“Ugong”
This is a non-travel related story but a personal experience. It happened way back when I was still in college and in our province in Zamboanga City.
Around 7 PM nun, naghahapunan kami ng family ko. After dinner, pahangin sa veranda and kwentuhan. Siguro mga past 8 PM nun nang biglang humangin pero calm naman ung weather that time. Maisingit ko lang, nasa iisang compound pala kami ng relatives ko sa father side. Siguro nasa 10 families more or less. After a while, bigla kaming nakarinig ng ugong na parang trumpeta galing sa kabundukan. Lakas nya at sure ako na lahat ng tao dun samen ay narinig yun. Wala pang 1 minuto mula nung narinig namin yun, biglang sabi ng tatay ko, “Tara pumasok na tayo sa loob at parang di maganda ung ihip ng hangin.” E di pumasok na nga kami without anyone of us asking kung ano yun. Pagkapasok sa bahay, e di kanya kanya ng higa. Ramdam ko na papalapit na ung tunog. At mula sa trumpeta parang nag iiba na sya. Kinalaunan naramdaman ko nalang na nasa ilalim na sya ng bahay namin (may space sa ilalim ung bahay kasi nasa hill ung kinalagyan ng house namin)! This time umuungol na babae na ung naririnig ko ung tipong in pain. Juski ung tibok ng dibdib ko that time halos lumuwa na puso ko. 😂
Nasa mga 10 minuto rin ung ungol na yun tapos bigla ng nawala. Kinabukasan walang nagtanong kung ano yun na para bang walang nangyari. Nakalimutan ko rin itanong sa tatay ko kung ano yun. Feeling ko kasi di yun yung first time nyang maexperience ung kakaibang ugong na yun.
Ano kaya sa tingin nyo un? May naka experience na rin ba nung ganon?
📜Travel Horror Stories
▪︎2020▪︎
BINABASA MO ANG
[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HorrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.