Block 1 lot 1

41 0 0
                                        

Block 1 lot 1

Back in 2015, namasukan Ako bilang kb/Yaya. Bata pa Silang mag Asawa nasa early to mid 20s plang (seaman at teacher)
Bagong lipat lang Sila sa apartment na kwento pa nila sakin
sobrang good catch dahil maganda at sobrang mura.

Btw para mapicture nyo Yung apartment. Up and down sya cement at tiles. Yung bintana jalousie na may bakal na grills. Pagpasok may maliit na sala sa kanan katabi dining, sa dulo Yung kusina katabi Ang laundry, pero mas mauuna mo mapansin Ang hagdan (bale pagpababa ka Ng hagdan dirediretso lang nun pinto na palabas). Halatang Bago lang Ang pintura na white pati tiles kulay white.

Nakarating Ako sa bahay nila mga past 1pm na, kaya more on kwentuhan tpos Maya Maya nagbigay na Ng instructions  sa mga Gawain. Di namin namalayan na Gabi na Pala, kaya nagpabili nlng Sila sakin Ng lutong ulam sa labas. Pagkatapos Ng hapunan umakyat na Sila sa kwarto nila. Ako nmn pumunta narin sa kwarto ko na katapat lang Ng kwarto nila.

11pm na di parin Ako makatulog. Namamahay. Hangang sa maisipan ko dumapa kaya inalis ko Ang unan (Yung pwesto na nakadikit ang tenga sa foam). Sinubukan ko mtulog sa gnung pwesto. Mayamaya makarinig Ako Ng tunog Ng spring (dba Yung luma na kama may spring sa ilalim, tpos paghihihigaan tumutunog ganun) Napaisip Ako Wala nmn spring sa kwarto ko. ah baka kina mam, baka ganun kama nila. madaling araw n Yun Ng makatulog n Ako.

Kinabukasan, linis laba luto, mga usual. Pagkahapon inutusan Ako n iakyat sa taas mga natuyong damit at dun narin nmin tupiin sa kwarto nila. Pagkapasok ko sa kwarto nila, napatingin Ako sa higaan, regular foam n nkalatag. Isip isip ko, Saan galing Yung narinig ko kagabi? di ko na ikwinento, baka guni guni ko lang.

Ng sumunod na Araw, may aasikasuhin Ang mag Asawa, kaya ibinilin sakin Ang bahay at pag aalaga nrin Kay baby. bandang 2pm, nakatulog Ang baby sa crib nya habang Ako nagligpit Ng mga laruan na nakakalat pagkatapos umupo na ko para tupiin mga damit. Napalingon Ako sa may hagdan, Maya maya Yung laruan na bola Nakita ko bumababa Ng hagdan. As in nagbabounce pa Isa Isa sa bawat baitang.dahan dahan.hangang sa makalapag na sa sahig at tumigil. Nakatitig lang Ako. di ko alam anong gagawin. Kung tatakbo ba palabas o sisigaw. Naalala ko Ang alaga ko. Pinagkibit balikat ko lang. Baka hangin lang isip ko.

Mga 6pm na siguro nun, binuksan ko Ang  tv pero naka mute lang tpos Yung cp ko nagpatugtog Ako loud speaker tpos ipinatong ko sa baitang Ng hagdan na chest-level Ang Taas para masisilip ko kung may mag text. Naalala ko halo-by Beyonce pa Yun na kanta. Biglang huminto Yung kanta tapos bumalik sa normal na volume uli. Kako baka nag sign Ng lobat. Pagsilip ko di nmn lobat, at Wala din text. Yung remote Ng tv nakalapag sa center table na glass at malapit lang din sakin, Maya Maya ko kung lumingon sa may labas Kasi baka andyan na Sila amo. Pagsulyap ko uli sa tv nagulat Ako tumataas Yung digits Ng volume.

idinilat ko pa mata ko sabay tingin sa remote kung nasaan , andun pa nmn at wala nmn naka dagan. Ginawa ko pinatay ko Yung tv at nag salita,

kako pasensya na kung naingayan ka, wag nyo ko sasaktan. Kinarga ko si baby, kinuha cp at lumabas kami. Nasa may pintuan kami Ng alaga ko Ng maabutan Ng mag Asawa.

Ayun, Maya Maya nag kwento na Ako, as usual hnd Sila naniwala. Baka daw hangin lang o baka naipit lang Ang remote. Mga guni guni ko lang daw.

Nung gabing yun, Nung Oras na Ng tulog, pagpasok ko sa kwarto ko may Nakita Akong dalawang black figure Ng lalaki sa may bintana. Nagsalita uli Ako, Kako wag kayo sakin magparamdan, dun kayo sa mag Asawa. (Damay damay nato isip ko)

Naalala ko may kaibigan ako na malapit lang dun nakatira, kaya tinext ko sya,

sabi ko pasyal ka sa linggo, andito amo ko para makilala mo,  nagtanong sya kung Anong block,
Sabi ko nmn "block 1,lot1"
Nagreply nmn sya Ng "cge , pasyal Ako dyan"

2 Araw pa Bago mag lingo, naeexcited na Ako best friend ko Yun e. Lumipas Ang Araw na normal lang, Wala paramdam na creepy, Wala anything unusual.

Linggo. Nasa bahay lng kmi lahat. Nanonood Ng tv sa sala Ang mag Asawa, Ako nmn nasa kusina nagluluto Ng hapunan. Medyo malungkot Kasi di tumuloy kaibigan ko may lakad daw.

Nakita ko nagaaksyon aksyon Yung amo Kong lalaki, naguusap Sila na pabulong. Parang takot. Kaya lumapit Ako nagtanong. Yung shoulder bag na Araw Araw gamit ni mam pagpasok Ng school na nakasabit sa may pako sa pader bigla daw nila narinig na hinampas at pagtingin nila Yung bag nagswe sway. Yung pagkakahampas na may Galit daw.

Yung gabing yun dun kami natulog sa tita ni mam. Pack up agad lahat, Yung kanin sa rice cooker hnd pa man luto binunot na sa pagkakasaksak at binitbit.

Habang nasa sasakyan, naalala ko Yung kaibigan ko, tinext ko sya kung may alam ba sya sa apartment nayun.

Ang replay nya: sabihan mo amo mo lumipat Ng apartment, ilang years nang bakante iyan.

Dun ko nakomfirm na Meron nga.

Pagkatapos nun. Nag decide nalang Yung mag Asawa na  bumalik nalang sa bahay ng magulang Ng babae, ksi mahihirapan sila Lalo na pasakay na sya Ng barko. Dahil dun na Sila hnd na Rin nila need Ng kasambahay at sobrang layo na sa syudad kaya di na ko sumama.

Hnd talaga Ako mapakali. Naiintriga Ako sa kung ano ang alam Ng kaibigan ko sa kwento ng apartment nayun. Kaya pumasyal na Ako sa kanila.

At dun ko nalaman Ang kwento Ng apartment na Yun.

Itinayo Ang apartment nayun 2004, At dahil kaunti palang Ang subd samin kaya matunog Yung pangalan nya nun, Yung labas Ng subdivision Nung time na yun ay masukal, nagtataasang talahib tapos mangilan ngilan bahay.

May tumira dun na pamilya. May kaya. Matagal Sila dun until one time daw pinasok Ng magnanakaw Ang bahay, dun dumaan sa likod, sa bintana Ng second floor. Buong pamilya kasama Yung Bata pinat***. Yung hagdan daw puro dug*.

Walang umupa dun sa mga sumunod na taon. Kaya ginawa Ng may Ari nirenovate (bagong pintura, bagong tiles) Pero nabakante pa Rin Ng ilang years. Hangang may umupa na clinic paanakan. Madami daw paramdam. Yung timbangan (Yung puro bakal) pagpapasok Ng midwife sa Umaga nasa TaaS na daw, kaya takang taka sya paano naakyat e sobrang bigat nun. Tpos may mga namamata* din sa panganganak. Kaya di Rin nagtagal at umalis Ang clinic.

Up until now kinikilabutan Ako pagnagagawi sa subd na Yun .
Tuwing makikita Yung bahay. Bakante pa din.



📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎

[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon