🏰ALEX🏰
Ang saya-saya ko talaga dahil ang ganda ng performance ng pambato ni Pañero sa pagbale-balentong. 'Yon nga lang talo ang pambato namin dahil hindi nila natapos ang pambabalentong sa mga kasama. Hindi ko alam kung bakit hindi nila natapos. Nakita ko pang nagka-cry ang iba sa gilid kanina.
Nahilo siguro...
Ikaw ba naman ihagis ng ihagis eh...
Nasad ang mga schoolmates ko dahil sa pambalentong namin na hindi nga nagtagumpay. Okay naman ang simula nila, doon sa bandang gitna lang talaga sila nadali. Siguro, kinulang na sila sa practice kaya gano'n. Kung titignan ang ginawa nila kanina, masasabi mo kaagad na kailangan non ng mahabang panahon para mapagsabay-sabay at maiayon ang lahat sa kanta.
Pero ako?
Kaya ko lahat 'yon dahil magaling nga ako. Kaya kong ibalibag ang sarili ko at saluhin din at the same time. Gano'n ako kagaling. Gano'n din ako kayabang lalo na't may baon akong maraming pera at pagkain. 'Wag lang mag-iisplit dahil hindi kaya ng p*day ko 'yon.
Masakit 'yon...
Hindi kaya ng kili-kili powers ko!
Noong unang beses ko kasi 'yung ginawa halos mawasak ang mundo ng keps ko. Hindi ko pa alam na ang keps at p*day pala ay iisa lang. Kay Mamaw ko lang narinig ang bagay na 'yon.
Natakpan ko ang bibig ko ng tawagin na ang pambalentong ni Tito, ang SADPU White Jabber Trooper. Naeexcite talaga ako, kasi natutuwa akong nakakakita ng inihahagis. Mas matutuwa talaga ako kapag hindi na nila sinalo. Tapos kakalat 'yung dugo kasi mababasag 'yung mga bungo nila.
Ayos na ayos 'yon...
Gusto niyo 'yon? Ako? Gusto ko 'yon!
"Tito!" Sigaw ko. Kinilig na naman ang pukingking ko. Naupo na ako dahil nangangawit na ang legs ko. Sana manalo sila. Narinig ko kasi na may premyo raw kapag nanalo rito.
Balato! Balato! Balato!
"Ang cute ng uniform nila," ani Darylle. Para kasi silang mga kapitan ng barko.
Humarap ako sa babe kong malaki ang eyes. Nakakasama ng loob ang taong 'to. Ang dami nilang tindang chicken ng Papa niya, hindi man lang ako malibre kahit 100 lang na manok. "Darylle kapag nanalo sila Tito samahan mo ako manghingi ng balato ha?"
"Ano ka ba? Hindi naman sa kanila mapupunta ang premyo. Sa school 'yon at saka sa mga members."
"Ay," napanguso ako at talaga namang naubusan ng enerhiya. Para akong hinampas ng maso sa likuran sa sobrang sakit. Nahihirapan yata akong huminga. Mukhang hindi ako mabubuhay ng walang balato. Mamamatay yata ako kapag naghirap ako. Ang kayabangan ko kasi ang nagpapanatili sa aking buhay at malakas. Kung walang kayamanan, tapyas ang kayabangan ko.
"Oh iiyak na naman," ani Darylle.
Nagluha kasi ang mga mata ko dahil sa kawalan ng balato. Hindi pwede 'yon, dapat meron akong balato kahit kalahating milyon lang. "Darylle balato..."
"'Wag ka ng umiyak. Hindi ka ba napapagod?" Inis na inis na sa akin ang bunso ni Yabeeyabee.
"Hindi," mataray kong sagot habang umiiyak. Nanlaki na naman ang mata niya kaya natawa ako. "Ang laki talaga ng mata mo. Walang duda, si Jollibee talaga ang tatay mo." Napakasuwerte niya namang bata dahil anak siya ni Jollibee. 'Di bale, sasabihin ko na lang kay Papa Mambs na magpatayo ng manukan at kainan. Tapos ang pangalan?
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 2]
Fiksi UmumContinuation of Him & I STARTED: 01/13/21 COMPLETED: 05/15/21