"NAKIKITA MO RIN SILA?"
Kasali ako sa theatre group ng aming university when I was in college. Joining theatre means spending late nights at school for rehearsals, stage plays, prod works and such.
Maraming horror stories na napapalibot tungkol sa Theatre where we mostly stage our plays. Sabi ng iba, maaaring maraming spirits ang nag de dwell roon dahil nga may mga plays that involves intense, heavy emotions.
Sa theatre group namen, if you're not part of the cast, automatic part ka ng production and marketing.
During my first year in college, di pa ko magaling magsalita ng local dialect since lumaki ako sa Manila so mas madalas ako sa production kasi hirap pa ko umarte using the local dialect.
One night, rehearsals ng isang stage play namen and kaming production ay nanonood lang from the audience area. 2 lang kami ng classmate kong open ang third eye sa row namen and magkatabi kami. Siguro around 9-10pm na rin yun (maaga pa yun for us.)
Habang nanonood ng rehearsals, parang biglang nag "zone out" yung pandinig ko. Yung unti unting nagiging background noise na lang yung pinapanood ko at halos wala na kong madinig kundi parang white noise lamang, parang "iiiiiiiiiiiiiiiiiii" lang. For me, zoning out is usually a sign of an extra sensory experience.
After zoning out, may narinig na ko. Parang ang bilis-bilis na pagbulong, tapos may tumatakbo, simultanenously, ganung mga tunog. Eh buti kung mula sa sahig ang pagtakbo, sinundan ko ang mga tunog at napatingala sa kisame, dahil dun galing ang mga tunog.
Pag tingala ko, wala naman akong nakita ngunit tila papalayo ang mga tunog mula sa akin,sinundan ko pa rin ng tingin at papunta na yung tunog sa may stage banda kung saan nagrerehearse ang cast. Yung friend kong may third eye, napatingin saken, nanlalaki ang mga mata sabay sabing "Nakikita mo rin sila?"
Sabi ko hindi pa naman, naririnig ko lang.
At kinwento nya na nga real time what unfolds in front of us.
2 bata yung tumatakbo ng pagapang mula sa kisame, mga 7 years old daw ang edad hula nya. Masayahin ang mga bata, mga pilyo. Hilig tumakbo sa kisame, gumapang sa mga pader, at tumalon talon sa mga wings ng stage, set at props.
Tahimik lang ako habang nagke kwento sya at kunwari'y nanonood pa rin ng ongoing rehearsals. Nang naudlot bigla ang rehearsals dahil wala na ang isang prop na gagamitin sa next scene, which is na secure na naman ng production sa set before starting.
Pinatigil ng direktor ang rehearsals at nag company call, which means all of us would sit in a circle para mag usap-usap. The stage manager kept on saying na na secure nya ang mga props, at lately nga raw andaming nawawala, first time nawalan nang naka set up na sa stage.
Doon inamin ng kaibigan kong may third eye ang nakita nya at narinig ko. Doon na nagalit ang direktor namen, sumigaw at pinagmumura ang mga "bata." Sinabi nyang wag naman sana sila manggulo at promise, uuwi kami ng maaga.
Dapat daw kasi ipakita mo sa kanila na matapang ka at hindi takot sa kanila para raw "mag tanda."
Natakot na ang the rest of the cast at crew kaya nag pack up na lang ang rehearsals for that night.
Ikaw, nakikita mo rin ba sila?
"PEBBLES"
Hindi pa ata sanay ang mga multo/elemento sa amin na kadalasan ay mga alas dose na nang hatinggabi ang tapos ng rehearsals.
Wala naman nangyayaring kakaiba kapag mga 6pm pa lang, pero pag nagsimula nang mag alas onse ng gabi, minsan sunod-sunod na ang kanilang pagpaparamdam, na tila kami ay nakakaistorbo na sa kanila at gusto na nila kaming pauwiin.
Nagrerehearse kami ng isang play at part na naman ako ng production. Around 11pm na rin ata yun ng lumapit ang stage manager namen sa direktor at umiiyak. Ang mga stage manager during rehearsals ang naiiwan sa "wing" ng stage, sa may gilid pa backstage banda, kung saan din naghihintay ang mga cast kung hindi pa nila scene ang nangyayari sa play.
Eh 2 lang yung cast ng play during that time at pareho silang nasa stage nag rerehearse so mag isa lang talaga ang SM (stage manager) sa likod habang lahat kami na part ng production eh nasa house o audience area lamang.
Umiiyak siya dahil may parang malamig na kamay daw ang humawak sa kanyang braso mula sa back stage.
Nagalit na naman ang direktor namen at nagsusumigaw upang paalisin ang mga multo ng teatro. After 1 hour, nag pack up na uli kami.
That night, ako at ang isang kaibigan ko ang na assign mag lock ng theatre doors. Buti na lang maaga pa lang naka lock na ang mga pinto sa back stage. So ang 2 pinto na lang sa left and right audience area ang ilo lock namen.
Dahil sa takot, dali dali na nameng ni-lock ang left audience door, at tatakbo kami upang makarating agad sa right. Habang tumatakbo, nagulat kami nang may mga maliliit na bato o pebbles na pinagbabato mula sa left audience door na kakalock lang namen, medyo marami rin ang pebbles na ito which started to roll down pababa sa audience area. "Ahhh galit na talaga sila." Sabay patay namen agad nang natitirang ilaw at lock nang remaining door. Buti na lang ang mga kasamahan namen ay nag hihintay pa rin sa amin sa labas, dahil nga sa nangyari earlier sa aming stage manager.
After rehearsals, nakagawian na naming "magpagpag" muna sa nearby tapsilogan para nga walang sumama sa amin pauwi.
THE GHOST BRIDE
Same venue, part naman ako ng cast this time. Stage lights lang ang gamit namen during rehearsals that night kasi nga tech run na rin, meaning lahat ng mga music, sounds at lights na gagamitin sa actual play ay nirerehearse na rin.
Medyo heavy ang theme ng play, medyo emotional kaya karamihan sa ilaw na gamit ay kulay pula. Mula sa stage naman, madilim ang audience area, nakapatay ang mga house lights at ang tanging linawag na makikita mo ay kakaunti lamang at mula pa ito sa tech booth, sa dulong bahagi ng theatre, kung nasaan ang mga lights and sound crew at ang kanilang equipment, sa may taas.
Todo bigay na kami sa pag-arte ng buong cast at sa scene kung saan kasama ko ang nanay ko sa play, bigla syang nadistract, nag cut mula sa character nya sabay umiyak ng umiyak.
Kanina nya pa raw nakikita mula sa audience area na may naglalakad na babae na nakabelo at nakaputi, medyo duguan raw at ramdam nyang nanlilisik ang mga mata at nakatingin sa amin. Ngunit hindi nya pa ito basta maaninag dahil medyo madilim nga naman sa audience area. Take note, wala namang bride na role sa cast. Na confirm nya lamang na multo nga ito ng naka akyat na at nakapasok na sa may tech booth ang "ghost bride" at patuloy na dahan-dahang naglakalakad sa tech booth kahit na masikip rito dahil nga andun rin ang tech crew. Tumatagos lamang ito na parang walang natatamaan at walang mga tao, pabalik-balik.
Syempre, maaga na naman kaming umuwi mula rehearsals that night.
Salamat sa pagbabasa, next time na ulit yung ibang kwento!
📜Travel Horror Stories
▪︎2021▪︎
![](https://img.wattpad.com/cover/334075232-288-k923540.jpg)
BINABASA MO ANG
[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HorrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.