Singapore School
Hi po! Ako po ay isang preschool teacher dito sa Singapore. Gusto ko lang mag share ng experiences ko sa school na pinag woworkan ko for 4 years now.
Rirerentahan ng school namin ang isa sa mga colonial black and white houses sa Turf City. (Pwede niyo i-Google para magka idea kayo sa itsura). Kilala ang place namin bilang isa sa mga nakakatakot na part ng Singapore lalo na sa mga taxi drivers. Isa-isahin ko po ang mga experiences ko and hopefully ay worth reading ang mga ito. Enjoy!
1. FIRST EXPERIENCE
First Year ng pagtuturo ko sa school na ito ay inassign ako sa Kindergarten 1 class. Malaki ang classroom ko sa second floor - may sariling toilet and shower room sa loob.
Noong isang beses na nag overtime ako around 6:30pm, naiwan ako mag isa sa classroom para mag prepare ng materials for our lesson the next day. Habang busy ako sa mag aayos, nakarinig ako ng voice galing sa toilet na tinatawag ang aking pangalan.
"MS. xxxxx "
Dali dali ako pumunta sa toilet dahil baka may bata pang naiwan or may co teacher ako na nandun. Pagkapasok ko ng toilet, binuksan ko agad ang ilaw at hinanap kung sino ang tao sa loob pero wala akong nakita. After few minutes, na realize ko na ako nga lang pala mag isa sa classroom. Agad ko kinuha ang aking bag, inoff lahat ng ilaw at nagmadaling bumaba kung saan nandun ang iba ko pang co teachers. Hindi ko na sinabi sa mga kasama ko ang nangyari dahil baka guni-guni ko lamang ito or baka matakot din sila.
2. ELIZABETH
After 2 years, inassign naman ako magturo sa Playgroup Class sa first floor ng aming school. Same structure siya ng classroom ko sa Kindergarten 1. May toilet and shower room at meron din open storage area kung saan tinatago namin ang ibang mga materials.
Ang mga students ko ay 18-24 months old. Isa sa mga students ko ay si "Yana" (not her real name) na anak ng co teacher ko. Magiliw si Yana, matatas mag salita at very friendly sa class.
Isang beses, kinausap ako ng co teacher ko (nanay ni Yana) about sa weird conversation nila dalawa sa bahay. Tinanong daw niya ang anak niya kung sino ang mga close friends niya sa school. Nagbanggit daw ng mga pangalan ang bata pero nagtataka siya dahil may sinabi siyang pangalang, "Elizabeth". Since teacher din ang nanay ni Yana sa school, aware siya sa mga names ng students ko in class.
So agad ko naman kinausap si Yana at tinanong tungkol kay Elizabeth.
"Who is Elizabeth? Is she your friend at home or here in school?" Baka kasi kapitbahay niya or kalaro.
"In school!" sabi ni Yana.
Nagtataka ako dahil 100% sigurado ako wala naman kaming Elizabeth na pangalang bata sa buong school. At eto na nga ang pinagsisisihan kong ginawa, tinanong ko kay Yana kung nasan si Elizabeth.
Agad siyang tumakbo papunta sa storage area at tinuturo na ayun daw si Elizabeth, nasa loob.
xxx
*Thank you all! Madami pa po akong kwento about sa school na ito. Pa like lang po if gusto niyo pa Part 2. Stay tune!
📜Travel Horror Stories
▪︎2023▪︎

BINABASA MO ANG
[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HorrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.