Nagpalaglag

31 1 0
                                    

Malapit sa LPU-Batangas yung napasukan ko bilang Yaya around 2009. As in tawid kalsada lang Yung school ,Yung boss ko may boarding house para sa mga estudyante doon tapos dun din kami nakatira. Yung alaga ko 4years old na babae speech delayed kaya madalas senyas ,turo o kaya sinusulat lang communication namin nun. Yung paupahan nila 2floors tapos sa baba may Sala,  2 banyo at kusina na pangkalahatan at terrace. Halo-halo boarders dun babae at lalaki. Okay naman Yung place maaliwalas, Hindi gloomy dahil siguro madaming tao. One time 12midnight ng magising kami sa sigawan sa labas ng room namin, lumabas kami ni boss para tingnan anu nangyari. Naabutan namin Yung mga estudyante na nakakumpol sa may banyo, Yung Isang babaeng estudyante na si Annie umiiyak habang nakaupo sa sahig tapos andaming dugo sa bowl at sahig. Narinig ko na lang nakunan daw si Annie ,di na ko nakiusyuso Kasi nagising na din alaga ko. Bumalik na ko sa room, si boss naman kinausap na mga estudyante na bumalik na din sa mga kwarto nila. Paglapit ko sa alaga ko may inabot sya saking papel nakasulat "kawawa naman yung baby Yaya" , gulat ako nun kasi pano Niya nagets Yung nangyayari? 😮 Sinabihan ko na lang sya na sleep na ulit kami dahil maaga kaming magbabike bukas. Kinaumagahan nagkwento na si boss na nagpalaglag si Annie Hindi nakunan , maaga daw sinundo ng mga magulang at dinala sa hospital. Boarder din nila boss Ang nakabuntis Kay Annie. After nung nangyari medyo naghigpit sa si boss sa mga boarders, pinagawan na ng sariling daanan ang mga lalaki at inihiwalay na ang kusina ,banyo. Mabilis lumipas ang mga araw, nagbakasyon na mga estudyante at kami na lang ang naiwan sa Bahay. Tahimik na at parang ang eerie Kasi Wala na ngang ibang tao. Araw ng biyernes nun ng maiwan akong mag-isa sa bahay, sumama Sila boss sa team building nila sa Caliraya. Nilock ko lahat ng may pinto at gate ,iniwan ko lang na bukas Yung bintanang capiz sa bandang kanan ng bahay at Yung main door. Sa Sala ako naglagi Kasi andun yung tv at mga pocketbooks ng mga estudyante. Wala naman akong kakaibang nararamdaman o naririnig. Hanggang nung lunch na , kumuha ako ng pagkain sa kusina tapos dinala ko sa Sala doon ako kumain. Siguro mga 30mins na ko nakaupo at nakain nung biglang dumaan si Annie ng deri-deritso paakyat sa 2nd floor, nagulat ako kasi after nung nangyari sa Cr eh di na Siya bumalik at Wala na kaming nabalitaan ni boss. Edi tinawag ko sya ,tinanong kung kumusta na sya ? At anung gagawin niya dito sa boarding? Kalagitnaan ng hagdan sya tumigil tapos nakayukong nagsalita na may mga kukunin lang daw sya tapos aalis din. Edi Sabi ko okay tawagin Niya na lang ako kung kailangan Niya ng tulong. Ewan ko gaano katagal akong naghintay sa pagbaba ni Annie, nagtext ako kay boss nun na kako andito si Annie at nakuha ng mga gamit niya. Agad tumawag si boss nun Sabi Niya " Loka ka naman Ann, nakaburol na si Annie paanong pupunta yun dyan?  Baka ibang boarder yun tingnan mo , tsaka magingat ka Dyan baka gabihin na kami " . Omoo lang ako Kay boss at  napaisip , Nung naoff na tawag tsaka ko nagdecide na aakyat ako at titingnan ko kung sino yun. Dito na ko nakaramdam na parang antahimik ng paligid kahit nasa background Yung bukas na tv, dahan-dahan akong umakyat habang kumakabog dibdib ko , nireready ko sarili ko sa pwede ko Makita. Nasa tuktok na ko ng hagdan ng biglang may kumalabog na naging reason para tumakbo ako papunta sa Pangatlong kwarto sa TaaS imbes na tumakbo ako pababa, sinara ko Yung pinto tapos sumilip lang ako sa siwang sa ilalim ng pinto (Hindi ko alam bat yun Ang ginawa ko😅) Wala namang kakaiba kaya umupo na ko paharap tapos napasigaw kasi Nakita ko si Annie nakabitin! Dilat ang mata ,maputla Ang balat habang naduduyan sa pagkakabitin ,titig na titig ako sa kanya nun,  nangangatal akong nagdial ng number ni boss nun Kaso di ko sya macontact kaya binuksan ko Yung pinto at Nung lumingon ako patingin Kay Annie eh Wala na sya Ang naiwan lang ay Yung upuan na bilog gawa sa kahoy nakatumba sa sahig . Ewan ko pano ko nakababa sa Sala nun tapos dun nagsink in sa utak ko Yung nangyari , nanlaki ang ulo ko at nagtayuan ang buhok sa batok . Lumabas ako ng bahay nun Plano ko na sa labas na lang ako maghihintay kila boss , pagdating ko sa gate dun ko napansin na nakakandado sa loob meaning di na talaga tao Yung Annie na Nakita ko. Naabutan ako nila boss sa labas nun, tanong Sila bat andun ako ,sinabi ko lang na tumambay lang ako. Nawala siguro sa isip ni boss nun Yung tungkol Kay Annie kaya di ko kwenento. Habang sinusuklayan ko Yung alaga ko Kasi matutulog na kami ay nagkwekwento siya sa pamamagitan ng pagsusulat Niya kung anu mga ginawa nila maghapon sa Caliraya, nagulat ako sa huling nabasa ko na sinulat niya "Yaya kinuha na ng baby Yung mama Niya na si ate Annie"  😰 tinanong ko sya pano Niya nalaman ,Sinulat niyang nalaman Niya sa mommy Niya na patay na si Annie, tinanong ko sya ulit pano Niya nasabi na baby niya kumuha? Eh Kasi Nakita niya daw si Annie na pumasok sa Cr na may kargang baby kanina tapos bigla daw naglaho 🥶.Nung nagbalikan Ang mga estudyante nun lagi na may reklamo na naistorbo Sila sa iyak ng baby sa madaling araw Eh Wala namang may baby dun kahit sa kapitbahay, kaya inopen ko ki boss Yung kwento ng anak Niya na alaga ko , pinabless Yung buong boarding house nun. After 2 months umalis na din ako dun, di ko na Kasi matiis Yung mga nakikita Namin ng alaga ko na kung kailan na pablessed eh tsaka Naman may mga nagpakita at paramdam pwera kila Annie .
Ito Yung unang beses na Nakita ko panu namatay Yung tao na sumakto din sa kwento ng parents ni Annie.



📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎

[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon