Kagat

434 4 0
                                    

San Jose Del Monte  Bulacan 2014,

Naging assistant/kb ako ng isang Psychiatrist or Psychologist. Mabait si doc spoiled pa nga ko eh, lagi sya may pasalubong sakin sa tuwing uuwi sya sa bahay na tinitirhan namin sa marikina. Mas madalas na Wala sya at naglalagi sya sa facility ng mga ginagamot niya. Ako at tatlong aso lang ang naiiwan sa bahay kaya madalas na Wala ko masyado ginagawa. One time umuwi sya kumuha ng mga damit pang one week na pamalit, may tututukan daw kasi syang pasyente. Tinanong niya ko kung gusto ko daw bang sumama maiba man lang daw paligid ko. Excited akong sumama Kay doc dala namin lahat ng aso. Nakatulog ako sa byahe  bandang Fairview pa lang kami. Nung gisingin Ako ni doc nasa harap na kami ng bahay na malaki at malawak na garden. Sabi ni doc nasa San Jose Del Monte Bulacan daw kami at dito nakatira Yung pasyente niya. Sabi din ni doc na tutulong-tulong na lang ako sa mga kb dun habang andun kami. Pinapasok na kami sa bahay, inassigned ako na matulog dun sa bakanteng maids room. Maliwanag naman Yung room ,may double deck na bed, may built in kabinet na gawa sa narra saka Ang sosyal Kasi may aircon , 2 kb plus Yung parents  ang kasama ng pasyente ni doc. 2 floors lang ang bahay pero hugis syang paoctagon. Tabla ang sahig ng 2nd floor pati hagdan tapos ang kintab  nun, pwede ka magsalamin 😁. Okay naman mga tao sa bahay na yun , pwera sa pasyente ni doc na never ko nakitang bumaba. Edi natapos na kami sa maghapong gawain 7pm pinagpahinga na kaming mga kb kaya nagkachance akong makachika sila ate Daisy at Manang  Nancy. Saya Ng kwentuhan Namin sa kwarto nilang dalawa , getting to know each other kumbaga. After ng chikahan at dahil inaantok na din kami eh nagkanya-kanya na kaming balik sa mga rooms. Ako na nakaramdam ng uhaw eh lumabas ulit sa room around 10pm na yun. Di Naman Sila nagpapatay ng ilaw sa hallway at kusina kaya maliwanag Yung bahay. Habang naginom ako nakarinig ako ng steps na pababa ng hagdan ,inaninag ko Yung bababa spiral ang hagdan nila  , pero Ang tagal makababa kaya di ko na pinansin bumalik na ko sa kwarto. Kinaumagahan pagbangon ko naramdaman ko na masakit at ngalay Yung braso ko, Yung pakiramdam na ginawa mong unan magdamag braso mo, ganun na feel ko na impossible Kasi di ko Naman inuunan mga braso ko. Kinibit balikat ko na lang tapos gumawa na ko ng mga gawaing bahay. After ng lunch nagsiesta kami nila ate at manang sa garden may duyan Kasi dun na gawa sa kahoy magkaharapan na upuan. Kwentuhan ulit Hanggang nagtanong Sila kung ayos lang daw ba na magisa ako sa kwarto? Oo naman sagot ko, tapos Sabi ni ate" ibig sabihin di ka niya winelcome", edi Sabi ko sino kako? , Di nila ko sinagot ngumiti lang sila, kukulitin ko sana Kaso tinawag na sila Ng boss nila tapos kami Naman ni doc ay naggrocery. Past 8pm na kami nakauwi ni doc nanood kami ng sine eh, deritso na kami sa kanya-kanyang kwarto. After shower nakaidlip ako, nagising ako Kasi sobrang lamig sa kwarto ko, nagulat pa ko na patay ilaw ko sa room eh tanda ko na di ko naman inooff yun pagkahiga ko. Edi kapa-kapa ako sa bed ko para mahanap ko cp ko sa uluhan ko. Inon ko flashlight , nasinagan eh  paa at wheelchair 🥶 nasa corner malapit sa kabinet , natigilan ako thinking kung itataas ko ba Yung tutok ng flashlight sa may-ari ng paa na nakikita ko. Kahit nanayo balahibo ko  at parang sasabog ulo ko sa pintig na naririnig ko galing sa dibdib ko, dahan-dahan akong gumalaw pagilid sa bed ko para makababa ako at maion ko ang ilaw na malapit sa pinto. Naibaba ko na mga paa ko sa sahig ng marinig at Makita ko na gumalaw Yung wheelchair palapit (nakatutok pa din Yung flashlight sa paa) tinanong ko kung sino Siya, di sumagot. Kaya dinalian ko na marating Yung switch tapos inon Yung ilaw, pagkalingon ko Walang tao , walang wheelchair 🥶 at patay din Ang aircon .
Lumabas ako ng kwarto at kumatok kila ate Daisy , sinabi ko sa kanila Yung Nakita ko. Nagtinginan lang Sila , dun na daw ako matulog tapos bukas na daw pag-usapan . Hindi Ako nakatulog nun buong Gabi , naririnig ko pa din Kasi Yung tunog ng wheelchair ,Hindi ko na alam anung Oras ako nakatulog . Pagkagising ko kaming tatlo lang nila ate at manang Ang tao sa bahay , pumunta daw sa hospital Sila doc . Sabi nila  Mukhang nagparamdam daw sakin Yung kapatid Ng pasyente ni doc na namatay dahil di kinaya Yung depression, sa kwarto kung asan daw ako natulog ay Yung kwarto kung saan sya nakitang patay habang nakaupo sa wheelchair Niya 😰 overdose sa sleeping pills daw kinamatay. Sa nalaman ko nakiusap ako na kung pwede makisiksik na lang ako sa kwarto nila kahit sa sahig ako matulog, dyusko 3days pa bubunuin ko Bago kami makauwi ni doc. Omokey Naman Sila at binilin sakin na wag ko na banggitin sa boss nila Yung nangyari at di Rin naman daw naniniwala. After nun Wala Naman ng ibang creepy na nangyari sakin. Hanggang dumating ang last night namin sa Bahay na yun, day off ni ate Daisy kaya Ako Ang natulog sa upper part ng double deck, si manang sa baba. 8pm kami natulog ni manang , 4am tumunog alarm ni manang  nagising ako kaya sinilip ko sya, pero Wala na siya kaya iniisip ko na baka nasa labas na sya. Ginawa ko bumaba ako at sa higaan ni manang ako nagdecide na umidlip ulit, pinatay ko Yung alarm, 3minutes pa lang ata akong nakapikit at nakahiga eh narinig ko na Naman yung tunog Ng wheelchair 🥶 papalapit Yung tunog kaya mas diniin ko pa Yung pikit ko sa mata ko ,kumakabog dibdib ko sa takot ,andun na Naman Yung kakaibang lamig .Maya-maya nawala Yung tunog at lamig na nararamdaman ko kaya nagdecide ako na buksan mga mata ko ,na dapat Hindi ko na lang ginawa 😭🥶 dahil paglingon ko sa kanan ko may babaeng nakakagat sa braso ko!  Habang nakatingin sakin!  As in Yung sigaw ko nito para Kong kinakatay ! Gusto ko mawalan na lang ng malay tapos ako na lang Yung biglang mawala. Pagbukas ni manang sa pinto Kasama na Sila doc nagtatanong napano ako . Ako na nakahiga pa din at nakatingin sa kanan ko kahit na Wala na Yung babae . Parang Bata akong umiyak Kay doc na umuwi na kami , natatandaan ko pa nun na tinurukan ako Ng pangpakalma Kasi nga iyak ako Ng iyak. Umuwi din kami ni doc Ng araw na yun di na kami nagtagal. Nakasakay kami sa sasakyan ng Makita ni doc Yung braso ko may pasa bite marks pero walang Marka ng ngipin ,(dito pumasok sa isip ko Yung pananakit Ng braso ko, siguro kinakagat Niya na ko nun) kaya natawa pa kami ni doc sa isiping walang ngipin Yung mumu , to lighten up the mood Kasi Ang tahimik Namin eh 🤣. Pero promise iba Yung trauma na hatid sakin nun ,  Sabi ko nga na okay na Makakita ako Ng multo na gaya sa mga naeencounter ko at nakausap , wag lang talaga Yung parang may sa d*mony* na entity.


📜Travel Horror Stories
▪︎2023▪︎

[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon