko si Nanay Edna na may dala-dalang pagkain. "Kain na kayo," sabi niya. Tingin pa lang mukhang masarap na. Mga finger foods 'yon.
"Salamat Mama," sabi ni Bradley'ng pangit. Kumuha siya kaagad at sumunod naman sina Kuya kaya nakigaya rin ako.
"Umbag come here na." Hinila na ni Nanay Edna ang strollers nila Umbag. "D*dede na kayo dahil five na."
Tinignan ko kung paano maingat na kinarga ni Nanay Edna ang anak ko at ang mga pinsan niya. Para silang kami nila Darylle. Ako si Umbag, anak ako ni Mamaw at sila Darylle naman si Suntok at si Tadyak, anak sila ni Tita Gloria.
Magpipinsan kami...
Kunwari...
Pero secret lang 'yon ha? Kunwari totoo ha?
"Tara na," tinulak na ni Nanay Edna sina Umbag. Katulong niya 'yung ibang mga kasambahay roon.
Umayos ako ng upo at sumandal sa Kuya kong pangit. Action ang movie kaya nagustuhan ko kaagad plus ang sarap pa ng pagkain na niluto ni Nanay Edna. Buti pa 'yung kay Nanay Edna masarap 'yung kay Mamaw hindi.
Secret lang din 'yon ha?
Baka isumbong niyo ko...
"Ay tapos na?" Naiwan akong nakakanganga dahil namatay 'yung bidang lalaki. In short, lahat ng nando'n ay namatay. "'Yon na 'yon?"
"Ang pangit ng ending," sabi ni Manolo'ng pangit. Wala sa sarili akong napatango. First time yata naming nagkasundo ng pangit na 'to.
"Maganda kaya," sabi ni Kuya bago kumuha ng pizza roll. "Okay rin 'yung ganiyan kasi common na masiyado 'yung mabubuhay 'yung bida tapos ang ending maghahalikan lang sila ng kalove team niya."
"Tama, tama," pagsang-ayon ni Bradley'ng pangit. "It's a bop. It's a bop." Nagthumbs up pa siya.
"Kuya? Nasa'n sila Pañero?" Nakangusong tanong ko. Kanina pa kasi ako nandito pero hindi ko sila nakikita.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 2]
Ficción GeneralContinuation of Him & I STARTED: 01/13/21 COMPLETED: 05/15/21