HAIL MARY
Hello everyone, gusto ko lang mag-share ng kwento about sa nakakatakot na experience namin ng pinsan ko. Btw, I'm Anj, and may pinsan ako na si Marj. Nangyare to year 2021, kagagaling ko lang sa break-up during that time sa 1st bf na long-term relationship ko, and masyado ako naging apektado sa break-up namin kasi nag-cheat siya sa akin.
During that time, instead na mag-enroll ako, mas pinili ko na mag-stop muna mag-aral kasi nawalan ako ng gana sa lahat. Walang tulog, nakatulala lang magdamag, walang ganang kumain, at nagmumukmok lang sa kwarto. Aware yung parents ko kung bakit ganun yung mga pinaggagawa ko and nag-worry din sila about sa akin kasi umabot na ako sa point na di na talaga kumakain and also naging su*c*d*l ako that time.
Itong sila Marj, kapit-bahay lang namin, and pati sila nag-aalala na sa akin. May pinuntahan sina mama and papa that time kaya ako na lang naiwan mag-isa sa bahay, kaya pinasamahan ako sa pinsan ko na si Marj na dito matulog sa bahay, during this time medyo bumalik na ako sa dati pero not totally okay talaga. Matutulog na kami, and before matulog ay nakasanayan ko talaga na mag-pray, maliit lang yung kama ko, kaya yung pwesto namin is baliktaran, bali yung ulo niya nasa paanan ko.
So ito na nga, matutulog na kami, nag-goodnight muna ako kay Marj bago mag-pray, hindi kami sabay mag-pray kasi iba kami ng religion. Nakapatay na yung ilaw pero maaliwalas pa rin sa loob ng kwarto ko dahil sa reflection ng ilaw sa labas kaya kitang-kita pa rin ang nasa loob. Sinimulan ko na mag-pray, pinagmamasdan niya lang daw ako magdasal and noong una raw ay okay pa naman pero yung nag-Hail Mary pray na ako, bigla na lang daw nag-iba yung mukha ko like ang dilim masyado ng mata na sobra puti ng mukha, para daw akong sinasapian and nakangiti daw ako habang nagdarasal.
Yung ngiti ko raw ay parang nang-aasar pero nakapikit lang daw ako. Sobrang natakot siya and medyo di makapaniwala sa nakita niya kasi di siya naniniwala sa mga ganun not until siya mismo nakakita, sobrang tagal ko raw na nakaganun and tinawag niya ako at ginigising, sinîsîp@ niya daw ako pero di raw ako gumagalaw, pray lang nang pray na ganun mukha. Matagal daw, mga 15 minutes na ganun ako, pero sa akin isang beses lang ako nag-Hail Mary tapos after that tulog na agad ako. And wala akong naramdaman na sip@ or tawag man lang.
Kinaumagahan, pagkagising ko wala na siya sa higaan, tamang-tama, dumating na rin sila mama kasi medyo tanghali na non. Nautusan ako ni mama na maghatid sa kanila ng ulam, pero yung mama niya yung kumuha and nagtanong ako kung nasaan si Marj, ang sabi tulog daw, nagtanong pa nga sa akin kung nagpuyat ba raw kami, sabi ko hindi kasi bandang 10 PM tulog na ako.
After niya matulog sa amin, napansin ko na medyo mailap siya sa akin like parang iniiwasan ako tapos one time non, nakipagkwentuhan ako kay tita (mama niya), and nakwento ni tita yung about sa nangyare sa gabing yun, as in tumayo yung mga balahibo ko. Nagtanong ako kay tita bakit di man lang sa akin sinabi ni Marj, sabi niya natatakot daw na lumapit sa akin.
Tapos ayon, nung may chance na makausap ko si Marj, doon niya sinabi at kinuwento sa akin yung nangyare ng gabi na yun. Hindi raw siya nakatulog sa sobrang takot. Basta after daw ng dasal, bigla ako nagtalukbong ng kumot and di raw ako gumalaw kahit isang beses. Nung umuwi daw siya sa kanila, ganun pa rin daw position ko.
Anj
2023
*Confidential
---
Send your stories/confessions here: www.usfstories.com📜UCnian Freedom Board
▪︎2023▪︎

BINABASA MO ANG
[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HorrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.