12th floor
Good Eve sa Inyo Lahat..Sana still safe po kayo lahat.. anyway Spooky Time po muna Tau..
Year 2013. around january nun. graveyard shift ako nun sa una ko bpo sa makati. na hire ako as a customer service associate. di pla madali ang work na pang gabi. kalaban mo ang antok at stress sa trabaho pero nagenjoy naman ako kasi ang kwela ng team namin kaya di nakaka boring.
ang building ng office nun ay nasa kahabaan ng buendia ave. katapat ng ceu makati. oh ayan i google map nyo na lang. haha. lumang buiding na sya.at halatang napag lumaan na ng panahon. pwede marenovate anytime. nung una ko palang araw sa work ko na yun may nasense na talaga ako. mas lalo na dun sa office namin may parte na bulok na yung facilities. like yung cr at ibang rooms dun. basta pangit sya. kaya ko lang natyagaan pumasok kasi kukuha lang ako ng experience at magapply ako sa bigatin company after a year or 2 years.asa 14th floor ang office namin. so after ng 12th flr, yun na ang kasunod. since wala nman 13th floor sa mga building gawa sa mga paniniwala na malas or etc. sa boung building na yun, may part na bakante kaya if magtitingin ka sa floor directory sa ground floor, ilan lang ang nag lease dun sa building na yun. karamihan ginawa na lang personal suite yung ibang floor. pero hindi ang 12th floor. as in bakante sya. di ko alam kung bakit wala nag lease dun.pero nalaman ko din gawa sa pangyayaring eto.
Guys! lunch break nyo ng 2am ah. so make sure before mag aux ng lunch tapusin nyo na yng call nyo. sabi ng tl ko na nag check ng mga calls at breaks namin.
Me: tl sabay ka sa amin mag lunch?
tl: mamaya na lang.sabay na lang kami ni jeff mag lunch. mamaya kung ano pa makasabay ko sa elevator. whaha
me: para kang timang tl haha. tinatakot mo naman ako eh.
tl: hahah. goodluck sa makakabay mo. charot. wag ka mag oover break ah.
eksatong 2am nag aux na ako ng lunch para di na ako makarecieve ng calls. niyaya ko na ang mga ka team ko na kumain sa labas. kumain kami sa kfc. favorite ko dati ang flavor shots kasi 50 pesos lang sya tapos ginagawa ko ung gravy nila diba unli naman yun pinupuno ko yung plate ko. tapos oorder ako ng mushroom soup dati 20 pesos lang yun tapos malaki pa yung serving ngaun mahal na tapos di na malaki yung serving. kaka sad lang. haha.
nag yosi kami ng mga ka team ko bago kami umakyat. so mga 2:40 nagdecide na kami umakyat sa office para di na ma tag ng overbreak.minsan tinutupak pa yung elevator kaya aabutin ka ng siyam siyam. nakarating agad kami sa floor namin at nag ayos muna ako ng desk ko. naalala ko di pala ako nakabili ng coffee sa ministop. tinignan ko yung orasan may 15mins pa ako sabi ko sa tl ko. bili lang ako ng coffee sa baba para di ako antukin. bagong kain pa nman ako nun saka napakalamig sa floor namin. infairness naman sa building na yun,lokbu na nga yung ibang units at facilties pero sa aircon putah para ka nasa antartica. kaya ang jacket ko gamit dun ung makapal.so baba na agad ako sa ground floor at bili ng coffee sa ministop. 2 sachet ng kopiko brown ang binili ko kasi fave ko talaga ang lasa nya. (wala po bayad ang pag endorse ko haha) nakabili naman agad ako at sakto wala ako kasabay sa elevator. sabi ko hay salamat makakaakyat din ako magisa at solo ang buong elevator. pinindot ko ang 14th sa elevator pero nagtaka ako naka turn red ang 12th flr. meaning may baba sa floor na yun. so inisip ko baka tech issue lang that time ginawa ko pinindot ko ulit yung 12 para di na sya mag stop dun mamaya. pero wala talaga.naka turn red sya. kung ano ano na pumasok sa isip ko nung time na yun. ang nakakatakot lang kasi wala nman nag lease sa floor na yun for how many months at saka isa pa nagiisa lang ako sa elevator na eto. nagdarasal ako na sana tech issue lang eto . hanggang sa nakarating na sa 12th floor. nakiramdam ako kung magbubukas nga sya pero pusang gala nag open nga ang elevator sa floor na yun!ang mas nakakatakot pa, walang ilaw na naka open sa floor na yun at ang dilim. huhuh ...ito ata ang tinutukoy ni tl. hanggang sa nakarating na ako sa 14th floor. 2 mins na lang bago ako mag log in. di ako makahinga ng maayos at talaga naman balisa ako. mamaya ikwento ko kay tl ang nangyari.
natapos ang shift ko nun at nagsiuwian na ang lahat ng ka team ko maliban sa amin dalawa ni tl at iba pa mga team na pang closer. lumapit ako sa kanya.Me: may chika ako sayo tl. so creepy as hell..
tl: ano yun Bernard?. di ka nakaawra nung weekend.? haha
me: uy hindi ah. wala ako ganap last weekend.taong bahay lang muna ako. tl kanina nung nagpaalam ako sayo para bumili saglit ng coffee sa baba nung pabalik na ako nastop ako sa 12flr. ang weird pa nito tl wala ako kasabay kanina paakyat.
tl: hala nakasabay mo sya.
me: sino ba yung tinutukoy mo.? di mo pa nachichika sa akin yun.
tl: may namatay jan sa 12th flr gawa sa aksidente.
me: hala. seryoso ba yan?
tl: oo truelala yun ghourl.kaya nga nabakante yan 12flr na yan gawa sa aksidente na yun. nasunog kasi yan. namatay ang isang tenant jan.matagal na nangyari yun.mga a year ago na rin. jan nga dapat tayo lilipat sa 12th floor pag nag expand pa ulit ung account natin. na occular na namin yan kaso di bet ng mga boss natin yung floor kaya ang kinuha yung nasa 18th. pero di rin natuloy.
me: so sya kaya ung nakasabay ko kanina? so creepy talaga.
tl: siguro hehe.. kaya wag ka na mag gamit ng elevator mag isa tapos nagkataon na devil's hour un nangyari.
me:meganun ? ibang klase ka tl. nagpapaniwala ka pala sa mga ganyan.
tl: di naman sa nagpapaniwala pero kailangan lang maging open sa mga nangyayari at bagay na walang scientific explanation.simula nun di na ako nag eelevator mag isa. natakot ako simula nun. bakit ba naman kasi dun pa nag office ang company namin pwede sa ibang floor wag lang sa pagitan ng 12th at 14th. haha demanding? tumagal din ako ng 1 year sa company na yun.di na rin nag eexist ang company ko na yun kasi fly by night yung company na yun(scam in bpo industry))alam ko naman yun simula pa nung una pero pinagtyagaan ko lang for experience at ok naman ang sahod ko.yun lang habol ko.saka nag enjoy naman ako dun kasi ang bait ng tl ko na yun at yung mga ka team ko ang kwela din kaya di ko naisipan maghanap ng iba.
Hanggang Sa muli. Happy Reading 😊 Happy Weekend 😊🥰
📜Travel Horror Stories
▪︎2021▪︎
![](https://img.wattpad.com/cover/334075232-288-k923540.jpg)
BINABASA MO ANG
[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HorrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.