May paranormal akong kapatid

16 1 0
                                    

May paranormal akong kapatid.

And I trust her fully kapag may sinabi siya sa akin na wag kong gawin o wag kong puntahan. Nung mga bata pa kami, lagi kaming umuuwi sa probinsya para magbakasyon. Noong mga panahon na yun hindi pa gaanong developed yung province namin. May mga masusukal pa na areas and hindi pa kilala yung mga beach at mga ilog sa lugar namin. Hindi pa siya puntahan ng mga tao. Mga locals pa lang ang nagpupunta sa mga lugar na ito pag bakasyon. Usually pag bakasyon lang kami umuuwi don. Pero etong time na ito na umuwi kami, pinauwi kami ng parents namin sa lolo at lola namin sa probinsya kasi nagka-cancer si mama. Breast cancer. Hindi kami maasikaso ni papa noon kasi ongoing ang chemo ni mama and grabe ang lala ng mga naeexperience niyang symptoms and side effects so kailangan talagang nakafocus si papa sa pag aalaga sa kanya. At the same time demanding pa ang work ni papa. Then inoperahan na din si mama para tanggalin yung bukol. So that entire time nag leave kami sa school and sa probinsya kami nagstay na magkapatid. Dumating yung birthday namin. Magkasunod lang yung date ng birthday namin so madalas sabay na namin sine-celebrate. Tinanong kami ng lolo at lola kung anong gusto namin gawin sa birthday namin. Sabi ko, gusto ko magpicnic at maligo sa ilog. Yung kapatid ko naman sunod lang sa kung ano ang gusto ko. Maka-ate din kasi yun e. Nung mga bata pa kami lagi lang siyang nakabuntot saken. Minsan kahit sa mga lakad ko with friends kasama siya. Para kaming buy 1 take 1 palagi. 😂 Iniisip tuloy ng mga tao kambal kami. Kasi magkamukhang magkamukha na nga kami, lagi pa kaming magkasama, tapos minsan yung suot pa namin e matchy-matchy. 😂 Anyway, so ayun na nga. Nung araw ng birthday namin siyempre kahit paano naexcite naman ako magcelebrate kasi kahit paano mawala sa isip namin yung pag aalala kay mama. Saka naisip ko makakabuti din sa amin na magkapatid yun. So pumunta na kami sa ilog. Ang ganda ng panahon. Mahangin, maaliwalas yung sikat ng araw, sa pakiwari ko napaka-perfect ng panahon para sa picnic. Pagtapak pa lang namin papunta dun sa picnic area, humigpit yung hawak sa kamay ko ng kapatid ko. Tapos ramdam ko na ayaw niyang tumuloy. Tapos sabi ko, sa kanya, "bakit?" Tapos tinignan niya lang ako tapos ayaw naman niya sumagot. Sabi niya, "ate uwi na tayo." Tapos sabi ko, "ha? E bakit naman? Masama ba pakiramdam mo? Ayaw mo ba sa ilog?" Di siya makasagot pero ramdam ko na may kakaiba sa kanya. Eto na naman din yung hunch ko na may gusto siyang iparating na hindi maganda na hindi niya mapaliwanag. Ganun na kasi yung dynamic namin ever since. Siya yung mas malakas yung pakiramdam at nakakakita ng kung ano-ano. Tapos ako naman yung hanggang hunches lang. Pero nasabi ko na noon sa past na shared story ko na medyo clairvoyant ako ata ewan di ko sure kasi nalalaman ko na lang basta kung sino yung next na mamamatay sa pamilya. I don't know how, I just know. Anyway, so since di siya makasagot saken, umiyak na lang siya tapos niyakap niya ko ng mahigpit. Ayaw akong pakawalan. Ramdam ko ng may something so sabi ko sa kanya, "gusto mo, uwi na lang tayo?" Tapos tumango na lang siya ng, oo. So ako naman, bilang ate, sabi ko na lang sa mga kasama namin na mga kamag-anak, umuwi na lang kami kasi masama pakiramdam ng kapatid ko. Sabi ko sa bahay na lang kami mag celebrate. Pumayag naman sila. Wala silang magagawa e kasi kami yung birthday celebrants. On the way sa bahay, nakakapit pa rin sakin yung kapatid ko, tumigil na siya sa pag iyak pero sobrang intense ng tingin niya sa ilog. Nung nakauwi na kami, na-curious talaga ako sa nangyari sa ilog, so after namin magblow ng cake habang nagkantahan sila ng happy birthday, inakay ko siya sa may labas ng bahay para kausapin. Tinanong ko siya, "ano ba talagang nangyari dun sa ilog, bakit ayaw mo doon magcelebrate?" Tapos sabi niya, "tinitignan ka kasi niya. Nakursunadahan ka niya. Gusto ka niyang kunin ate." Kinilabutan ako sa sinabi niya. Sino ba namang hindi! Di ko na tinanong kung sinono ano yung nakita niya kasi pag dinescribe niya saken katulad nung nakita niya sa roller coaster na someone (kwento ko next time) baka lalo lang akong matakot. 😅 Nung after lunch biglang umulan ng malakas. Tapos sabi ng mga pinsan ko buti na lang hindi kami tumuloy sa ilog kasi mabilis tumaas yung tubig don and pag nagkakaganon e may namamatay talaga. Nalulunod. Sinasabi nila na "nangunguha" daw yung ilog. Ang yours truly, grabe ang kilabot na naramdaman. Para akong namutla don. Kasi kung hindi ako nakinig sa kapatid ko, anak ng tokwa, baka patay na ko ngayon. Ang bad news lang is, since hindi lang kami yung nagpunta sa ilog ng araw na yun, may nabiktima pa rin yung ilog. 😔 nabalitaan na lang namin na may namatay kasi nga tumaas yung tubig. I still kinda shudder to think to this day na it could have been me. If not for my sister. She is and always will be my most trusted person.




📜Travel Horror Stories
▪︎2023▪︎

[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon