Ang mga Anak ni Lola Risa: JONAS
PART 2: ASWANG NA GUSTONG KUNIN SI BABY**WRITTEN BY EM ALMO. This is based on a true story of my 3 titos, my lola, and mommy ko po.
-1997.
Nagtanan si Jonas at Pia sa isang liblib na lugar sa Leyte kung saan doon nakatira ang kanyang Lola Ising (father side ni Jonas). Isang magandang babae si Pia, may kahawigan kay Antoinette Taus noong kabataan nito.
Nang makarating sila sa bahay ni Lola Ising ay pinagsabihin nito si Pia na huwag masyadong maglalabas. Takaw kako sa Kulam. Maganda kasi at napakaputi.
Nagtrabaho si Jonas sa isang katatayo lamang na resort, 8 am to 5 pm ang kanyang schedule. Dahil na din sa naglilihi si Pia ay madalas siyang bumibili muna sa isang maliit na talipapa ng "maputlang mansanas" dahil iyon ang gustong gusto kainin nito. Habang namimili siya ng mansanas ay may nakita siyang matanda na nagtitinda ng okra. Hindi ito masyadong pinapansin dahil na din siguro sa marungis nitong itsura.
"Nay, dalawang tali po." Sabi niya at sabay abot ng 20 pesos. Pinili ng matanda ang pinaka magagandang okra para kay Jonas at hindi na din hiningi ni Jonas ang sukli.Yung tito ko po ay 17 years old lang ng magtanan sila kaya di pa siya masyadong maalam sa buhay buhay. Nang dumating siya sa bahay ay nakita niya si Lola Ising na nagsasaboy ng asin sa harap ng bahay nila. Tinanong niya kung bakit, ang sagot ni Lola Ising para walang mangyaring masama sa baby ni Pia.
Hindi pa naman masyadong kita ang pag umbok ng tyan ni Pia at lalong nagtaka si Jonas kasi paano itong asin ang makakapangligtas sa baby nila?
Pinayuhan ni Lola Ising na magsaboy din ng asin sa kwarto nila pero hindi yun ginawa ni Jonas.
Mga 3:30 ganun ay gumising na ito, tutulong kasi siya sa bukid pero nagulat siya kasi bukas yung bintana!Mabilis siyang tumakbo papunta sa bintana kasi minsan may pumapasok na unggoy sa loob ng bahay. Nang isasara na niya yun nakita niya na parang may matanda na mabilis na tumatakbo palayo sa bintana niya. Kaya daw niya nalaman na matanda yun kasi nakasaya pa daw ang suot at hukot ang likod. Lalong kinilabutan si Jonas nang makita mismo ng mata niya na umakyat yun sa isang mataas na puno na walang kahirap hirap!
Akmang haharap ang matanda kaya mabilis niyang sinara ang bintana at kinuha ang asin na nasa side table at sinaboy doon. Simula noon lagi na siya nagsasaboy ng asin at naglalagay ng bawang sa bintana at sa lahat ng sulok ng kwarto nila.
Fast forward. Kabuwanan na ni Pia at pauwi palang sila galing check up, babae daw ang anak nila. Nagpunta ulit muna silang talipapa at gusto sana nila isda ang ulam.
Habang naglalakad madaming nakatingin sa kanila, medyo naiilang si Pia kaya sabi niya kay Jonas ay bilisan ang pagbili.
May matandang babae na bumati kay Pia at hinawakan ang tyan niya. Dahil hindi komportable ay mahinhin niyang tinanggal ang kamay nito. "Magandang batang babae." Magiliw na sabi nung matanda at saka umalis. Nanlamig ang buong katawan ni Pia nang hawakan siya nun at hindi din niya maipaliwanag ay sumakit bigla ang balakang niya.Manganganak na yata siya!
Malakas niyang tinawag si Jonas at nagpahatid sa ospital. Hindi nga siya nagkamali dahil ng gabi din niyon ay nanganak siya. Baby girl nga at napakaputi din tulad ni Pia.
Fast forward. Dahil sa pagmamadali ay wala silang ibang dalang gamit kaya napagpasyahan ni Jonas na umuwi muna at iwan ang kanyang mag ina sa Ospital at dadaan na lamang siya sa shortcut sa maliit na kalye sa talahiban.
Sinabi niya sa nurse ang balak niya, "Sir taga Barrio **** kayo diba?" Tanong ng nurse tumango naman siya. Nagtaka siya ng bigyan siya nito ng maliit na bibliya at isang rosaryo.
Tinanong niya dito kung ano ang gagawin doon.
![](https://img.wattpad.com/cover/334075232-288-k923540.jpg)
BINABASA MO ANG
[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
TerrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.