ANG PINSAN KO NA NAGHUHUGAS NG PLATO TUWING 11 PM
Nangyari to sa bahay namin bandang 11 pm, apat lang kami sa bahay nun, si mama, ate, ako, at ang pinsan ko. Bandang 11 pm pumunta ng kusina ang pinsan ko para maghugas ng mga plato. Itong pinsan ko ay every 11 pm talaga to naghuhugas ng pinggan kasi inuuna pa manuod ng KDrama.
Habang siya naghuhugas, kaming tatlo ay naiiwan sa sala habang nanunuod ng TV. Nagulat kami ng biglang sumigaw ang pinsan ko sa kusina, at dali daling tumakbo papuntang sala kung saan nandun kami. Gulat na gulat ang mukha niya at tinitigan ako, tinanong namin siya kung ano’ng nangyari,
“Ba’t ka nandito?” tinuro niya ako na may gulat sa mukha.
“Nanunuod lang ako dito, e,' sagot ko.
Bigla na lang siyang umiyak habang ang kaniyang hintuturo ay palipat-lipat na tinuturo sa kin at sa kusina namin. Kinabahan na kami.
“Ano nga sabi? Ano bang nangyari sa yo?!' tanong ng ate ko sa kanya.
“Habang naghuhugas ako ng pinggan, nagulat ako sa aninong nagpadilim sa hinuhugasan ko, kaya lumingon ako sa likod kung sino yun. Paglingon ko, ikaw yun (ako raw nakita niya) na nakasimangot lang at tinititigan ako, natakot ako sa mukha kaya ako napasigaw at tumakbo rito. Pero, nandito ka? Kung nandito ka lang, sino yung nakita ko?!” sagot niya habang umiiyak.
Natakot kaming lahat kaya kinabukasan nun ay pina-bless namin ang kusina. Hindi na rin siya/kami naghuhugas ng plato around 9, 10, at 11 pm.
Kikay
20**
*Confidential
---
📜University Secret Files
▪︎2023▪︎
BINABASA MO ANG
[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
TerrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.
![[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)](https://img.wattpad.com/cover/334075232-64-k923540.jpg)