MGA BATANG PASAWAY
Hello THS fam! Here's my 4th story, #PamanangKwentongLolobellsLolabells , from my Mommy (Lola) specifically, about her experience a few decades back in Kabankalan, Negros Occidental. POV niya na lang gagamitin ko but I'll be changing the names of the persons involved. Mejj mahaba po ito so please bear with me.
1968, Kabankalan, Negros Occidental
4th Year College na ko nang mangyari ito. Wala masyadong ganap sa aming College nang araw na iyon. Kaya't nagkayayaan kami ng aking mga barkada na sina Kabo, Nestor, Rose at Zeus na dumayo sa bahay ng isa naming kaibigan na nililigawan ni Nestor, si Ana na taga Kabankalan. Bale 2 girls, 1 gay and 2 guys kami. Mula sa klase, walang paa-paalam sa mga magulang ay bumiyahe na kami mula Victorias papunta sa Kabankalan at hapon na nga kami nakarating roon.
Maaliwalas na hangin na amoy probinsiya ang sumalubong sa amin sa Kabankalan. Tahimik ang komunidad, malayong-malayo ang agwat ng mga bahay na kahoy sa isa't isa at malalawak na lupaing taniman ang sumalubong sa amin. Napaka peaceful kumbaga.
Pagdating sa bahay nina Ana ay gulat na gulat ito. Hindi raw kami nagsabing pupunta kami, pati ang kanyang Tita na kanyang kasama roon ay waring naiinis pa sa aming biglaang pagdating. Absent kasi si Ana sa klase kaya nag-alala si Nestor (ang manliligaw ni Ana), at nabalitaan pa nga namin na fiesta roon kaya dumayo na rin kami.
Dahil nga hapon na at wala nang bus pabalik ng Victorias, napagpasyahan na lang nila Ana at ng kanyang Tita na patuluyin kami sa kanila. Hindi nga talaga sila sanay ng may mga biglaang bisita dahil puro mais lang ang naging hapunan namen.
Pagkatapos kumain ay niyaya kami ni Ana na sumama sa isang kwarto sa may taas ng kanilang bahay upang magpakilala sa kanyang Lola. Narinig daw nito ang aming pagdating kaya gusto niya raw kaming makilala.
Pagpasok sa kwarto, isang matandang babae na may malaking bulas, mahabang buhok na puro puti na ang aming nakita sa kama. Mukhang nanghihina na rin ito. Ito ay ang lola ni Ana.
Bedridden na raw ito, kaya ang kanyang Tita na matandang dalaga at minsan pati si Ana na ang nag-aalaga rito. Dahil nga bedridden ay hinahatiran na lang ito ng pagkain nila Tita at hindi na rin ito nakakalabas ng kwarto.
Maski nanghihina ay pinaunlakan kami ng Lola ni Ana nang napakalaking ngiti, tila ba'y napakasiya niya makakita ng mga bisita, kabaliktaran sa naging pagbungad sa amin nina Ana at nang kanyang Tita.
Bumati kami sa Lola ni Ana at ipinakilala niya kami isa-isa. Andun rin ang kanyang Tita at sinabi naman nito kay Lola na makikituloy lang kami ngayong gabi pero uuwi rin agad kinabukasan.
Dahan-dahan ang tingin ng Lola ni Ana sa amin, wari'y kinikilatis kami isa-isa, ngunit hindi nawawala ang kanyang nakakalokong ngiti. Nakapaikot kami sa kanyang kama, kaya't dahan-dahan at paikot rin ang tingin ni Lola, at katabi ko si Kabo, ang aming kabarkadang bading, nang mapansin naming dalawa na medyo nahawi ni Lola ang kanyang kumot at nakita naming nakagapos ang kanyang mga kamay sa magkabilang bed frame, pati na rin ang kanyang mga paa. Naka kadena si Lola! Hindi namin ipinahalata na nakita namin ito at nakangiti pa rin kaming nakikipag-kwentuhan kay Lola.
Dahil nga atat makapamyesta sila Nestor ay sinamahan sila ni Ana sa kabilang barrio. Hindi na namin natanong sa kanya kung para saan ang mga kadena ng Lola nya. Ang Tita naman ni Ana ay pinatuloy na kami sa isang kwarto upang makapagpahinga. Ayaw kasi naming maki-fiesta ni Kabo dahil pagod na rin kami mula sa klase at sa byahe. Huwag na huwag raw kami mag-iingay para hindi na magising muli si Lola dahil nga gabi na.
Bago umalis ay iniwan pa ni Nestor ang baon nyang baril kay Kabo, itago raw muna namin.
Ako naman at si Kabo ay nagpaiwan sa kwarto dahil gusto na naming magpahinga. Lahat ng barkada namin ay nakaalis na at ang naiwan sa bahay ay kami ni Kabo, ang Tita ni Ana at si Lola.
BINABASA MO ANG
[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HorrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.
![[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)](https://img.wattpad.com/cover/334075232-64-k923540.jpg)