Hamon

13 0 0
                                    

Hamon

Nangyari ito mga year 2017.

Ako ay isang taga probinsya na nag kolehiyo sa Maynila noong 2014. Sinamahan ako ng Mama ko para daw di ako mahirapan mag adjust sa buhay dito, and eventually, nakahanap din sya ng work dito kaya hindi nalang din muna umuwi sa amin. Naka dorm ako sa loob ng isang school (athlete) sa UBelt,habang si Mama nakatira sa apartment. 3rd floor, 4 rooms, malawak na sala, common ang kusina and cr. Yung pintuan papuntang 3rd floor, separate na sa pinto ng 1st and 2nd floor.

BTW, si Mama bukas na bukas ang 3rd eye, pero hindi matatakutin. Ang lagi niyang sinasabi, “Hindi naman ako mauubos ng mga yan”. So mga 3 years na sya doon, at sya na yung pinakamatagal na nakatira dun (hanggang ngayon). Kinekwento nya sakin na may matandang namatay sa isang room sa 3rd floor, inatake sa puso. Tapos madalas pa nila (tenants) mahagip minsan na dumadaan, or naririnig sa kusina tas naamoy na nagpprito ng isda. Yun daw kasi ang lagi nung ginagawa. Sabi niya baka daw ganun kasi biglaan yung pagkamatay kaya ginagawa pa din yung routine nya.

Nabanggit din nya na naiinis sya, sa kung ano man ang nanttrip sa kanya sa kwarto nya, lagi daw kasing pinapatay yung wall fan nya pag natutulog sya. Sabi ko baka sira na, sabi naman niya, bago lang daw yun.

Umuuwi din ako sa kanya, lalo pag weekends after training, para maglaba na din since malapit lang naman. Mga 3pm noon ng linggo, napagkwentuhan ulit namin yung matandang namatay saka yung wall dan nya. Nagtutupi ako ng damit ko, magkatabi kami sa kama nasa kanan ko sya. Tapos yung wall fan nakatapat samin, yung stand fan naman nya, nasa kaliwang side ko. Hindi ko abot, since nasa may gitna ako ng kama.

Nagbiro ako, sabi ko, “Sus, maniniwala lang ako sa kwento mo kung pinatay ng kung ano man yung stand fan ngayon.” Sabay tumawa ako. Si mama biglang naging seryoso, “tumigil ka nga, wag kang naghahamon jan.” Tas tumawa lang ako. Walang anu ano, nakarinig kami ng ‘Tok!’ sabay namatay yung standfan sa gilid ko. Sa sobrang gulat ko, napasigaw ako ng, “Ma!” tas sumiksik ako si mama.

Tumawa si Mama, sabi, “Para kang tanga, maghahamon ka tas duwag ka pala.” Sabi ko, “eh pinatay mo yung electric fan eh”. Minura lang ako ni mama kasi pano daw nya maabot yun e ang layo nga nya, ako pa daw yung malapit. Tinapos ko lang yung tupiin ko tas di na ko nag dinner don, umuwi na agad ako sa dorm. Sabi ko kay Mama, “Yoko dito daming ano dito.” Tas sabi lang ni Mama, “Sus ang laki laki mo di ka mauubos niyan.”

Pag uwi ko ng dorm, magkachat kami ni Mama, sabi niya, pagkasabi ko nung maniniwala lang ako kung mamatay yung fan, dumaan daw yung nakaitim na babae sa harap namin tas pumwesto sa gilid ko. Hindi lang nya sakin sinabi agad dahil alam niyang matatakutin ako.

Ayun lang. Kwento ko yung mga na experience ni Mama sa susunod.





📜Travel Horror Stories
▪︎2023▪︎

[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon