BURGER

17 1 0
                                    

“BURGER”

This happened recently ngayong Maundy Thursday lang. CO kasi yung husband ko sa isang company sa army (I won’t specify for safety purposes) kaya nung nagsecurity ang tropa sa mga churches dinalaw namin sila sa mga post nila.

Nakasakay kami sa kotse, ako yung nagdrive. Si hubby nasa passenger seat tapos may isa pa kaming kasama na officer sa likod naman. Bumili muna kami ng burger at water na ibibigay sa mga tropa na pupuntahan namin. Bale sa apat na churches sila nagsesecurity pinuntahan namin yung isa isa.

Sa last stop namin na church, nagpark muna ako kasi di namin mahanap kung san nakapost ang tropa. Lumabas si hubby at yung kasama din namin na officer para hanapin sila. Maya maya nagstop yung army vehicle sa gilid ko kasi nakilala din nila yung sasakyan namin. Nagbaba ako ng window, napansin ko na agad yung nakaupo sa likod ng passenger side kasi nakasilip sya sa siwang (see reference photo below pero yung actual na sasakyan mas malaki ng onti yung siwang) Sinabihan ko sila na hinahanap sila kaya nasa loob si CO nila, tatawagan ko na sana si hubby bigla silang dumating. Usap lang saglit kasi then umalis na sila, nakita ko na dalawa yung nakasakay sa likod ng km. Magkatapat silang dalawa.

Cafgu pala yung nakasakay sa likod, kaya ngworry ako kung nacount ba sila sa burger na binili namin. Kaya sabi ko ”Nabigay mo na ba yung mga burger?” “Oo nabigay ko na yung tatlo.” Sagot nya. Nagtaka ako kaya sabi ko bakit tatlo lang? Eh apat sila?? Kawawa naman yung isa wala syang burger. Nagtalo pa kami ni hubby sabi nya mas marunong padaw ako eh sya nagarrange ng deployment nila. isang cafgu lang daw yung nasa likod. Baka namalikmata lang daw ako kasi may bag daw na nakapwesto dun banda, pero sabi ko di pede na malikmata kasi may mukha akong nakita at sumilip kasi sya sa siwang nung nagbaba ako ng window ko.

Hinayaan ko nalang, dineadma ko magdamag until dumating silang tatlo dito sa camp. Diko natiis tinanong ko sila kung ilan sakay sa likod. Isa lang daw sakay nila na cafgu at nakaupo sya sa driver side which is diko makikita at imposible na sya ang sumilip. Pinuntahan namin yung cafgu to confirm at para makita ko din yung mukha nya. Pero hindi sya yung nakita ko, may kasama talaga sya sa likod na may edad na, kulubot onti ang balat sa mukha at leeg tapos payat.

Umalis na ulit sila nung hapon para bumalik sa post nila, sinabihan nalang sila na magdahan dahan sa pagdrive at ipabless yung sasakyan.

Add ko lang, wala akong third eye at never pa ako nakakita ng kahit ano. Kaya akala ko talaga tao din yung nakita ko. Diko inexpect na pede pala na ganun unlike sa movies na nakakatako itsura nila.




📜Travel Horror Stories
▪︎2023▪︎

[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon