GROUP PICTURE SA CR

23 0 0
                                    

GROUP PICTURE SA CR

Sobrang tagal na tong nangyari, around 2008, Grade 4 ako noon. That time, ang dami namin naririnig na balita na ang creepy nga raw ng room namin dahil kahit daw uwian na at wala ng estudyante sa room namin, parang palagi raw itong maingay. Hindi naman namin ito masyadong pinaniniwalaan dahil wala kaming na-e-encounter na ganun.

Until one afternoon, lunch na namin at tapos na kami kumain. Usually, umuuwi mga kaklase ko at madalas lima or anim kaming natitira sa room para doon mag-lunch. Whole day kasi pasok namin that time. Napagkasunduan naming anim na mag-group picture sa banyo. Dalawa CR namin, isang pang-student at isang pang-teacher.

Sa gawi ng CR ng teacher, may isang desk. After one shot, nagkumpulan kami para tingnan yung picture, nakakatuwa nung una kasi parang normal na kuha lang siya. Hanggang sa ilang segundo ang lumipas, may napansin kami sa ilalim ng desk na nakasama sa picture.

Biglang may humulma ng mukha at mata, pati na rin labi at nakangiti ito. Nagtakbuhan kami sa sobrang takot. Doon kami sa pinaka-room namin tumakbo, nanginginig na kaming lahat sa takot at nagyayakapan. Here's the thing, may sobrang lumang piano sa room at talagang kinakalawang ito. Hindi rin siya nakasaksak, kaya nag-iyakan kami nang biglang tumunog ito ng "Do Re Mi Fa So La Ti Do".

Ewan ko kung maniniwala kayo, until now pag naalala ko kung paano tumugtog yung piano, natatakot pa rin ako kasi akala ko sa pelikula lang siya nangyayari, pero hindi, nasaksihan ko siya. After tumugtong nung piano, may nangyari pa. Biglang may nagsulat sa blackboard ng "HI", dahan-dahan yun. Kaya sa sobrang takot namin, tumakbo kami palabas sa kuwarto.

Doon na kami sa labas ng room namin naghintay hanggang sa unti-unti nang dumarating yung mga kaklase namin at yung adviser namin. Kinuwento namin sa adviser namin yung nangyari at pinakita namin yung picture. Hindi siya natakot, pinabura lang niya yung litrato at sinabihan kaming wag na ulit maglaro kasi baka mamaya iba na yung makita namin at mangyari.

Mabait naman daw yung nagpakita sa min kasi nakangiti siya doon sa picture, pero wag na lang daw ulitin.

C
20**
*Confidential
—-
Send your stories here: www.usfstories.com





📜University Secret Files
▪︎2023▪︎

[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon