SECOND VOICE
Hi, Everyone! This will be the first time na magsshare ako ng story. This is not my personal experience, kwento lang sakin ng tita ko.
This happened sa Ancestral House namin sa Pampanga. I have lots of stories abt this house pero eto nalang muna since eto pinaka recent.
Malawak yung lupa ng bahay and napapalibutan din sya ng malalaking puno kaya hindi na nakakapag taka kung bakit minsan paglalaruan ka nalang bigla. So wala kaming family sa bahay then ang naiwan lang is yung tita ko, tito ko and yung pinsan ko. Yung tita and tito ko nasa may bandang likod ng bahay or yung backyard nga. Sa likod kami madalas kumakain kasi bukod na sa maaliwalas sya, malaki din space compared sa loob ng bahay na tuwing may okasyon lang ginagamit ang dining room. Oras na ng kainan at tinawag na nga ng tita ko yung pinsan ko na nasa loob ng bahay at naglalaro ng online games. “Nak kain na tayo!” sigaw ng tita ko mula sa labas dahil maririnig mo naman ito mula sa loob kung sisigaw ang nasa labas. “Sige Ma! Patapos nako!” sagot naman ng pinsan ko. Nagsisimula na kumain yung tita at tito ko pero yung pinsan ko wala parin kaya nag desisyon na yung tita ko na puntahan yung pinsan ko para patigilin na maglaro. Pumasok na yung tita ko sa bahay at nagulat na nakapatay yung computer at wala yung pinsan ko. Nagtataka siya kung bakit wala eh kanina lang naririnig nya pang naglalaro ito at sumisigaw pa. Umakyat siya sa taas para tignan kung andon yung pinsan ko at nakita nga niyang mahimbing ang tulog nito habang naka earphones pa. Ginising na niya yung pinsan ko para kumain na, maya maya ay tinanong niya kung saan ba ito galing at parang napaka bilis naman nito makaakyat at makatulog. Nagtaka naman yung pinsan ko kasi hindi pa siya bumabangon simula kaninang pagkatapos nila kumain ng almusal, dumiretso ito sa kwarto para matulog.
Panigurado naman na kung ibang tao iyon ay malalaman agad ng tita ko dahil iba ang boses. Kung ganon, sino yung sumagot sa tita ko? at bakit kaboses nito yung pinsan ko? Totoo nga ba ang mga doppelgänger?
Tawagin nyo na lamang akong Asmara.
Paalam, Hanggang sa muli.
📜Spookify
▪︎2023▪︎
BINABASA MO ANG
[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HorrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.
![[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)](https://img.wattpad.com/cover/334075232-64-k923540.jpg)