Boarding House

57 1 0
                                    

Boarding House

Hindi siya masyadong scary, pero kwento ko na lang din... 😁

After high school graduation, tumira ako sa Baguio ng isang taon. Nag-aral ako sa ating State U doon... Tumira ako sa Engineer's Hill. Yung bahay na tinirahan ko ay may 4 floors. Yung street level is for transients, sa 2nd floor nakatira yung may-ari, then yung lower 2 levels ay yung boarding house namin.
Since halos lahat ng mga boarders dun taga-Pangasinan, usually pag weekends umuuwi kami at babalik na lang ng Sunday or Monday morning. Isang beses, nauna yung isang boardmate namin na bumalik. Narinig niya may gumagamit ng typewriter... oo, typewriter pa lang ang meron nun... 😆 So akala niya may tao na... Pagbaba niya, bigla daw tumigil... at nagulat siya kasi patay pa lahat ng ilaw sa rooms... mag-isa pa lang pala siya...

Isang gabi, habang nasa kani-kanilang rooms na kami, narinig namin may nag-tatype. Dedma lang kami kasi baka may tinatapos na term paper or report or kung ano... sabi pa nga namin, ang sipag kasi inabot siya ng madaling araw sa pagta-type. Kinabukasan, nung paggising ko, napatingin ako sa table namin ng roommate ko, nandoon yung nag-iisang typewriter sa buong boarding house... 😱 Dinedma ko lang nung una, baka kasi meron nagdala or nanghiram ng typewriter sa iba. Pero wala, bukod dun sa typewriter na nasa table namin. Akala nga daw nila kami yun nagtatype eh.

Nakuwento din ng isa na nakatira sa basement 2 na may babaeng naka-itim daw sa hagdan nila, kaya pag lights out na, talagang hindi na sila lumalabas unless talagan cr na cr na sila. At binubuksan nila lahat ng ilaw bago lumabas. Same lady din na nakikita ng mga helpers dun sa sampayan ng damit sa street level ng boarding house.



📜Travel Horror Stories
▪︎2021▪︎

[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon