Not travel related. Tanong ko lang kung ano ang tawag sa ngyayari sakin.
Elementary ako nung una ako makakita ng spirit. Para syang smoke ng vape na korteng tao. Silhouette sya tas hindi naglalakad pero more on nag glide sya over us magpipinsan.
Next naman nagwork ako as encoder sa catholic church sa makati nung summer during highschool. Itytype ko mga baptismal etc sa computer. Twing papasok ako sa kwarto na yon, napakabigat ng energy. Ako lang magisa sa room. Makakarinig ako ng sumisitsit. O di kaya ramdam kong may nakatayo sa likod ko. Todo patugtog ako sa winamp para lang maavoid. Minsan mararamdaman ko. Minsan wala.
Working student na ko ng college. Callcenter sa gabi, university sa umaga. Imbis na mag lunch break ako sa shift ko, tinutulog ko na lang isang oras. Sayang din yon. Pero may specific area sa likod ng poste sa office namin sa robinsons equitable na sobrang bangungot lagi abot mo. Ang bigat ng pakiramdam pag gising ko. May instance pa nanaginip ako na nakita ko sarili ko nakahiga sa sahig na suot kung ano ang damit ko that day. Gulat na gulat ako.
Hindi ako makapag cr mag isa. Mula elementary. (Hindi dahil girl ako eh lagi kami in groups naccr.) lagi ako nagpasama kase kahit gano pa ka bright ng ilaw sa mga cr sa schools or office ko, napakabigat ng energy lagi pagpapasok na ko. Ramdam ko na di ako magisa. Ilang ulit na tinry ko magisa pero lagi ako binabagsakan ng pinto kahit alam kong walang tao. Kaya tuwang tuwa ako pag may pila sa cr. Kase di ako makakaramdam gaano.
May time nung nasa pinas ako nagwoworking student, lumabas kami ng ex ko para mag withdraw sa ortigas. Naglalakad kami ng mga 1am, may naglakad sa likod ko tas biglang may humila ng buhok ko. Sa bandang kanan. Eh yung ex ko nasa left ko hawak kamay kami dalawa. Wala kami kasabay sa daan. Napasabi talaga ako sa kanya balik na kami agad ng office at namutla ako.
Natulog din ako sa house ng friend ko bago shift ng 2004. Pagpasok ko, aray jusko ang bigat ng energy. Tabi kami sa kama. Sa ilalim kami ng hagdan nakukwarto. Sa bandang kaliwa ako natulog tabi ng digding. Yung frend ko sa tabi ng pinto kase gigising sya para magluto ng almusal. Mga ilang oras na ko sleep, naalimpungatan ako. Bat kako ung fren ko nakatayo sa aparador at nakaharap sakin. Tinitigan ko maigi. Smoke sya na korte ng babae. Silhouette sya. Sabay talukbong ako pinilit ko matulog. Tahimik lang kami nag breakfast. Pagdating ng office sinabi ko. May white lady ba sa bahay nyo? Nagulat sya. Pano ko daw nalaman. Naririnig lang daw nya sa kapit bahay pero di nya nakita or ramdaman. So sinabi ko nakita ko. Sabi nya sakin, sabi ng mga kapitbahay, yung whitelady nga sa ilalim ng mga hagdanan naglalakad at nagpapakita. Jusko antakot ko talaga! Never na ko bumalik. Frends pa rin kami til now 😂
Mga 4yrs later, may bago kong jowa nag room rental sa evangelista makati. 2 sila sa room. Pero wala roomate nya. First time ako nagpunta ng boarding house. Pagpasok pa lang grabe parang may dumagan sa shoulders ko na mabigat na energy at bigla akong nalungkot. Pag akyat pa namin ng hagdan, tumbok agad altar. Pati yung altar ang bigat ng aura. Di ako nakatulog non kahit na 3pm kami nagpunta at 9pm shift namin. Pakiramdam ko lagi may nakatayo sa pintuan nila nagbabantay. Maski umihi tiniis ko talaga kase di ko keri.
2008 nasa Singapore nako. At dahil nga IT ako, minsan shift ko 10a-7p or 11a-8p sa isang kilalang university sa singapore. Dahil ako ang huli, ako magsasara ng office. Sasagot ako ng emails at tickets ng may bigla “click, clack” ng keyboard sa likod ko. Nakupo!!! Di ako tinantanan. Ako lang magisa. Sabay dedma ko muna. Biglang rinig ko ang office chair sa lobby eh dina drag across the floor. Tayo ako dahan dahan pero wala naman tao. Mula non, nagrequest ako sa tl ko na di ko mag last shift kase mababaliw ako sa mga naririnig ko sa opisina.
2014 lumipat ako company. trade floor support ako. May partner ako sa office na pinoy at 4yrs na sya bago ako nagjoin. Nagkataon may desk move kami. Eh magagawa mo lang yon pag after 530pm pag sara na trading floor. So nagawa na namin ang task at nagtestesting na lang kmi ng computers. Power on kami habang nakaupo. Magkatalikod kami ng upuan. Humarap ako sa kanya chumichika. Sabi ko, koys pag mag isa kaba dito, may naririnig ka sa likudan mo nag tytype ng keyboard or yung upuan eh may humihila? Sabi sakin, hindi ah! Sa 4yrs ko dito, naiiwan din ako ng 7-9pm eh wala akong nadidinig na ganon. Baka guni guni mo lang. after nya sabihin, humarap na sya ulit sa mesa nya. Pagkatapos non, biglang may nagtype sa lamesa sa tapat nya. Rinig na rinig nya yon.. nagkatinginan kami. Lumaki mata nya as in! Sabi nya sakin, sa apat na taon ko, wala akong nadinig na ganyan! Bakit kung kelan andito ka, biglang may nagtype sa harap ko? Sabi ko sa kanya. Imposibleng ako yon kase nasa likod mo ko. Sa harap mo ang nag type, sabay tayo kaming dalawa. “Bilisan natin” uwi na tayo. Tsaka lang sya naniwala sakin.
Madami pako kwento pero eto talaga mga highlight sakin.
So di ko alam talaga ano tawag sa ngyayai sakin. Sensitive lang ba ako kase nakakasense ako, ramdam at dinig? Ayaw ko kase buksan 3rd eye ko kung meron man ako. Tong ngyayari pa lang sakin, sapat nang katatakutan. Kadalasan pinipili ko na wag nag tumingin kung saan ako nakakaramdam ng malakas na presence kase nga natatakot ako makakita ng hindi lang silhouette. Baka sunod iba na level up na sila 😭
📜Travel Horror Stories
▪︎2023▪︎
BINABASA MO ANG
[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HorrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.
![[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)](https://img.wattpad.com/cover/334075232-64-k923540.jpg)