Best friend

40 1 0
                                    

Hello po, gusto ko lang din po itong i share about sa Bestfriend kong si CM till now wala akong balita kung anong status nya wala din akong ma contact sa mga natitirang relatives nya kasi namblocked sila sa social media, and  i dont know why..

medyo mahaba nga lng po ito sana po ma approve.
Thank you po.

CM is my college best friend way back 2007 madaming kaming napagkakasunduan sa buhay kaya siguro nag click kami agad hanggang sa naka graduate na kami  wala pa ding nagbago lumalabas pa din kami nagkikita sa mga special occasion ng mga tropa pero syempre dumarating sa part n nagiging busy kayo parehas at sa fb ko nlng sya namomonitor kung anong update sa knya , dumalang na din ung kmustahan nmin dalawa pero masaya ako kasi active p din sya sa pagsali sa cosplay.. naging financial advisor din sya sa isang insurance company, freelance photographer at make up artist until nag deactivate sya ng account..

nag start akong managinip about sa knya..dumadalas n sya ung kasama ko sa panaginip  at minsan sa trabaho ko out of nowhere bigla ko syang  naaalala,  nagtetext namn ako sa knya hindi sya nagrereply so di ako nkatiis chinat ko ung isa pa nming tropa na malapit din sa knya sabi ko puntahan namin si CM and to my surprise nagreply sya ng "sige".

So dumating n ung araw na pupunthan nmin si CM nagtake out kmi ng mga paborito nyang foods para sabay sabay n kming mag meryenda, ng mkarating n kmi sa knila, mama ni CM ang sumalubong sa amin nagbabantay kasi sya ng comshop that time sabi nya sa amin " ewan ko b dyan nagbago na dati nag thathank you mama pa yan pag dinadalhan mo ng pagkain ngayon nagagalit na di man lang din lumabas labas ng bahay yan, nagtatalo na ang dilim at liwanag malapit na ko kunin " niyakap ko nlng si tita sabay sabing "sshh.. wag po kayong magsabi ng ganyan, love po kayo ni CM tita " sabay nagpaalam n pupunthan muna namin si CM, pag lapit namin sa may pintuan may mga nkita akong diy na protection for evil spirit ( napapaisip ako anong meron at madami namn ata at kelan pa nagkaroon ng interest si CM sa mga ganung bagay) so kumatok na kami s pintuan ng kwarto nya pero mahigit 40 mins kming nagantay bago pagbuksan ng pinto, pagbukas nya ng pinto sabay sabi " anong oras kayo uuwi?" in a serious tone na parang di sya masaya na nandun kami, buti nlng ung tropa namin magaling sumegway " pede munang pumasok bago mo kami pauwiin" ayun medyo ng light ang ambiance , pinapasok na nya kami sa kwarto nya, pag pasok namin meron syang back ground music na nature ang peg tas may mga nakita akong crystals sa lamesa (healing stones) sa may bandang paanan ng kama nya may mini altar dun nandun ung pendulum nya at oracle card, may mga maliliit na cactus din sya sa kwarto nya, mas lalo akong nacurios kung ano ba tlga ang nangyari sa knya pero di ako nagtanong about sa mga yun baka kasi ayaw nya pagusap .. bumagsak din katawan nya, ang payat nya at maputla din, so hinanda ng tropa namin ung mga binili naming foods sabi nya ayaw nya daw kumain pero sabi ko " di pede , binili namin itong mga paborito mo noh, namimiss ko yung nagbobonding tayo" sabay umupo ako sa upuan tas maya maya nakaramdam ako ng hilo.. ewan ko parang ung kaluluwa ko aalis sa katawan ko di namn ako gutom, masigla nman ako ang weird lng , nagsabi ako kay CM sabi ko "bui parang nahihilo ako" sabi nya " winiwelcome ka lng nya" sabi ko " sino? ikaw ha di mo ko pinakikilala sa friend mo" tas pinahawak nya skn ung tourmaline pampawala daw ng negative energy tas nagbiro ako " ahh oo madami akong negative energy di pa ko naliligo ih" sabay tawanan kaming tatlo, maya maya na relieve na din ang hilo ko at binalik ko na ung tourmaline sa knya...maya maya pa habang nagkukwentuhan kami ng mga memories nung college na open n nya na dumaan sya sa matinding depression pero hindi nya nasabi kung anong dahilan pero..unti unti nagiging okey  na namn daw sya..tas maya-maya hinahayaan lng nmin sya magkwnto mga realization nya about sa religion.. tas napunta namn kami sa mga anting anting kung meron daw ba kami sabi nya pa dapat meron daw nun kasi may mga tao na nanghihigop ng energy at nagtatransfer ng bad energy kaya dapat nagiingat daw kami after that nag share din sya about spiritual thing , aswang at iba pa..halos sya lng nagkukwento nakikinig lng kami, masaya nmn ako kht papaano na nakita ko sya pero sobrang daming tumatakbong tanong sa isipan ko kung ano ba tlga ang totoong nangyari sa knya at bago kami umuwi binigyan nya kami ng singsing na marble sabi nya bless nya daw un parang connection namin tatlo.. ang ending napagkasunduan namin mag oovernyt kami pag balik dun at nagbilin ako na mag reply sya sa mga text ko sa knya para di ako nagaalala at oo namn ang sagot nya skn.

▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎
Hi.. po ito na po yung kadugsong ng kwento ko about sa Best friend kong si CM

Feb 4, 2021 ang unang pagdalaw namin sa knya ni Marya after nung pagdalaw na yun, chinat ko ung pamangkin nyang babae si anne para dun ko ma update kung okey lng ba si CM, nlman ko na 2019 syang nagsimulang nadepress at nahilig daw ito sa ritual stuff  nagulat nlng din daw sila na wala na pla itong trabaho madalas pa nagpapalipas ng gutom so nagadvise nlng ako na habaan ang pasensya at palaging samahan nlng para may nakakausap ang tita nya

so paguwi ko sa bahay nagtext ako kay CM na nakauwi na ko at ito yung reply nya

"Kung pupunta ulit kayo, full moon of this month feb 27, or new moon next month march 13. Imbolc season ngayon, beginning of spring, I hope you use the forces/energies to decide or make a choice for yourself. Spiritual is a self-love, will send love and light for your guidance. Blessed be."

nagreply ako ng "Thank you..sige sabihan kita if kelan kami punta, i love you"

April 22 , before yung overnight namin chinat ako ni Marya kung pede ba daw sya tumawag at may sasabihin daw sya so ako sabi ko sige.... ayun nagring na ung cp ko at agad kong sinagot sabi ko " ano ba yang sasabihin na yan at mukhang di pede sa chat" tas tumawa sya sabi nya " wag tayong matutulog ha mag dala ka ng kaht anong pedeng mapagkaabalahan natin dun, natatakot ako para sa atin baka kasi ialay nlng tayo " tas tumawa ako sabi ko " naisip mo yun? kaloka ka sa tingin mo ba magagawa nya sten un?" tas sagot nya " aware tayo both na till now napapaisip ka pa din kung okey nb tlga sya diba? for safety na din natin, bantayan nlng natin sya" sumangayon nlng ako dahil may point sya. Sinabi nya din skn na chinat sya ng Ate ni CM nagtatanong about kung ano ang mga pinaguusapan namin at kung pede iwasan daw ung mga ritual stuff na pag kwentuhan sabi naman ni marya hindi naman kami naguusap ng about ritual stuff pero si CM ang nagoopen ng mga ganun at nakikinig lng kami.

So ayun na nga excited na ko makita ulit si CM gusto ko lng mabawi kung ano man ung mga bumabagabag sa knya iba pa din tlga pag nakakasama mo ng personal compare sa text or chat . nasa antayan n ako ng jeep nun ang tagal ng jeep halos 1hr ako nagintay makasakay lng pag dating ko hinanap ko na si marya para sabay na kmi sa tric nag text na din ako kay CM na pasakay na kmi ng tric aantay lng pero wala syang paramdam nun... ewan ko ba bakt nung time na un parang ayaw kami papuntahin kay CM kasi halos walang nagsasakay ng papunta sa brgy nila CM dahil sobrang traffic daw at malayo pa daw ang iikutin ng tric edi problemado kami ngaun ni marya sabi ko " parang may something noh, may ganitong eksena tlga" at ayun na nga dahil madami ng pasahero na nagagalit napilitan na din silang magsakay mga 6:55pm kami bago nakarating kina CM nandun kami sa labas ng gate nakita namin sumilip si anne tas umalis din akala namin pagbubuksan na kami pero hindi after 10mins naka tanggap ako ng text from CM sabi nya. " pasensya na nakalimutan ko. Next time na lang. Hindi ako pwede mag entertain ngayon ng ibang tao. Pasensya na" so ayun sumama ung loob ko kht hindi namn dapat alam ko may pinagdadaanan sya kaya need nya ng pangunawa  kaya umuwi nlng kami ni marya inuwi ko nlng din ung niluto ni marya para sana sa aming tatlo.

kinabukasan humihingi ng sorry si CM about sa nangyari sa totoo lng nagtatampo pa din ako pero nagreply nlng ako ng " okey lang .. wag mo ng isipin un may next time pa namn "

kinagabihan naisipan ko ichat si anne kung anong lagay ni CM , dun ko lng nlmn na Apr 23 ng umaga nakita nila na nagriritual si CM nakataas daw ang kamay nakapikit at di sila naririnig kahit anong tawag nila kailangan pang pwersahin na sirain ung pintuan ng kwarto nya para lng makapasok sila sumuka daw ng dahon si CM at nagwawala kaya sinugod nila sa ospital  tinurukan na din ng pampakalma kaya nakapagpahinga si CM nalaman ko din na di daw sya natutulog ng ayos at humingi ng favor sa amin na iconvince si CM magpatingin sa psychologist kasi ayaw daw nito at sinasabi na hindi sya baliw . Nagsabi ako na sige gawin namin ni marya ung best namin para sa ikakabuti ni CM. pero nagulat nlng ako isang araw nung ichachat ko si anne para mangamusta e nakablocked na ko nirereachout ko ang ate ni CM pero ganun din, nagtetext din ako kay CM pero no response na din sya bigla nlng akong nawalan connection kay CM after nung paguusap namin ni anne.

kaya eto naiwan kming nagiisip ni marya kung kamusta nb sya ngayon...palagi ko nlng pinagdarasal na bumuti na ang kalagayan nya.. na maging okey na lahat na One day magkakabonding kami ulit tulad ng dati...di ko pa din tinitigil ung pagtetext ko sa knya, palagi kong pinapaalala na nandito lng ako at si marya na nagmamahal at handang makinig sa mga kwento nya.

Maraming salamat po sa pagbasa .



📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎

[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon