Sinabing Itigil Niyo Yan

61 1 0
                                        

It’s been a long time THS. Maraming nangyari sa personal life (both positive and negative) kaya I rarely had the chance na dumalaw sa group. But man did I miss reading all the stories here. I hope everyone’s been staying safe during these times.

Anyway, what I will share isn’t too recent. And the experience itself is both weird and scary because nangyari sya sa isang social karaoke application. I meant to share this ages ago pero hindi talaga magkaron ng time.

Anyway, this happened exactly October 31, 2021. Member ako ng isang grupo sa isang social karaoke app where apart from the usual kantahan, nagkakaron din kami ng mga mini contests and events. In light of the Halloween celebration, we decided na maghold ng contest where participants can share their spookiest stories. Naka KTV mode kami and I was serving as the host. We had participants from other groups and they were coming from all parts of the globe. Madami nasa Middle East.

Ang set-up, magtatake mic sila and may konting interview before we let them share their stories. Then we had a set of judges na magdedecide kung sino ang Top 3 scariest real-life horror stories na mananalo ng prizes from us (in the form of kcoins na pwede iconvert to cash)

Everything was going well. Nagstart kami ng past 6pm and we had participants na game na game magshare ng mga personal accounts nila ng katatakutan. Blockbuster kasi apart from the participants, ang daming listeners na nasa loob ng party room.

Bale apart from the host, walong tao ang pwedeng mag take mic at once (see screenshot for reference). Meron akong dalawang co-hosts and the rest of the slots, pwedeng itake mic ng gustong sumali. Lahat ng nasa mic, pwedeng makapagsalita unless mag self-mute sila or imute namin na may mga admin access.

We were on our last participant and almost 12 midnight na. So this last participant ay ilang beses nag attempt mag take mic, pero for some reason, lagi syang nadadrop kaya napahuli sya.

Finally, naka take mic sya. And doon namin nalaman na babae sya na nagwowork as DH sa isang bansa sa middle east. Habang nasa mic din sya, dinig na dinig namin ang pag-iyak ng batang inaalagaan nya.

Nagsalita din sya samin na “ilang beses akong nagaattempt to take mic pero biglang nagloloko ang wifi dito” na hindi daw naman usually nangyayari. And then she proceeded na magbigay ng kaunting background sa story na gusto nya ishare.

Ayon sa kanya, nangyari daw ito sa pinsan nya at naging malaking balita daw ito sa lugar nila na sa pagkakaalala ko ay sa bandang Samar/Leyte. And involved daw dito, isang itim na engkanto. Sinabi nya din samin na bago sya nag take mic, humingi sya ng permiso sa pinsan nya na babae na ibahagi ang kwentong ito.

Curious na kaming lahat sa susunod na bahagi ng kwento pero napapansin namin na unti-unti na syang hinihingal. Parang hirap na hirap na sya huminga. Yung iyak ng bata din sa background, palakas na ng palakas.

Hanggang yung paghingal nya medyo bumibilis na and medyo nagsisikip na daw yung dibdib nya. So kami na nag aalala para sa kanya at para sa bata na kasama nya, sinabihan namin sya na wag na lng ituloy yung story dahil mukhang may ayaw magpakwento.

Matagal kaming nasa mic and pinapakalma namin sya. Nagkakagulo na din kami sa gc ng grupo namin dahil lahat nababalot na ng kilabot and pag-aalala.

Si ate, tinry pa din ituloy ang kwento. All of a sudden, biglang me boses na pasigaw na nagsabing “Itigil nyo yan!”. Boses ng isang lalaki na tila baga nanggagaling sa ilalim ng lupa.

Lahat kami na nasa mic, natigalgal. Yung ibang members naming babae nagkagulo sa gc. Napahagis daw nila yung headset nila habang nakikinig. May umiiyak na.

Si ate na patuloy na nahihirapan huminga, sinasabihan na namin na wag nang ituloy. Dahil member ako ng THS at naisip ko na baka me makatulong sa kanya dito, I asked habang nasa mic kami kung alam nya ang grupo na THS. She said, may nakapagsabi na sa kanya ng grupong ito pero everytime magsesend sya ng request to be a member, palaging nagkakaaberya. Either nawawalan sya ng internet or biglang nakikick sya ng facebook. So I was telling her na mag-DM kami sa labas ng app so maybe I can introduce her sa members dito like Sir Amadeuz na baka matulungan sya.

Kinukuha ko yung contact details nya until may sumigaw na naman “SINABI KO NANG ITIGIL NYO YAN!”

This time, masmalakas. Mas dumadagundong. Mas Galit. Yung mga listeners natatakot na. Ilang minuto kami na natigilan lahat. Hindi namin alam paano magrereact.

Si ate, nawala sa mic and sa loob ng party room. Ang napagkasunduan namin, magpaplay kami ng worship songs and magdadasal ng sabay-sabay. Natapos yung event na balot na balot kami ng takot at mga tanong. Ganon siguro talaga kaseryoso yung kwento ni ate para ipagdamot ng kung ano mang ayaw magpakwento.

Sinubukan kong i-contact si ate pero wala na kong narinig sa kanya mula noon. I just hope she is safe and that this serves as a lesson din na meron talagang mga bagay na better left undisclosed.

—— END ———-/




📜Travel Horror Stories
▪︎2022▪︎

[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon