Life After Tarot Cards

43 1 0
                                        

Life After Tarot Cards

Hi, I am a tarot card reader o manghuhula dati. Nakapagsulat na ako dito may paranormal experiences. Way back during pandemic, nagstart ako magtarot card kasi halos lahat ng mga reading ko sa mga sikat na missing at death case sa Pinas ay accurate. Wala sa pamilya ko ang manghuhula.

First time kong nakapag order ng tarot cards sa Shopee nung dumating sobrang saya ko at ginamit ko na siya pero nung gumabi at matutulog na ako bigla nalang may narinig akong naglalakad sa labas ng kwarto ko, ako lang mag isa sa bahay ko.

Mga ilang araw na lumipas sa kakahula ko wala nman nangyayari pero bigla isang araw, natataka ako bakit bigla nalang nakabukas ang takip ng kawali. Dalawang beses siyang nangyari. Pagkatapos nun, nung hapon, naligo ako na bigla nalang bumukas ang pinto ng CR at akala ko ung aso ko lang na nagbubukas ng pinto pero pagtingin ko ung aso ko nakaupo sa lamesa at nakatingin sakin. Dun ako biglang natakot at hindi nalang pinansin.

Isang araw, natutulog ako nagising ako bigla nalang may nagsalita na "Miss" na may echo hindi talaga akong nakakamali kasi may echo talaga siya. Tapos pakiramdam ko may tao nakabantay sakin hindi ko pinansin tapos bigla nalang siyang umalis.

Lagi akong binabangungot, may matandang babae na itim na nakabelo. Isang araw, tatlong beses akong binabangungot hanggang hindi nalang ako natulog. May pagkakataon na nakatabi pa sakin ang rosary at binabangungot ako ay pinatatawanan ako at sinasakal ng rosary. Hanggang isang araw bigla nalang naputol ang rosary ko nakatago sa aking kabinet.

Maglalapit na ang mahal na araw nung panahon na yun. Alam ko bawal ang gumamit na yun at natatakot akong gamitin yun. Sa sobrang bigat ng pakiramdam ko at nagkakasakit na ako. Naisipan ko itapon ang isang tarot card ko sa basuhan na malapit sa amin na hindi ko alam na bawal pala yun, kailangan ipalibing o ipasa siya sa iba. Pagkatapos ng mahal na araw, nahirapan na ako sa sakit ko at dinala na ako sa hospital.

Sobrang sising-sing ako sa mga ginawa ko. Piling ko ang dumi ng kaluluwa ko, ibang iba talaga siya para akong nabahiran ng demonyo. Pagkatapos ng nangyari palagi akong nagsisimba at humihingi ng tawad sa Panginoon na sana ibalik ang malinis na kakaluwa ko.

Pagkalipas ng ilang months, bumalik na ako sa pagtratrabaho. Kinalimutan ko na ang mga nangyari na yun. Nagsimulang nagbago ang buhay ko. Ngayon ay nasa ibang bansa na ako, malayong malayo sa mga dati kong buhay. Kaya sana maging leksyon sa ibang tao na maniwala kayo sa Diyos, lumayo kayo sa mga masasama at babaguhin niya yung buhay mo. Lahat ng mga aral ng Diyos ay totoo at makapangyarihan talaga siya.

- Anna





📜Travel Horror Stories
▪︎2023▪︎

[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon