Hi. Ask ko lang if naniniwala ba kayo dun sa kasabihan na "meron silang bitbit."?
May kamaganak kaming lumipat at nakisilong ilang buwan dito sa sa amin since nabili na yung inuupahan nilang apartment.
At first, syempre wala ka naman mapapansin na kakaiba tapos later on parang bumibigat na yung atmosphere sa bahay. Parang nakaka suffocate, nakakahilo. Ang init kahit na malamig naman ang panahon. Parang palaging masikip at crowded yung sala kahit wala naman tao.
Sunod sunod na rin apparition ng shadow or itim na usok na tumatakbo paakyat ng hagdan. Palagi na rin may napapansin na may nakatayo sa kusina tapos pag nilingon mo wala naman.
Until bumisita yung kaklase ko na meron ability na makakita... Yung classmate ko na yun, dirediretso lang yun pag nagpupunta sa bahay na pakiramdam niya taga don siya haha.
Pero yung huling punta niya... Hindi siya tumuloy paakyat. Hanggang sala lang siya tapos lumabas ulit ng bahay.
Tinanong ko...
Ako: Anong arte mo? Tara na sa taas.
C: Hindi. Dito na lang tayo sa labas maginom. Wag na dun sa taas.
A: Huh? Gagiii bawal dito. Sitahin tayo.
C: Minamalas ba buhay niyo ngayon?
Nagtakha ako sa bigla niyang tanong...
A: Hindi ko alam pero bagal ng daloy ng pera... Actually lagi ngang gastos, walang income. Bakit?
C: Nasan yung mga santo niyo? Bat nawala sa sala?
A: nasa taas... Para lumuwag dito sa sala.
C: lalo ngang sumikip
(Bulong niya pero narinig ko. Hindi ko alam that time kung ano ang ibig niyang sabihin.)
C: Sabihin mo sa mga kasama mo sa bahay ibaba ulit yung Santo niyo sa sala. Iharap sa pinto... May nakapasok dito sa inyo.. gangster. Akala mo sya mayari ng bahay. Dinodominate tong bahay niyo.
A: kung anu ano na naman sinasabi mo...
Biro ko sa kanya kasi natatakot ako sa sinasabi niya. Gusto ko nga sanang itanong kung ano itsura pero hindi na niya inantay...
C: malaking tao... Maitim... Balbas sarado pero malakas kutob ko na hindi tao yun. Hindi ko kayang pumasok... Masyadong malakas.
May instances kasi na pag marami or malakas yung kaharap niya, hinihimatay sya. Kaya pala nagbutil ang pawis pagpasok pa lang sa sala.
After ilang months ulit, lumipat na yung kamaganak namin. Simula ng makalipat sila ay siyang balik ng sigla ng bahay namin. Nawala na rin yung bigat sa pakiramdam sa bahay.. ewan ko ha.
Pero pagbalik ng kaklase ko sabi lang niya...
"Oh wala na sila Kuya Pom? Sabi ko na nga ba bitbit nila yun e."
Yun lamang po. Maraming salamat.
📜Let'sTakutan, Pare
▪︎2023▪︎
![](https://img.wattpad.com/cover/334075232-288-k923540.jpg)
BINABASA MO ANG
[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HorrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.