Chapter 315: KU VS. WVU 3 (SFD4)

99 11 0
                                    

🏰MATTHEW🏰

Buong akala namin ay hindi na kami mahahabol ng mga kalaban, pero mali. Malapit na silang makadikit sa amin ngayon. Anim na lang ang lamang namin sa kanila bago matapos ang ikatlong quarter. Pahinga sila Luke at Yixing kaya nakalapit sila sa amin. Kami-kami lang din ng ibang mga average players ang naglaro.

Sobrang dami naming naging error sa loob ng 3rd quarter. Namigay pa kami ng foul sa kabila kaya bigay na bigay talaga ang score. Panay tuloy ang sermon ni Coach Limer kanina, pero wala naman kaming magawa dahil inabot na rin kami ng kamalasan.

Kasalukuyang naghahanda sina Jason, JC, Luke, Yixing at Samuel para sa huling quarter ng game. Sila na ulit ang papalit sa amin dahil masiyado kaming naging makalat nitong 3rd quarter.

"Boys, please do everything to keep the high ground with us. We should not miss it or else we are done." Frustrated na si Coach Limer dahil kami naman ang napepressure ngayon. Ilang shoot lang ng kalaban at maiisahan na nila kami.

'Wag naman sana...

"Yes Coach," nananamlay naming sagot. Nando'n ang kaba sa boses namin dahil ang haba pa ng oras, tapos ang liit na lang ng lamang nila sa amin.

"Don't lose hope, we still have chance, okay? Kung paiiralin niyo 'yang takot na 'yan, wala, matatalo tayo." Kay Luke talaga siya nakatingin, dahil pinatatamaan niya yata ang sakit ng kapitan namin. "Ayusin niyo, 'wag kayong masiyadong magpakakampante. Alanganin tayo sa laglagan kapag natalo tayo."

Marahan kaming tumango, dahil yari talaga kami kapag natalo kami. Hahaba pa ang laban namin, dahil magpapareho na yata kami ng standing. Kung nagkataon na gano'n ang mangyayari, magpapantay kami kung pareho ang standing. Pero dahil sila ang nanalo sa laban namin, kami ang under sa kanila.

Laglag kami non mga boss!

"Let's go Gray Wolves!"

"Let's go!"

Bumalik na kami nila Guione sa bench para makapagpahinga muna kahit saglit. Sana lang hindi mapabayaan nila JC ang quarter na 'to gaya ng pagpapabaya na nagawa namin. Alam kong hindi naman namin kasalanan kung minalas kami ng minalas, pero nakakapanghinayang naman kasi.

"Good luck," sabi ko kina Yixing bago sila bumalik sa loob. Magkatabi kami ni Guione sa bench at halos magkasabay pati ang paghinga.

"Takte baka masilat tayo." Napayuko siya. Isa kasi siya sa nagbaon ng error kanina.

"Okay lang 'yan, gano'n talaga. Kung para sa atin, atin. Kung hindi, eh di hindi."

"Sayang kasi..."

"Wala naman tayong magagawa, kung talo eh. Kasi kahit makapasok tayo, kung hindi rin naman kaya wala tayong magagawa. Sayang lang effort."

"So suko ka na?"

"Hindi naman sa gano'n, pero kasi laro 'to eh. Hindi naman araw-araw pasko." Labag din naman sa loob ko ang ganito, pero wala naman kaming magagawa kung talo talaga. Medyo alanganin talaga kami rito, dahil ginaganahan ang kalaban namin. Mananalo kami kung magiging maayos ang takbo ng laro ng mga nasa loob.

I hope they can make it...

Nag-umpisa na ulit ang laro kaya nagfocus na ulit kami sa laro. Mahirap manood pero mas mahirap kapag nando'n ka na sa loob. Iba talaga 'yung pressure, lalo na kapag alam mong matatapos na 'yung oras. Kaya sana hindi sila makadikit sa amin. At sana, makalayo kami sa kanila dahil kapag ayan nakalapit pa, mananakmal na rin ang mga 'yan.

HIM & I [SEASON 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon