NAWAWALANG BAHAY SA GABI

34 0 0
                                    

NAWAWALANG BAHAY SA GABI

This is my first time to post here. Also this is not travel related but i just wanna share my story. Di naman sya nakakatakot talaga. Etong story ko is about sa bahay kung san kame nakatira before. Somewhere in Camarin Caloocan. Hehe

So eto na nga lumipat kame dun mga around 4 years old ako nun dun ako nagkaisip at nagdalaga. Nasa loob ng isang subdivision ang bahay na naupahan namin simple lang malawak yung bakuran maaliwalas at higit sa lahat walang multo dun sa bahay namen. Kasi naman yung subdivision namin nuknukan sa dami ng multo saka engkanto halos bawat bahay may kanya kanyang kwento. Taong 2001 dumalaw yung anak ng may ari ng bahay na inuupahan namin. At nag stay din sya ng ilang linggo. Tawagin natin syang si Kuya Rod. Sobrang close kame sa kanya para kasi namin syang kuya and barkada sya ng mga tito ko na kapit bahay lang namin. Bale ulila na pala sila sa magulang. Dun pa nga mismo sa bahay namatay both parents nila pero never nagparamdam. Siguro kasi ang ingay din namen lalo na nanay ko pag nagbakasyon galing abroad. Haha! So eto na nga umaga yon nakita ko si kuya tinitibag yung semento sa bawat sulok ng bahay sa labas. Nagsimula sya sa harap ng bahay, sa bakuran hanggang sa likod bahay. Tapos nung natibag na nya meron syang kinuha sa ilalim ng mga tinibag nya, bote yun ng gamot pero sa loob may lamang papel.

So syempre dahil curious ako tinignan ko yung papel madilaw na nga siguro dahil na din sa katagalan. Tapos may nakasulat di ko maintindihan kung di ako nagkakamali latin words yon. Babasahin ko sana kaso kinuha ni kuya. Tinanong ko kung ano yun. Sabe nya yung nakasulat daw dun ay dasal pang proteksyon sa bahay. Kwento kasi ni kuya na dati daw yung bahay nila laging target ng magnanakaw at may isang pagkakataon na nakapasok talaga yung mga magnanakaw sa loob. Ako bilang usisera kung proteksyon sa bahay eh bakit nya tinatanggal? Sagot nya saken hindi rin daw kase maganda na andun yun. Nung tinanong ko kung bakit di naman nya sinabe.

Mga ilang araw pa ang lumipas nagpaalam na si Kuya na babalik na sa Mindanao since dun na sya nakatira kasama ang sarili nyang pamilya. Bilin ni kuya panatilihin namin laging siguraduhing nakasara lahat ng kandado pag aalis or kahit nasa loob lang lalo na sa gabi dahil nga tinanggal na nya yung proteksyon sa bahay.

Isang araw nag uusap kame ng tatay ko. Nabanggit ko sa kanya yung ginawa ni kuyang pagtitibag sa sulok ng bahay at pati yung sa sinasabe nyang proteksyon sa bahay. Tapos biglang may kinuwento sakin si tatay, minsan daw nakausap nya yung kapit bahay namin si tatawagin ko na lang na Mang Vic. Nun minsan daw nagkakwentuhan sila nabanggit daw ng matanda na pag walang tao sa bahay namin or patay lahat ng ilaw, pag naglalakad sya sa gabi yung bahay daw kung tatanawin mo sa medyo malayo hindi mo makikita. Yung kinatatayuan daw ng bahay namin nagmimistulang bakanteng lote na ma may masusukal na damo. Syempre si tatay di kase paniwalain sa ganon kaya dedma lang sya kaso may ilan kaming kapit bahay na ganun ang sinasabe lalo na yung mga umuuwi ng dis oras na ng gabi.

Tapos naisip namin na kaya siguro ganon yung nangyayare kasi nga may proteksyon yung bahay laban sa mga masasamang loob. Nga pala yung proteksyon galing daw yun sa Uncle ni kuya at yun din daw ang naglagay nung sa mga sulok ng bahay. At feeling ko naman effective sya kase sa ilang years namin dun never kaming napasok ng magnanakaw minsan nga nakakalimutan pa namin isara yung pinto sa likod ng bahay pag aalis kame pero walang nakapasok na magnanakaw.

Year 2005 nang tuluyan na kaming umalis sa bahay na yun. Malungkot kase dun na ko lumaki eh pero wala eh ganon talaga. Tapos nabalitaan ko na lang na after namin umalis yung sumunod na tumira dun sa bahay hindi rin nagtagal at umalis na kasi daw madalas silang napapasok ng magnanakaw. Naisip ko na lang, siguro gawa yun ng pagtanggal ni Kuya Rod sa mga boteng may lamang dasal. Dahil sa pagkawala nun, nawalan na rin ng proteksyon ang bahay laban sa masasamang loob. Thankful pa din kame dahil sa ilang taon naming pananatili sa bahay na yun never kaming napasok ng magnanakaw puro try lang pero never nakapasok. Haha!

Sensya na ang haba ng story. Hahaha.


📜Travel Horror Stories
▪︎2021▪︎

[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon