Intramuros and its 601 souls seeking for freedom

19 0 0
                                    

Intramuros and its 601 souls seeking for freedom

(Long post ahead, sana po basahin nyo. I am paying a homage to those fallen soldiers fighting our freedom.)

First time ko pumunta ng Intramuros with my family. Kasi ever since bata ako, di naman ako nakakasama sa mga fieldtrips nun. Kaya yung nagyaya sila, sumama ako and hilig ko din ang history lalo na world war 2.

Pagdating dun, okay naman. Green fields, mga guwardya sibil, at maiinit na panahon. Bakit 601? Yung 1 kasi si Rizal. May 6th sense kasi ako, na pag nahahawakan ko isang bagay, parang nakikita ko yung pinagdaanan at ano nangyari sa may-ari or gumamit dun. Yun nga, rizal museum. Nung nakita ko rebulto ni Rizal, parang ang sacred nya sa paningin ko. Sa mga historians, matapang si Rizal sa mga final moments nya. Pero yung andun ako e mixed emotions. For some tourist na tulad ko, they are taking pictures. But for me, I want to pray to God and feel the moments with him (Rizal). Sa room nya, kung saan sya nagsusulat, mararamdaman mo yung gusto nyang lumaya, gusto nyang magkaroon ng 2nd chance. Ang tapang nya sobra, kasi kahit pinapahinaan sya ng loob, andun padin yung pagiging makabayan nya. From all of his dress, gamit, hat, and books, makulay ang buhay nya. While touching yung glass ng clock dun (Rizal's exact time ng pagbaril sa kanya) Parang nakita ko buong pangyayari. Holding his last breath after sya paputukan sa likod, and giving him the last shot to his head, makes me feel numb. Sobrang salamat sayo, kundi dahil sayo, wala kaming pagkakilanlan.

The most creepiest and traumatic part for me is the dungeon. Until now, di ako makaget over sa sobrang traumatic ng lugar na yon. Excited pa nga ako bumama kasi first time e. Pero nagsisi ako sobra. Parang dala-dala ko sya gang ngayon. As you can see, may mga figures dun na mga soldiers natin para ireaacnment yung nangyaring torture sa kanila. 600 soldiers ang nakita ng mga Americans nun nabubulok na, after nila maliberate ang Manila.

Yung sikip, init, gutom, uhaw, liit ng lugar, yun ang nagbibigay sa akin ng anxiety. Nagbago ako after nun. Nagkaroon ako ng matinding galit bigla sa mga hapon, nagstart magkonek ng communication with the war veterans, at higit sa lahat, nakikita ko sila kahit saan ako pumunta.

Habang nasa loob, paghawak ko sa selda, para akong nawala sa malay, at kitang kita ko lahat. Parang andun ako sa loob nung nangyari sa kanila yun. Nakita ko sa mga mata nila na wala na silang hope, na kahit sinag ng araw naging pangarap na nila maabot. Sobrang creepy na pagmulat ko, yung mga statue e nakatingin sa akin, yung emotions nila bigla naging totoo. They are seeking help, they want to see the light, and the most of all, they want to see their families.

Sa 600 na yun, sabay silang nilibing din sa intramuros. Yung white cross dun, e mass grave pala nila. Now I understand why all of those things na nasabi ko ay gusto nila, kasi patay at nabubulok na sila nung nailabas sila ng selda. Depressing and disturbing, but part ng war na may mamatay talaga. Pero hindi sa ganung way. Ginutom at hinayaan silang mamatay. Kabaro mo na unti-unti kayong nababawasan, yung last na namatay sa kanila, yun ang sobrang natrauma, at nakita ko sya na nakatayo sa dulo ng part ng dungeon nila.

If bibista kayo sa intra, don't forget to pray for them. Wag din kayo maiingay sa loob ng dungeon as sign of respect. Kung hindi dahil sa kanila, wala tayong kalayaan na natatamasa ngayon.

Salamat at hanggang dito nalang. Habang sinusulat ko to ay naiiyak ako. Ganto pala pakiramdam pag hinayaan mo silang pumasok sa sistema mo.





📜Travel Horror Stories
▪︎2023▪︎

[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon