This is a work of fiction. Names, characters, businesses, place and events and incidents are either the products of the author's imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to actual person, living or dead, or actual events is purely coincidental.
No part of this publication may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording, or other electronic or mechanical methods, without the prior written permission of the publisher, except in the case of brief quotations embodied in reviews and certain other non-commercial uses permitted by copyright law.
•••
Nandito ako sa quarters namin para magpahinga. Sa sobrang kalutangan ko, muntik na akong makalabas ng school na 'to ng hindi ko namamalayan. Kung hindi pa ako hinarang ng guard malamang nakarating na ako sa ibang lugar. Sa sobrang lalim ng iniisip ko, pwede ng maglibing ng isang daang bangkay doon.
Hindi mawala-wala sa isip ko ang inaasal ni Rina ngayon. Sanay kaming dalawa na nagkukunwaring hindi magkakilala noon, dahil na rin sa utos ni Abuelo. Kaya kahit ilang taon na kaming nagkikita tuwing Sports Fest wala pa ring nakakaalam na magkakilala kami.
Gano'n kami kagaling magbalat kayo...
Pero iba na kasi ngayon...
Talagang hindi na niya ako kinakausap!
Kinakabahan tuloy ako, dahil baka galit na naman siya sa akin. Na baka, masama na naman ang loob niya dahil akala niya inaagaw ko na naman ang pamilya niya sa kaniya.
Sana mali ako...
Dahil ayokong nagagalit siya sa akin...
Hindi ako aktibo tuwing Sports Fest dahil wala naman akong ibang alam laruin kundi Basketball. Kung may Boxing at Wrestling lang siyempre 'yon ang sasalihan ko.
Kaso wala...
Kaya nirequest ko kay Abuelo na ibalik ang Basketball girls para may pagka-abalahan naman ako. Sawang-sawa na akong tumunganga at matulog sa ilalim ng puno tuwing Sports Fest.
Mabuti na lang may kaibigan na ako ngayon...
Hindi kasi ako pinapayagan ni Abuelo na makipagkaibigan sa iba. Dati rin hindi niya pinapagamit ang pangalan ko, kaya kataka-takang bigla na lang niyang pinagamit sa akin ang pangalan na ibinigay niya.
Mahirap sauluhin ang ugali ni Abuelo, dahil hindi siya showy na tao. Hindi mo mawari kung galit, natutuwa o malungkot dahil blangko ang ekspresiyon ng mukha niya.
Ang sabi ni Lolo Antonio, hindi naman daw gano'n si Abuelo dati. Ngumingiti naman siya pero mas dumalang nga lang daw ngayon.
May misyon kami na kailangang tapusin kaya hindi kami makabalik-balik sa Pueblo. Nagagalit na si Bisabuelo dahil ang tagal na naming naglalagi rito pero hindi pa namin sila nahahanap. Dumagdag pa sa alalahanin si Rina, na wala na yatang balak umuwi sa Paraiso.
Naiintindihan ko naman ang nararamdaman ni Abuelo. Normal lang ang magalit dahil may kasalanan siya. Sana ay inintindi niya na lang dahil gano'n naman talaga si Abuelo. Kapag galit siya, hindi niya nacocontrol ang bibig niya.
In short...
Masakit siya magsalita!
Masakit pa sa pinakamasakit...
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 2]
General FictionContinuation of Him & I STARTED: 01/13/21 COMPLETED: 05/15/21