VAPE

49 1 0
                                        

VAPE

Share ko lang yung experience namin ng jowa ko sa isang hotel sa Pasay. Bali si jowa yung may third eye, ako wala. Dati pa niya kinukwento na pinagtitripan sya ng mga entities, laging nawawalan ng gamit tapos magrereappear na lang kung saan saan. Medyo di ako naniniwala nun kala ko kasi dati baka sadyang may memory gap lang sya. haha

Anyway, medyo creeped out si jowa sa hotel na pinagstayan namin. Yung mirror kasi nasa likod ng door tapos naka harap sa bed. Eh sabi sabi badluck daw yun kasi nagiging portal, di ko naman pinansin. Nung nag aayos kami ng gamit na realize na nawawala yung vape niya. Hinalungkat namin buong room saka mga bags namin as in wala. Hinayaan na lang namin.

Nung madaling araw, nagutom ako so nagpabili ako ng makakain. Pagkabalik niya sabi niya may isang street child na biglang lumapit sa kanya at nagsabi, “Kuya sayo to?”. Hawak hawak nung bata yung vape. Syempre di niya na kinuha kasi baka ginamit na ng bata or kung san san na nahulog.

Sabi ko hayaan na lang bili na lang ng bago bukas kaya kumain lang kami saglit tapos natulog na din sya. Ako magdamag gising kasi graveyard yung shift ko sa online job ko. Sa sofa ako nag work whole night.

Nung mga 9 am na nagising sya, nag aayang magkape. Kunin niya na sana yung phone niya sa sofa nang biglang nag panic sya. Andun yung vape niya!

Sobrang confused at gulat din ako wala namang pumasok na visitor or hotel staff whole night na nag wowork ako. Tapos wala talaga akong pansin na vape sa buong time na nag wowork ako sa sofa. Saka hinalungkat na naman yung buong sulok ng room buong gabi wala talaga tapos biglang andun na uli??

Saka yung tanong, tao nga ba talaga yung batang lumapit sa kanya?

Nagjoke na lang ako na baka tumagos sa mirror yung bata para ideliver yung vape niya. Haha pero ang creepy nun talaga



📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎

[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon