Transient House

38 1 0
                                        

Transient House

Hi Readers! Share ko lang last Baguio experience namin this December 2022. I travelled with my husband and son, and then my Tita's family (a family of 6). We visit Baguo regularly, and we go there 3-4 times a year. We always rent the same transient as well, natigil lang visits namin nung nagpandemic. Then came Dec 2022 when travels are not that strict anymore.

As always, we went to the same transient. Pagpasok pa lang sa house, nanotice ko na na parang malaki pinagbago nya. Parang biglang naging OA yung dami ng display na mga santo, rebulto, pictures, paintings, and things na religious. As in kahit san ka lumingon, meron. It's a big American-inspired house, mataas ceiling, may attic, maraming kwarto. Nung 1st day namin wala naman masyadong unusual apart from natatakot nga mga kasama ko sa dami ng display na religious things. Parang ang dating kasi samin is nilagyan ng maraming ganun kasi pangontra o pangtaboy sa kung ano man.

On our 2nd day, that's when we experienced the scary happenings. Namasyal kami ng maagang maaga kaya we're all exhausted na 2pm plng. After our late lunch sa Mines View, we decided na dumaan muna sa Laperal House para magpapicture, and then after that bumalik na kami sa transient para magsiesta kasi may gala pa kami sa gabi. Pagdating sa transient, nagpasukan na kami sa kanya kanyang kwarto. Yung isang pinsan kong lalaki natulog sya sa attic na di naman masyadong nakakatakot kasi open naman yung kwarto and may overlooking view. Ang alam ko lang, sa daming beses naming nagrent sa transient na yun is yung time lang na yun natulugan yung kwarto sa attic. Kami ni hubby and anak ko nagstay lang sa kwarto and madali silang nakatulog. Ako na super hirap makatulog, nagayos nlng ng mga gamit. Maya maya, narinig ko na Tita ko na nagtatakbir at nagpapatugtog ng Al Baqara sa cp nya. Mga Muslim kasi kami. Lumabas ako ng kwarto to ask what happened. Nakita ko sila sa hagdan ng pinsan kong lalaki from the attic. Ang sabi ng pinsan ko nakatulog daw syang nakadapa dahil sa pagod, and nagising syang may babaeng nakadagan sa likod nya. Nakangiti daw sa kanya yung babaeng mahaba ang buhok and nanlilisik ang mata habang sinasakal sya sa batok. Triny nya daw kumilos pero di daw sya makagalaw kasi ang bigat daw nung babae. Mabaho din daw yung amoy nung babae. Nakagalaw lang daw sya nung nagdasal sya. Niremind nlng ako ng Tita ko na wag daw sabihin sa isa ko pang pinsan kasi di daw yun makakatulog sa takot. Since ayaw ko din masira ang trip namin, inisip ko nlng nagsleep paralysis lang pinsan ko and it was only a dream. Sinabi ko nlng sa Tita ko na baka nabulabog kung ano man yung nasa attic kasi 1st time natulugan. Di na din ako masyado nagtanong bout sa nangyari, pero deep inside, naging mas suspicious ako sa house.

After that incident ng hapon, nagprepare na kami for our night activities. Last stop namin that night is Pizza Volante sa Session Rd., then bumalik na ulit kami sa transient. That night, may nakapasok na pusa sa room namin and dun sya nagpoop sa kama namin kaya pinaltan namin ang kutson, mattress, mga unan, and kumot. Yung extra kutson sa attic ang ipinalit namin. Habang nagaayos ng bed, napansin ko ding may glass windows pala sa wall na katabi ng kama ng anak ko. I thought nilagyan lang tlg ng owner ng curtains to cover the wall. I checked the windows and I saw na di pala sya kayang abutin kung may tao man sa labas kasi mataas. Nilagay lang tlg siguro yun dun para may additional ventilation. Pero dahil takot na ko, I swear I made sure na nakasarado tlg mga bintana and nakapatong mga pleats ng curtains per panel para di madaling hanginin, and I'm pretty sure walang hangin that night and sobrang lamig lang tlg. Yung anak ko pinatabi ko na din samin ni hubby. Bale isang kama lng ginamit naming tatlo that night, and talagang hirap na hirap ako makatulog. Dinalaw ako ng antok ng mga 1am na siguro. Super babaw ng tulog ko and maya't maya ako bumabalikwas. Di ko namalayan nakatulog na din ako, and I'm sure di pa tumatagal tulog ko, nagising na ulit ako. I checked the time and it was only a few minutes past 3am. Napatingin ako dun sa wall na may windows and nakita ko tlg may nahawi sa pleats ng curtains. Parang hinawi sya just to create a small round gap sa curtains para lang makasilip. Kasi kung hinangin yung kurtina, dapat hindi round yung mabubuong gap sa curtains. And yung gap parang nakatutok pa sa kama namin. Dun natakot na tlg ko and I felt na something is really watching us kaya di ako makatulog. Pinicturan ko yung itsura ng pagkakahawi sa curtains. At 4am, ginising ko na tlg asawa ko, pinakita ko pagkakahawi ng curtains and kinilabutan din sya kasi sya yung kausap ko habang sinesecure ko yung windows and curtains bago matulog. Alam nyang hnd ganun itsura nun. Kahit ang aga pa, niyaya ko na syang magprepare ng gamit para maaga kaming mkapagcheck out. Naisip namin baka sumunod yung entity sa attic kasi kinuha namin yung kutson. Di na namin kinwento sa mga kasama namin para di sila lalong matakot. Nagbreakfast lang kami paggising ng iba pa naming kasama, and then tinawag na nila owner ng house para magcheckout.

Whilst nagloload kami ng gamit sa sasakyan, nagkakwentuhan din Tita ko pati yung owner. Sabi ng Tita ko parang alam din ng owner na may something sa transient na yun kasi daw nagproactive din daw yung owner magsabi ng "Alam nyo kung nakakatakot tong bahay na to, mas nakakatakot pa yung transient na nakuha namin sa Vigan nung nagbakasyon kami dun."

Nung nakauwi na kami sa Manila, tsaka nlng ako nagkwento about sa kurtina tapos dun na din sila nagsabi sakin na parang may something dun sa kwarto sa gitna kaya nagsiksikan silang anim sa dulong kwarto.

Siguro pag magvisit ulit kami ng Baguio, di na ulit kami babalik dun. Sayang lang kasi ang dami na naming memories sa transient na yun and ang bait ng owner. :'(

PS: Di ko na po sasabihin name ng transient as my respect na din po sa mabait na owner. Thank you for reading my post.





📜Travel Horror Stories
▪︎2023▪︎

[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon