‘FAMILY TRIP or HORROR TRIP’
Last December 2022, nag Dubai trip po kami ng family ko. Nauna sila sakin ng 2 days kasi po I had to take the board exam.
Fast forward, dumating ako sa hotel gabi na and mejo pagod na din ako from 9hrs trip. Maaga ako nakatulog, siguro around 10PM DUBAI time (2AM PHILIPPINE TIME) yung body clock ko po is hindi agad nag adjust. Around 5-5:30AM nagising ako kasi nakarinig ako ng footsteps around kitchen and dining, out of curiosity tinawag ko si Mama and Papa kasi maaga sila nagigising, pero walang sumasagot, sabi ko na lang sa sarili ko baka hindi ako narinig. By the way po sa sala kami natutulog kasama ko yung ate ko and hubby niya kasi po sobrang dami namin hehe.
Fast forward same day around 9AM pumasok ako sa room nila Mama para maligo, pag pasok ko yung nephew ko naglalaro ng lego sa may vanity mirror ng room. Lumapit ako sakanya para ikiss and hug and to greet him good morning. Out of nowhere sinabi niya sakin na, tita last night I saw a kid running around the room and then he stopped running and then all of a sudden he just stop and stand. Hindi daw siya makatulog ng maayos kasi nga takbo daw ng takbo yung ‘bata’ sa room nila. Ayoko na talagang tanungin siya kasi iba na yung pakiramdam ko pero I still asked him, where? He said there, he pointed to the direction where I was exactly standing!!! (Btw 8 years old lang po si nephew that time) Dinedma ko na lang pero yung kilabot ko po is hindi maka kalma, imagine sakin niya sinabi to think na andun yung Lolo (Papa ko po) Lola (Mama ko po) and mommy niya? Around 8AM pa daw sila gising pero bakit hindi niya sinabi sa mga kasama niya sa room? Maybe hindi pa siya ready or mas gusto niya sakin na sabihin kasi alam niya ipagtatanggol ko siya? After niya sabihin sakin yun, nag sabi ako sa room na mejo malakas ang boses ko na ‘wag niyong takutin pamangkin ko, ipagppray ko na lang na sana mahanap niyo na yung peace na hinahanap niyo’, pag may tinakot pa kayo, hindi ako magdadalawang isip na palayasin kayo dito kahit hindi kami taga dito’. I know this is taunting but I had to do or say something para hindi na nila istorbohin ang pamangkin ko pati na rin kami while we’re staying sa hotel room.
Mejo marami pa po itong kwento kasi 10 days po kami nag stay sa hotel na ito gagawan ko na lang po ng part 2.
‘FAMILY TRIP or HORROR TRIP’ PART 2
DAY 2. Maaga na naman akong nagising as usual, 6:30AM. Umupo muna ako to fix the pillows and fold the blanket that I used. Sinilip ko sila ate na in a deep sleep pa. At the back of my mind parang may nagsasabi sakin na wag muna ako lilingon pero dahil wala pa ko sa ulirat lumingon ako sa may kitchen which is pinag sisihan ko. I saw a black shadow/silhouette/figure standing there, mejo malapit siya sa may lababo. Mejo madilim pa sa labas (as you can see po sa picture may kurtina, pero nung time na nangyari po ito ay naka bukas po ang curtain) and naka off pa yung ilaw.
Kinikilabutan na po ako ng mga time na yan pero nag lakas loob na lang po ako na mag salita while walking towards sa cr kasi hindi ko na mapigil yung wiwi ko,’O Pa mejo na late ka ata ng gising?’ (Nagigising po kasi sila madalas around 4-5AM, late na po or tanghali na sakanila ang 6AM) Again, hindi na naman ako kinibo kaya dumiretso na lang ako sa cr.
Pag labas ko ng cr may narinig akong footsteps sa likod ko, kaya nilingon ko naman, si PAPA kakalabas lang ng room nila!!! Kaya daw siya lumabas kasi kanina pa daw siya may naririnig na nag lalakad sa hallway, mga 4-4:30AM daw, pabalik balik lang akala niya gising pa kami, but in reality 1AM lahat kami na sa sala natutulog is tulog na ng mga oras na yan. Sabi ko na lang din, ako pa lang po ang gising saming tatlo dito sa labas. Natahimik kami pagdating namin sa kitchen. Hindi ko na lang din sinabi sakanya yung nakita ko before ako mag cr even sa mga family members ko na andun baka kasi matakot lang sila.
Ang akala ko sakin lang nagpaparamdam o nagpapakita. Akala ko lang pala …
PART 3 po maybe tomorrow to give way sa mga iba nating authors/sharers. Thank you po sa mga nag basa and sorry po sa mga nag aantay ito na po.
BINABASA MO ANG
[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
TerrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.
![[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)](https://img.wattpad.com/cover/334075232-64-k923540.jpg)