NAKASAMA KO SA CLEANERS ANG

48 0 0
                                        

NAKASAMA KO SA CLEANERS ANG CLASSMATE KONG MAY KAKAIBANG NAKIKITA

Matagal na to nangyari. Noong Grade 6 ako, yong classroom namin ay may malaking punong mangga sa likod. Break time nong pumunta yong mga kaklase ko sa puno kasi hindi mainit doon, malaki kasi masyado ang puno kaya kahit marami silang mag-stay doon ay hindi maiinit.

One time, yong AP (Aralin Panglipunan) time na, nagdi-discuss na si ma'am sa harap, yong isa kong kaklase tingin nang tingin sa bintana ng classroom tapos hindi siya mapakali. So ako itong curious na curious sa tinitignan niya, tumingin din. Nakailang ulit na ako ng tingin sa labas ng bintana, wala akong makita maliban sa malaking puno ng mangga.

Dahil nga curious pa rin ako kung anong tinitignan ni kaklase ko, tinanong ko kung ano’ng tinitignan niya kasi kahit anong tingin ko sa labas ng bintana ay wala akong makita. Sabi niya may nakatingin kasi kay ma'am na babae tapos naka-uniform din katulad ng suot natin. Dahil sa sinabi ng kaklase ko, tinignan ko kung meron nga pero wala pa rin akong makita.

Hanggang sa matapos yong discussion ni ma'am at uwian na. That time ay cleaners ako sa room at nagkataon na kasama ko yong kaklase ko na tingin nang tingin sa labas ng bintana. Habang naglilinis kami, parang may tumatakbo sa likod ng classroom, lalapitan ko sana kaso nagsalita yong kasama ko na hayaan ko na lang daw. Sabi ko,

“Sinong hayaan e, ni hindi ko alam kung sino yong takbo nang takbo tapos tayo na lang naiwan sa classroom natin?”
“Bilisan mo na lang ang paglinis, malapit na mag-6 pm, mahirap na...” sagot niya.

Pagkatapos namin maglinis ay aalis na sana kami pero may narinig kaming iyak sa likod ng room. Dahil curious ako kung sino yon, pumunta ako, nong nasa likod na ako ng room namin ay wala akong makita na tao. Tiningnan ko yong paligid kung wala nga bang tao, pero kahit anong tingin ko wala talaga. Bumalik ako doon sa kasama ko kasi natakot na ako, baka iwan niya ako mag-isa.

Naglalakad na kami sa hallway papunta sa gate nun pero kahit malayo-layo na kami sa classroom namin, makikita pa rin ang punong mangga kasi malaki yon. Yong malapit na kami sa gate ay tumingin ako sa mangga kasi na-curious pa rin ako (kahit takot na).

Kung ano yong nangyari kanina na sinabi ng classmate ko, pagtingin ko don ay may nakita akong babaeng naka-uniform katulad sa min, puro d*g0 yung palda niya tapos nâkâb*tây siya sa punong mangga, nakatingin siya sa min tapos nakangiti pa, doon na ako mas natakot dahil sa titig niya habang nakangiti.

Julie
2018
*Confidential (Surigao)
---


📜University Secret Files
▪︎2023▪︎

[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon