Mt Pulag - 2017
Pangarap ko talaga akyatin tong bundok na to and 2017 naakyat ko na sya. Hindi naman bago saken mamundok so ung mga precautions alam ko na din naman. No not just the basic mountaineering safety, pati ung pagpapaalam sa mga nakatira bundok.
Okay naman the entire climb walang kakaiba and super happy kasi first time to climb tapos ang ganda ng sunrise and sea of clouds. So pababa na and 3 nalang kame na nahuhuli sa group namen — ako, friend ko, and isang guide — nasira kasi shoes nya kaya ambagal na namen.
Eto na, nasa mossy forest na kame, bago kame pumasok nag paalam muna ako and tahimik lang kame para walang magambala. Eh kaso naihi ako, bakit kase ngayon pa kung kelan mejo eerie na ung lugar. Umaga naman na pero creepy feels parin. Sabi ko try ko tiisin kahit hanggang paglabas ng mossy forest, eh hindi ko na talaga kaya. Tumigil ako tapos liningon ko sila sabi ko mauna na sila kasi naiihi ako, tapos gumilid na ako naghahanap ng mejo tagong place. Tapos nag tabi tabi po ako and super paalam pa ako. Ung friend ko for some reason nakatingin lang saken, as in nakatitig na parang na stun sya or what tapos hindi makapagsalita. Sabi ko pa ano naaaa papanoorin mo ako umihi??? Lol. So naglakad na sila pero palingon lingon sya. Edi nakaihi na ako, nagpasalamat pa ako and all tapos tabi tabi ulit.
And then this happened — wala pa yata akong 10 hakbang biglang sumama pakiramdam ko, as in. Para akong nasusuka na nahihilo na nanghihina na ewan. Hindi ko maexplain ung feeling pero super sama talaga. Ung super okay naman ako tapos in a snap sumama agad ng bongga. Pero wala ako choice, malayo pa ung rangers station alangan magpagulong gulong ako pababa. 😅
Pagdating sa baba pahinga then ligo tapos prep na umalis. Nung nasa monster jeep na kame nahihilo pa din ako and nasusuka. Tinanong na ako nung friend ko kung kelan pa nag start. Sabi ko after ko nga mag wiwi nung tinitigan nya lang ako. So ayun sabi nya — “Girl, hindi ko alam bakit hindi ako makapagsalita kanina pero i swear, nung pumunta ka sa pwesto na yun para umihi hindi ako sayo nakatingin. Sa likod mo. Ung mga vines and leaves for some reason para silang gumagalaw and nagfoform na parang form ng tao na parang sinisipat ka. Pucha parang fairies pa nga na ewan. Basta gumagalaw na akala ko dadakmain ka. Kala ko pagod lang ako pero tinititigan ko talaga kaya hindi ako gumagalaw don. Tapos liningon ko ulit and un parin nakikita ko kaya hindi din ako super lumayo dun lang ako sa kita pa din kita.” — Sheet sabi ko bakit hindi mo akooo pinigilaaaann. So ayun, pumikit ako and nag pray ako and nagsorry hoping na makarating sa kanila. Lo and behold — umokay pakiramdam ko in a snap. Its as if never sumama pakiramdam ko. Kung gano sya kabilis sumama, ganun din kabilis umokay. Walang gamot gamot.
Naka 2nd and 3rd na balik na ako sa Pulag and everytime na dumadaan ako sa mossy forest, super dasal and tabi tabi and thank you talaga ako. Even nung nag picture ako dun sa isang puno dun nung 2nd na balik ko mega paalam muna ako. Okay naman ako after. So d ko alam if coincidence lang or may nagambala talaga ako nung unang akyat.
Posted picture ng mossy picture for reference. Another picture in com sec for reference. ☺️
Other bundok stories - search nyo nalang dito Makiling and Romelo. ☺️
📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎
BINABASA MO ANG
[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HorrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.
![[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)](https://img.wattpad.com/cover/334075232-64-k923540.jpg)