Nakikipag-usap sa mga hayop

30 0 0
                                    

Hindi po ito tungkol sa travel or sobrang nakakatakot na experience pero medyo weird sya (and up till now im still wondering kung totoo yung sinabi sakin ng matanda sa kwento ko) please enlighten me sa mga expert regarding dito.

Way back 2011 nangyari ito sa san pablo laguna sa dati kong pinag tatrabahuhan. Right after kong kumain nang lunch sa karenderya and pabalik sa work place ko, sa entrance ng building me matandang nag alok sakin ng walis tingting. Sabi ko sa matanda na naku nay pasensya na po wala po kasi akong pag gagamitan ng walis, kumain na po ba kayo ng tanghalian? Sabi nya sakin na hindi pa kaya sabi ko sige nay since hindi ako bibili ng walis ililibre ko na lng sya ng lunch umoo naman sya kaya bumalik ulit ako ksama sya sa karenderya kung saan ako kumain ng lunch. sinamahan ko sya habang kumakain at nakipag kwentuhan ng konti. Natanong ko sya kung tiga saan sya sabi nya tiga atisan daw(medyo liblib na lugar sa san pablo at kabundukan sya, malayo sa kabihasnan) tinanong ko sya kung me pamilya sya, mga anak sagot nya meron daw syang anak kaya sabi ko nay bakit ikaw ang nag titinda ng walis? Kainitan ng tanghali asan ang mga anak mo? Sabi nya naiwan daw nya sa bahay so inisip ko at her age ma edad na mga anak nya na pwedeng tumulong sa kanya kaya sabi ko bakit hindi sila ang nag hahanap buhay bakit ikaw (medyo matanda na si lola around 60s pero maayos syang manamit at muka syang nasa maayos na pag iisip) Lumapit sya sakin at pabulong na sinabi “wag kang maingay hindi tao ang mga anak ko” nagulat ako kayat sabi ko pano pong hindi tao? Sagot nya mga hayop daw ang anak nya tulad nung isa na malaking sawa, sabi ko pano po nangyari yon? May kakayanan daw syang kausapin ang mga hayop! pano po nangyari yon ibig kong sabhin nag sasalita sila? Tanong ko, sabi nya oo daw kasi meron daw syang maliit na libro na nakasulat sa latin na nag bibigay sa kanya ng ganong kapangyarihan at lakas kung babasahin mo(lakad nga lang pala sya simula sa atisan papuntang bayan! malayo talaga sya pwede nyo i google map for reference) imagine nilakad lang nya ang atisan papuntang bayan at her age! Sabi ko seryoso po ba kayo? Pwede po ba makita ang libro? Sabi nya sakin hindi daw nya dinadala ang libro iniiwan daw nya sa bahay at binabantayan daw ng mga anak nya. Sabay tanong nya sakin “gusto mo ba?” ibibigay daw nya sakin ang libro kung sasamahan ko daw sya sa kanilang bahay para kunin ang libro. Eh sympre gustohin ko man una may work ako at sympre hindi ako sigurado sa pupuntahan ko kaya sabi ko na lang na maraming salamat po pero me trabaho pa po ako. Ngumiti lang sya saakin at nang matapos na syang kumain agad naman syang nag paalam at nag pasalamat. Simula non hindi ko na sya nakita at kahit yung guard ng building eh hindi na din daw nya nakita ang matanda.

Ang tanong totoo po kaya ang libro at kung totoo man sa tingin nyo dapat kinuha ko na ang libro? Please enlighten me sa mga expert!
Sana ma approve po admin thanks!




📜Travel Horror Stories
▪︎2023▪︎

[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon