Share ko lang yung wholesome na medyo creepy experience ng partner ko
Nagbubuntis pa lang sya sa una naming anak na lalake noon, napanaginipan nya ang isang batang babae mga 6 or 7 yrs old, nakapwesto sya sa may tapat ng higaan at paulit ulit nya lang nasinasabi na "wag mo ko iiwan, wag mo ko pababayaan" na parang nagmamakaawa at umiiyak. So ako kinilabutan nang maikwento nya sakin kasi di nya daw kilala yung bata.
Lumipas na lang yung mga taon hanggang makalimutan na namin yun, nagkaroon kami ng pangalawang anak at lalake pa rin.
At sumunod yung pangatlo namin babae na, naging maselan yung pagbubuntis nya hanggang sa nagkaroon pa sya ng spotting (konting pagdurugo). Pero sa awa ng diyos maayos at malusog syang naisilang.
Then habang natutulog ung bunso naming babae na 6 yrs old na ngaun, napatitig yung partner ko tapos bigla nyang naalala yung dati nyang panaginip na batang babae na humihingi sa kanya ng tulong, kamukhang kamukha nya daw.
Di ko alam kung paano maipapaliwanag to pero parang tadhana na ata talaga na sya yung magiging anak nmin na babae, marami kasing mga theory tungkol sa kung ano ba talaga yung purpose ng panaginip natin.
Kayo? May mga na experience din ba kayong similar?
📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎
![](https://img.wattpad.com/cover/334075232-288-k923540.jpg)
BINABASA MO ANG
[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HorrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.