🏰LUKE🏰
Napilitan akong sumama kahit na ayaw ko talaga. Nagmessage na lang ako kina Mommy para walang problema. Pumayag naman sila kaya lang dapat bago mag-ten nasa bahay na ako. Dito kami sa garden nila Yixing bumalandra. Kumpleto kaming lahat kaya nagkakasayahan kahit na nagkakailangan pa kami ni Guione.
Hindi pa rin kami nagpapansinan pero hindi naman 'yon hadlang para hindi na kami mag-usap. Siyempre may involve na alak ang pagtitipon-tipon namin. Hindi naman ako masiyadong nag-iinom, shot-shot lang para hindi nakakahiya. Hindi kasi ako makatanggi sa kanila, kahit na dinadahilan ko na ang pasok namin bukas. Panay ang kantiyaw nila eh, kaya wala akong magawa kun'di makisabay sa agos.
Mabait naman ang parents ni Yixing, lalo na ang Mommy niya. Medyo ilag lang kami sa Daddy nila kasi nga Chinese. Nakakaintindi at nakakapagsalita naman siya ng tagalog, dahil matagal na nga sila rito, pero hindi siya 'yung tipo ng tao na mapapadaldal mo ng basta-basta.
Ingat na ingat kami sa pagsasalita at lalo na sa pagkilos. Marami kasing bawal dito sa bahay nila. Marami silang sinusunod na pamahiin kaya nakakatakot maghalungkat sa gamit nila. Si JC lang ang may lakas ng loob na biru-biruin ang Daddy nila Yixing. Palibhasa close ang mga Tatay nila, business partners kasi kaya matagal na rin silang magkakakilala.
"Hoy last na 'yan," paalala ni Coach Limer habang binubuksan ni Yixing ang isang bote ng alak. "Nakakarami na kayo ah? Uuwi pa ang iba sa inyo."
"Last na Coach," aniya. Namumula na ang mukha dahil lumalakas na ang tama. Bahay kasi nila kaya kung makainom wagas. Sila Rafael din, parang tutuwad na sa upuan sa sobrang kalasingan.
"Luke," tawag sa akin ni Matthew. Siya ang katabi ko sa kanan, si Jason naman sa kaliwa.
"Oh?"
"Uwi na tayo. Paalam ka na."
"Bakit ako?" Gusto ko ang ideya niya pero hindi kasama 'yung magpapaalam na part.
"Sige na, malakas ka kay Coach eh."
"Kay Coach makakalusot tayo, eh sa mga 'yan?" Ang mga kasamahan namin ang tinutukoy ko. Sila lang naman ang pipigil sa aming makauwi. Magpupumulit 'yang pagstay-in kami rito.
"Ako bahala diyan. Gusto ko ng umuwi napapagod na ako."
Ngumiwi ako bago tumayo. Lumapit ako kina Coach at saka bumulong. "Coach uwi na kami."
Agad naman siyang lumingon sa akin. "Sinong kasama mo?"
"Si Matthew po."
"Oh sige," tumayo siya kaagad. "Hatid ko na kayo sa labas mag-ingat sa pag-uwi ha?"
"Opo Coach," sinenyasan ko kaagad si Matthew na pumayag si Coach. Hindi naman siya nagsabi kina Yixing.
"Hala uuwi na kayo?" Tanong ni JC, ang pasimuno ng inuman na 'yan. Siya kaagad ang unang pumigil sa aming umuwi.
"Hindi na," tanggi ni Coach. "Gabi na, 'yung mga uuwi diyan."
"Ang KJ ni Coach."
"Ikaw Lopez pasaway ka, palibhasa isang gulong ka lang nandiyan ka na sa bahay mo. Gusto mo isumbong kita sa Papa mo?"
"Ay walang ganiyanan Coach. 'Wag gano'n Coach."
"Pasaway na 'to, lasing na lasing ka na. Umuwi ka na JC." Sumimangot ang madaldal naming kateam. Sa aming lahat siya ang pinakalunod sa alak ngayon. "Tatandaan ko ang mukha niyong lahat. Ayaw kong magrereason out kayo sa akin na may hangover kayo. Ang a-absent bukas puputulan." Nagtawanan na naman kami habang inaayos ko ang sarili ko. Pagagalitan ako ni Mommy kapag nakita niyang dudugyot-dugyot ako.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 2]
Ficción GeneralContinuation of Him & I STARTED: 01/13/21 COMPLETED: 05/15/21