Not my story, long post ahead.
share ko lang po backstory ng accident na'to. nangyari po yan last March 25, 2023, 530 ng umaga, along provl highway ng Zambosur patungo sa isang bayan, 40min drive from pagadian. Umuwi sila galing CDO.
9 po sila nakasakay sa Bao2 (tricycle), 2 adult mag-asawa, the rest minors ages 3-16. 10pm po sila nagbyahe galing CDO at around 3:30 nakarating na sa Aurora highway junction ng pagadian-ozamiz. dahil madilim pa di namalayan ni nardo na wrong turn sila pa ozamis pala ang ruta dinrive nya. namalayan ni nardo at erasma na mali pala ang ruta nila nang nakakita sya ng mga fruit stall sa gilid ng highway.
"parang hindi ito dinaanan natin nung nagbiyahe tayo pa CDO, magtanong ka nga," utos ni erasma na may kargang 3 yr old na anak.
So huminto si nardo sa isang bukas na fruit stall para mag tanong. nagising itong si Mike, 13 yrs old at minamadali mga magulang niya.
"Pa, may batang babae gusto sumakay satin. gusto daw niya sumama sa atin," ani Mark.
Hindi siya pinansin ng mag-asawa at nakabiyahe na 5 minutes later dahil nakipag.usap pa sa mga tambay.
"Pa, nakasakay na ang bata sa atin Pa," sabi ni Mark. "Matulog ka balik," sagot naman ng papa niya.
Pero di parin mapakali si Mark at kwento ng kwento sa batang babae na sumakay sa kanilang bao2x.
"Gusto ko nang matulog ayoko na maglaro," "Ma sumama sa atin ang bata" " Ma, pakisabi sa bata na ayaw ko na makipaglaro" paulit-ulit na sabi ni Mark sa mga magulang niya.Pinilit sya ng mama niya na matulog sa biyahe kasi nagdadrive pa ang papa niya. Pero ayaw padin tumigil si Mark sa kakasabi kaya sinabihan sya ng mama at ate nya walang bata nakasakay at matulog sya.
habang nagmamaneho si nardo napansin niya bumibigat ang bao2 at kahit anong accelerate niya nahihirapan umangat sa mga matatarik na daan. nang palapit na sila sa bayan nila doon na nagalit si mark nagsisigaw. nagalit na si Nardo sa anak at sinigawan niya si Mark na "Magsitigil kayo!" Seconds later natagpuan na sarili nila nakahandusay sa gilid ng kalsada, bao2 gusot na gusot.
Nirescue sila ng taga MDRRMO at dinala agad sa regional hospital para magpagamot. out of 9 na biktima sa road accident, tanging si Mark lang ang nabalian ng buto sa kanang paa. limang araw din si mark sa hospital sinemento ang nabali niyang paa.
Ininterview namin sya nang nakauwi sila sa Danao kung anong itsura ng batang babae. Itim ang suot na bestida, nakayapak ang paa, mataas ang buhok, laging nakabungisngis. Palipat-lipat daw ang bata, kumakalabit sa bao2 o umuupo sa bubung habang tumatakbo ang bao2. Hindi nakikita sa iba tanging si Mark lang ang nakakita at naririnig ang bata. Akala ni Mark na hanggang doon lang sa lugar naaksidente tumigil ang kwento. sumabay din pala sa kanya ang batang babae papuntang hospital.
kwento ko soon ang part2 nito pag di na busy.
📜Travel Horror Stories
▪︎2023▪︎
BINABASA MO ANG
[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HororAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.