Hello. Ako to yung nagpost ng anino na sumusunod sa akin dati (hopefully). Naisip ko lang ishare yung experience ko sa dati kong school.
Public school teacher ako dati. Nung pumasok ako sa school na yon, pinalitan ko yung teacher na nam@t@y na. So ang tradisyon kasi don, minamana yung classroom and lahat ng gamit ng umalis na teacher. Parang ipapasa mo ganon. Minana ko yung classroom nya. Okay naman. Wala akong naramdaman na kakaiba nung una maliban lang don sa pwesto ng teacher's table ko noon. Malapit sa bintana yung table tapos kung nakaupo ako don, nakatalikod ako doon sa aparador. Ayoko ng aura ng aparador na yon sa totoo lang. Basta, kakaiba. Pero wala naman kakaiba, maliban lang sa parang tumitindig balahibo ko pag doon ako nakapwesto. Ang klase ko non pang umaga, 5:45 am dapat andon na ako kasi may flag ceremony kami daily. Madilim pa umaakyat na ako sa classroom ko. Binababa ko yung bag ko saka ako bababa sa quadrangle para samahan yung mga students ko noon na nakapila pa. So imagine nyo nalang yung feeling na papasok ka don na madilim pa sa labas. Natatapos ang class ko 12noon. 12 noon until minsan 3pm nagsstay ako sa classroom ko para mag check, komportable naman ako kasi may teachers yung dalawang classroom na katabi ko. Kumbaga may kapitbahay ako. Isang hapon, di ko namalayan ang oras, inabot ako ng alas kwatro Di ko alam bakit ako nagstay ng ganon katagal pero alas kwatro na nung namalayan ko yung oras. Yung sinag ng araw ng alas kwatro pumapasok non sa mga bintana, habang nagsusulat ako napatingin ako sa anino ng aparador. Sa ibabaw non parang may tao na nakacrouch. Alam kong hindi yon gamit o ano man dahil di ako nagpapatong ng gamit sa ibabaw ng aparador dahil hazard yon pag may lindol. Dali dali ko kinuha ang bag ko at umalis na. Takot na takot ako non na di ako lumingon sa classroom ko. Paguwi ko, sinabi ko sa nanay ko, ang sabi ng nanay ko magdala daw ako ng asin at isaboy ko sa classroom ko. Ginawa ko kinabukasan. Wrong move. Kinagabihan nanaginip ako na pilit kong nilolock yung classroom ko mula sa labas. May babae sa loob, nakacrouch sya sa sahig at di ko talaga makakalimutan yung sinabi nya na pasigaw, ang sabi nya non "aalis ka pa ha?!" Di ko alam kung anong history ng classroom ko pero ang alam ko ayaw ng ibang teachers na mapunta yon sa kanila kaya sa akin ibinigay. Naaalala ko pa yung katabi kong classroom teacher, lagi nya sinasabi sa akin na umuwi daw ako ng maaga. The following school year, nailipat na ako sa main building, bago yung building so wala ako naging problema. Yung groundfloor ng dati kong building ginawang meeting hall. Nung magawa yong hall, doon na kami nagmeeting. Sa baba ng classroom ko noon may cr. Mid meeting nagcr ako kasama ko non 3 kong coteachers. Habang nasa cubicle ako may sumigaw. Parang tumili. Ang sabi ng co teacher ko sa katabing cuticle, "____, anlandi mo talaga." Sabay tawa. Di na ako mahihiyang aminin pero naihi ako sa pantalon ko non kasi di ako yung sumigaw. Lumabas ako dali dali, sabi ko mam di po ako yon, sabi nila anong di ikaw e galing sa cubicle mo yung sigaw.
📜Let's Takutan, Pare
▪︎2022▪︎
![](https://img.wattpad.com/cover/334075232-288-k923540.jpg)
BINABASA MO ANG
[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
אימהAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.