Sorry for the delays. Kino compose ko pa tong story na to nung pinost ko Yung 2nd story "roommate". After this, mga standalone stories naman muna. This story is somehow in correlation with the second story.
LAST BOAT RIDE (CALAGUAS)
Calaguas, also known as Halabang Baybay (Mahabang Buhangin), is a group of islands in the Pacific under the jurisdiction of Vinzons, Province of Camarines Norte, usually 10 to 12 hr ride sya from Manila. Maraming pwedeng Ruta to get there, in our case, nag avail kami ng package - transpo land and bangka back and forth covered na. Yung pa Paracalle ang Daan namin.
Smooth naman ang byahe papunta. Maingay, masaya, excited ang lahat.
Mejo nag iba Lang Yung aura sakin nung nakarating kami ng Paracale. Dito na kasi nag end yung travel namin by land (van). May fish port, bukod sa loamy yung paligid, mabigat Yung pakiramdam ko for some reason. Dun kami sumakay ng bangka pa Calaguas. Mejo weird Lang Yung feeling kasi almost hour kami bumyahe by boat from Paracale to Calaguas.
Mga hapon na kami nakarating, pero may araw pa. So nag pitch kami ng tent kasi walang accommodation dun. Nag prepare ng kakainin. The usual, langoy, ahon, kain, tulog, langoy konti ulit then socials kinagabihan.
Sa socials, nag set up kami ng trapal na sapin sa beach- maganda ulap at madaming stars. May konting liquor, pero kasi mababa ang alcohol tolerance ko, so konting tagay Lang, wala na. Maligalig na ko.
Kwento ng x ko nun, nung mejo nahimasmasan ako, Yung na lasing ako, bigla daw akong nagtatakbo sa papunta sa dagat, nagtanggal ng t-shirt, shorts, then nag dive sa tubig. Hinabol nya ko kasi hindi ako marunong lumangoy. So ayun kami, palutang lutang sa dagat sa kalaliman ng Gabi na ang tangling ilaw Lang ay ang full moon.
Mejo nahimasmasan ako nung nagtagal kami sa tubig. Maligamgam Yung tubig Kaya nag tagal kami ng mga ilang minuto pa Para magtanggal ng kalasingan ko. Naaliw ako Kaka float ng may humawak sa paa ko. Pinadyak ko Yung paa ko, Sabi ko "wag ka nga". Pero umahon ako at nakitang Nasa kabilang side Yung x ko, pinalakpakan pa nga nya ko kasi wala na Tama ko. malayo sakin. Di ko na kinwento, kasi baka lasing Lang kako ako.
Nung umahon kami, nag lakad kami pa Punta sa pitch tent area kasi anlayo kasi pala ng narating namin. Habang nag lalakad kami, madaming asong umaalulong at nakakarinig ako ng sumusutsut na parang galing sa bundok. Bilang atheist Yung x ko, di na ko nag kwento ng Kung ano ano. Feeling ko ma jujudge ako.
So wala akong pinagkwentuhan ng na experience ko, all they know ay I'm someone na di kayang mag walwal.
Fast forward, umaga nag hike kami mabilis Lang then nag prep Para umuwi. Yung pauwi na kami, mejo mahangin, pero Yung Langit di naman Masyadong madilim at nag decide din naman Yung mga bangkero na tumuloy kami sa byahe. Around 12 kaming pumalaot sakay ng bangka. Yung grupo naming magka kaibigan 7 kami plus mga 4 bangkero at isang mejo may edad na ginang. Naupo ako sa left wing ng bangka, katabi ko x ko, ka hanay namin Yung mag kapatid naming kaibigan, katapat ko Yung best bud ko na gay and kahilera nya rest of our friends. Yung mga bangkero spread out sa parts ng bangka.
First 15 minutes ng ride, okay naman Yung dagat, silky at okay ang ihip ng hangin. But the next thing I know, sumasalubong na kami ng maitim na ulap. Lumalakas ang hangin, galit na galit ang alon at tumitindi ang lamig.
Everything escalated so quickly, Yung bangka na butas Yung nguso, pinapasok na kami ng tubig. Tinatry Kong kumalma at magpakalma. Tawa parin ako kasi ansaya ng hampas ng alon for me. Thrilling, pero I can't hide na nagpapanic narin ako. Yung mga kasama ko takot na takot na, kahit Yung x ko, na kikita Kong uneasy na, everyone was praying their hardest na malagpasan namin Yun.
Imaginin mong walang Ibang bangka sa horizon, Yung mga bangkero di magka undagagang sumisid para mag lagay ng sealant sa bangka. Yung iba tinatanggal na yung layag kasi binabalibag na kami ng hangin. Nakita ko Yung kaba sa lahat, halos bumangga na kami sa mga Isla sa sobrang lakas ng hangin at alon.
Amidst thst struggle May narinig nanaman ako, may tumatawag sakin "nandito ako, halika". Na patingin ako sa isang Isla, may babae tinatawagan ako. Winaksi ko Yung tingin ko sa Isla na yun. Naninikip Yung dibdib ko, inaatake ako ng hika. Worst, hindi ko nadala ang gamot ko. Wala akong inhaler. Ang tanga Diba? Yinry Kong wag maging anxious kasi mayayare ako. Pero sa sobrang lamig, hindi na ko Maka hinga.
Last thing I saw ay babaeng maputi, may nunal sa bibig, makapal kilay, payat (sya ung nakita ko sa Isla) na Naka ngiti sakin at Yung nanay ko (wala na sya 3 yrs ago pa) , katabi ng best bud ko sa right wing. Sabi nya "Wag Kang sa Sama". Unconsciously, sumagot ako, " Ume (my beloved), tabi tayo. Dito ka.".
Yun na Yung huli. Na gising nalang ako na nakadagan sakin Yung x ko. Naka Alot ako ng plastic, binutasan Lang yung bandang bibig ko. Tinulak ko x ko "aray!".
Bumangon ako. At nagpa tulong na tanggalin Nila Yung ballot sakin. Hindi maipinta yung mukha ng mga kasama ko. Umiiyak na sila. Ramdam ko Yung hagulgol ng magkapatid namin kaibigan. Yung best bud ko, nagmumura pero Inakap nya ko. Ang higpit. Yung x ko, lumuluha sya, bihira g umiyak ang taong Yun. Pero na ramdaman ko na piercing yung relief Nila ng makita Nila akong bumangon.
"hooooy! Anong ganap to?? Bakit nakaplastic ako. Dali picturan mo ko!!!" umiiyak na nag mumura nyang kinuha Yung digicam ko sa bag nya, at kinunan ako ng litrato. (wala sakin ngayon Yung digicam ko Kaya di ko mapost dito).
After couple of minutes more, may nakita kaming bangka, Nasa unahan namin. Wala na kaming flares Para mag send ng message na compromised kami. Pero puma pasok parin Yung tubig at namatay an na kami ng motor ng bangka.
Pero maswerte parin kami kasi ilang minuto pa lumipas, binalikan kami nung naunang bangka! Wuhuuuuuuu.. Ayun na nga, nakakuha kami ng tulong. Yung Ibang bangkero from rescue boat Sabi napansin Nilang di kami gumagalaw. Tapos Yung isang bangkero dun anak Kung bangkero namin. "naramdaman Kong kailangan ako ng tatay ko. Nakiusap akong balikan kayo."
Nakarating na kami sa Paracalle ulit, tapos naikwento Nila sakin nung na kakain kami Yung nangyari.
"Naj, 30 mins ka nang wala. Yung una masaya ka pa, Tinatry mong maging okay. Pero nag struggle ka, hirap Kang huminga" Sabi ng x ko.
"Bes, iniisip ko na Kung paano ka namin bubuhatin dito sa Paracalle, Doble na bigat mo. Baka kainin ka nalang ng lupa. Nagbabakasakali kaming buhay ka pa. Maitim ka na kanina. Mga under nails mo, itim na lahat. Wala ka na talaga. Yinry ka pang is alba ni nanay (ginang na kasabay sabangka) pinulsuhan ka pa, wala na. Hindi ko Alam Kung paano ako mag explain sa pamilya mo". "nakakaputa**** bigla ka Bumangon at ang perky nagpa picture ka pa. Hindi mo Alam Yung pakiramdam na binabalot ko na sa plastic ang kaibigan ko. Patay na." Lumuluhang kwento ng best bud gay ko.
"iniwan mo na kami ate Naj. Na kakatakot. Mamatay kami sa takot."
"na kakatakot ka ija, ngayon ko Lang naranasan to, pero nakita ko patay kna talaga." Sabi nung bangkero.
Grabe ang iyak ko. Na guilty ako kasi need Nilang pag daanan Yun. Ansakit isipin na buo kayong nag travel. Tapos binabalibag kayo sa dagat. May dala na kayong bangkay pero stranded kayo sa gitna ng kawalan.
Pagka tapos naming mag ayos, nag lalakad na kami pa alis ng port Para hanapin Yung van pa maynila. May narinig nanaman akong tumawag sakin "Naj, balik ka ha". Nakita ko Yung babae sa Isla at sumama ng bangka. Sya din Yung babaeng nakita ko sa dorm namin 3 years after. Sya yung babae sa Ikalawang istorya.
after nyan, mahigit 1 taon kaming hindi nag Punta ng mga Isla...
📜Travel Horror Stories
▪︎2020▪︎
BINABASA MO ANG
[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HorrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.