Year 2017 nung pinalad si husband mag work sa Singapore, few months later nakuha niya kami ng baby namin via Dependent Pass, bawal mag work pag ganito ang status ng pass so sa bahay lang talaga ako.
Sa northwestern part ng SG, sa Bukit Panjang nakakuha ng HDB rental yung husband ko malayo sa city center, 3br unit ito, kasama namin sa bahay yung bestfriend niya at may isa pang pinoy. nung unang dating namin nanibago talaga ako kasi sobrang tahimik, kokonti lang tao na makakasalubong mo lalo na pag weekdays kasi halos lahat nasa school/work.
Pag dating namin galing airport inilapag ko agad si baby sa walker, so paikot ikot siya sa sala pero palagi siya napupunta sa may gate na parang may tinuturo and kinakausap siya, biglang nag salita yung bestfriend ng husband ko “huuuy Frank wag ka nga dyan, wag mo pansinin yan! Baka makapasok pa dito sa loob eh, hayaan mo siya dyan sa labas!” sobrang light ng pagkakasabi niya na akala mo nagloloko lang. Ilang beses din nangyari ito tuwing uuwi galing work at maaabutan niya si Frank na nasa may gate palagi niyang sinasabihan na wag papansinin yung nasa labas at baka makapasok nga.
May isa pang instance na pumunta sa SG yung sister in law ko so gumala kami ng weekend, ginabi na kami ng uwi and kasama din namin si bestfriend, nauuna siya mag lakad nun paakyat sa unit namin, yung sister in law ko muntik madulas so napasigaw siya ng “ayyy!” napatigil si bestfriend at tumalikod, sinabing “nakita mo rin yon?” Akala niya kasi napasigaw kasi nagulat sa nakita, nung sinabi ng sis in law ko na nadulas siya and ano yung dapat makita eh biglang sinabi ni bestfriend na wala daw yun.
Madami pa kaming experience sa unit na yun lalo na pag nag ghost month na, hindi nga ako naniniwala dun dati pero yung na experience ko na yung tipong naka upo ka sa sofa tapos may magdodoorbell pero wala naman tao, may mga shadows na biglang tatakbo sa hallway, tuwing lalagyan ng lightbulb yung hallway sa may mga kwarto palaging pumuputok o napupundi yung ilaw.
Eventually nagpaalam si bestfriend sa amin na lilipat na siya ng tuluyan, dinahilan niya lang na nalalayuan na siya sa commute from work pero alam ko na hindi yun ang dahilan, after ilang years inamin niya samin na yung mga episodes ng bangungot and yung batang multo tsaka white lady sa hallway yung dahilan bakit siya lumipat.
Ito pala yung itsura nung tinuluyan naming HDB unit, kakaiba lang kasi napakaliwanag at aliwalas sa labas pero parang ang bigat na pag pasok sa loob.
📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎
BINABASA MO ANG
[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HorrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.
![[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)](https://img.wattpad.com/cover/334075232-64-k923540.jpg)