"Baka meron din sa CR nyo"
Share ko lang yung experience ko before sa dati naming apartment. 16 yrs din kaming tumira don ng family ko. So ito na nga, Elementary ako nung nagstart akong makaramdam ng kababalaghan sa CR namin.
Kababalaghan 1: May mga times na kapag naghuhugas ako ng plato sa kusina tapos ako lang yung tao sa bahay, bigla nalang bumubukas yung pinto ng CR (by the way yung CR namin non walang proper ventilation as in walang exhaust or bintana walang hangin na makakapasok) madalas between 5pm-7pm nangyayari yon.
kababalaghan 2: Kapag naglalaba ako sa CR or nakaupo ako sa Toilet palaging may malamig na hangin na dumadaan sa paa ko kahit saradong sarado naman yung CR.
kababalaghan 3: Bumisita yung pinsan namin sa apartment. nagstay sya ng 3 araw samin. Napansin ko kapag maliligo sya dumadayo pa sya sa bahay ng lola namin na walking distance lang yung bahay samin. tinanong ko sya kung bakit dumadayo pa sya eh pwede naman sya makiligo sa amin. sagot nya "Natatakot kasi ako sa CR nyo" tinanong ko kung bakit pero di na sya sumagot.
Kababalaghan 4: Kwento lang to ni papa, Nasa Sala daw sya nanonood ng TV. bigla nalang daw bumukas yung gripo sa CR. Sya lang yung tao sa bahay that time.
Kababalaghan 5: Sa Sala ako natutulog non. around 11pm nakahiga nako pero nagpophone pako, nakapatay narin yung ilaw that time. Bigla nalang akong may narinig na nagbuhos ng tubig sa toilet. napatingin ako sa kusina wala naman akong naaninag na bukas yung ilaw sa CR. so tumayo ako at binuksan ang ilaw sa sala. kumatok ako sa CR tapos biglang bumukas yung pinto, wala namang tao. naku dzai. nagtayuan lahat ng balahibo ko, tumakbo ako sa kwarto at tumalon sa kama nila Mama.
Kababalaghan 6: Ito na yung time na nalaman namin na may something nga sa CR, Byernes Santo naglaba si mama sa CR, madalas pag tapos ni mama maglaba nililinis din nya yung CR. After 2 days, napansin namin na may tumutubo na parang nagtutubig sa likod ni mama as in buong likod. pinacheck up namin sya sa doctor pero walang maidiagnose yung doctor sa kanya, niresetahan nalang sya ng pamahid pero after a week wala paring pagbabago naubos nalang yung pamahid kaya nagdecide si mama na magpatawas. Sabi nung magtatawas may napatay daw si mamang dwende kaya ginagantihan sya ng mga kauri nito. tinanong si mama kung ano mga ginawa nya last week. tapos ayun nabanggit nya na nasa bahay lang naman sya tapos nung byernes santo naglaba sya tapos naglinis ng CR. dun na kinonfirm nung magtatawas na may natamaan daw si mama nung nagbuhos sya ng zonrox. sinabihan si mama nung magtatawas na magsorry nalang at mag alay sa CR. Aba after ilang days unti unting nawala yung parang mga paso sa likod ni mama. wala kahit 1 scar na iniwan.
Kababalaghan 7: Ito yung pinaka nakakatakot na nangyari saken. Sa sala ako natutulog non, around 10pm nakahiga ako sa sofa, yung kapatid ko naman sa lapag lang. Nakapatay narin yung ilaw nung mga oras na yon, nakatalukbo ako ng kumot habang nagpophone kasi malamig. Maya maya may kumalabit ng malakas sa paa ko, dinedma ko kasi akala ko yung kapatid ko lang. pangalawang beses may kumalabit ulit. dinedma ko parin, tapos nung pangatlong beses na may kumalabit nainis nako, tinanggal ko yung pagkakatalukbo ng kumot saken tapos sinigawan ko yung kapatid ko na nasa lapag "Bakit ba panay kalabit mo sa paa ko?!" yung tingin nya saken genuine na takang taka sabay sabing "Di naman kita kinalabit, ang layo layo ng kamay ko sa paa mo" tumaas mga balahibo ko tumayo ako agad tapos binuksan ko yung ilaw, tumakbo ako sa kwarto para icheck kung yung isang kapatid ko ba na nasa kwarto yung nangalabit sa akin. Pagdating ko sa kwarto tulog na silang lahat tska naisip ko, kung yung kapatid ko yon di yon basta basta makakatakbo at makakaakyat sa taas ng double deck ng mabilis na hindi tutunog yung bed frame. After non, alam ko natatakot narin yung kapatid ko kaya ilang oras din bago kami nakatulog. Around 2am nagising ako sa iyak ng kapatid ko, may humila daw ng 2 beses sa kumot nya. Nagising si mama sa iyak nya, hanggang sa di na talaga kami nakatulog hanggang magliwanag.
Yan na yung last kasi after 1 month lumipat na kami ng bahay. Sabi nila, Cr daw paboritong pamahayan ng mga entities kasi palaging basa at madilim.
📜Travel Horror Stories
▪︎2023▪︎
BINABASA MO ANG
[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HororAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.
![[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)](https://img.wattpad.com/cover/334075232-64-k923540.jpg)