Mount Cristobal

20 1 0
                                    

Mount Cristobal

Ako ung klase ng hiker noon na hindi mahilig mag research sa pinupuntahan as long as alam kong may mga batikan akong mga kasama. Naakyat ko na ang banahaw and sabi nila mas challenging daw ang cristobal.

Yung ex ko at friends nya e nag planong umakyat sa christobal bago kami tumuloy sa G2. Di ko alam na close na pala ang cristobal and trespassing na pala ung gagawin namin.

12:00H: nag start na kami mag trespassing. Sarado din ang DENR dun na pinag reregisteran. Walang tao sa paligid. Hnd naman bago samin ang night hike but aminado ako eto ang pinaka ayaw ko dahil sa malabo ang mata ko mahirap makakita ng maayos sa dilim kahit pa naka contacts kana.

Dahil nga malabo ang mata ko e ako din ang pinaka mabagal at ako nadin ang sweeper. While ung ex ko sya ang lead namin dalawa silang mga batak sa hiking. Group of 6 kami at dalawa lang kaming babae.

Pag pasok palang sa kakahuyan mafefeel mo tlga ung eerie ng paligid. I mean lahat naman ng bundok basta gabi nakakatakot.

Masasabi kong challenging ang bundok na to compare sa banahaw kaya kung hirap na ko akyatin un e mas hirap din ako dito. Bagito padin ung tingin ko sa sarili ko unlike sila na madami ng major hike na naakyat eto pang 4 ko palang. Mabilis akong mapagod pero hnd naman nakakauhaw kasi nga malamig. malayo nadin ung nalalakad namin kaso biglang na tapilok ung kasunod ko. Sabi nya mag papahinga lng daw sya pero susunod din after ng take 5 kaya mauna na daw ako.

Meron kaming glow stick na tinatapon sa lupa para markings so since ako ung sweeper kailangan kong pulutin un para pag naubos na nung lead ung kanya replenish lng ng napulot ko. sure kadin talagang hnd ka mawawala pag meron nito easy para sa mga near sighted for path guide.

So since nag paiwan sya, sya na ung pupulut nun ako naman susunod. Nag start na ko mag ascend papalayo sakanya. Nagkaroon bigla ng fog kaya medjo mahirap makakita sa paligid pero naaaninagan ko padin naman ung glow sticks since hnd naman ganun ka sobrang kapal un.

To my surprise naputol ung glow stick line di ko na makita ung karugtong. Kung naubos na ung dala namin e dapat nandun lang sila sa paligid. Nag simula na kong tawagin ung mga nauna naming kasama. Walang reply. Di ko alam kung mag move forward ba ko or babalikan ko ung sweeper. From a far sa likod ko nakita kong may ilaw. Matik agad naisip ko headlamp un nung sweeper so sabi ko hihintayin ko sya para sabay namin hanapin ung iba.

Madaming puno at ma dahon dahon dito but since madilim makikita mo agad kung may sign of lights. Medjo may kalayuan pa sya sa akin and ung mismong ringlight lng nakikita ko di ko sya maaninag. May malaking puno sa pagitan nun kapag natawid na nya un magkikita na kami. Antay ako ng antay sakanya pero wala, walang tumagos sa mga puno. Nawala ung light na nakita ko.

Medjo kabado bente na ko nito kaya nag tawag na ko ng pangalan. Feeling ko kumakapal ung fog. Pakiramdam ko may ibang pupunta sakin. So instinct ko e maglakad palayo sa area at mag ascend para hanapin ang iba. Kabadong kabado talaga ako nito kasi feeling ko may nakasunod sakin. may narinig akong mahinang sitsit kaya mas lalo akong kinabahan. Nag pray ako na sana gabayan ako sa mga oras na yun at ayaw kong mamatay. May narinig akong mga yabag ng tsinelas. Nung una naisip ko baka sila na yun pero yabag lang kasi naririnig ko. Naisip ko nun di ba nila ako hinahanap? Nasan nakaya sila nawala ba sila? Ung tunog ng yabag parang nasa likod ko lng kaya buong tapang akong huminto para tignan ung likod ko kasi mas napapagod akong matakot sa di ko alam. Wala namang tao. Tumigil ung yabag. Mas nilamig ako feeling ko may something kaya tumakbo ako. adrenaline rush so bahala na kung mahampas ako ng mga dahon at kahoy sa muka basta wag lng mapatid at tumigil kasi feeling ko may humahabol sakin. Hangang sa nabanga ko na ung isa naming kasama. Mag kakasama silang 4 at hinahanap nga kaming dalawa. Ang weird kasi nawala na pala ung fog.

Kinuwento ko ung nangyare sakin at nag aalala ako sa sweeper kaya binalikan namin sya. Sinundan lng namin ung pathway san ako nang galing until makita namin ung mga glowsticks na nasa lupa padin. Pinulot namin un at bumalik kung san naiwan ung isa naming kasama. Nakita namin sya dun na nakaupo lang. Binati pa nga nya ko at buti daw nahanap ko na sila. So nag tataka ako nun. Sabi nya bumalik daw ako sinabi ko na hahanapin ko ung iba pa naming kasama para sabay sabay kaming umakyat at hnd sya maligaw kasi ma fog kako dun sa unahan.

Ibig sabihin ako lng ung finog. Ni hindi nga nila narinig mga sigaw ko. I mean tahimik naman sa bundok mabilis mong maririnig kung may sisigaw kahit na may kalayuan ka basta hnd OA sa layo.

Nag decide ang ex ko na bumalik at wag na ituloy ang hike na to. Pag baba namin dun ko na kinuwento sakanya ung nangyare sakin and sobrang shock na shock sya kasi bumalik tlga ako same na damit same lahat kahit boses.

Did some reasearch afterwards and nalaman ko nga na madami palang nawawalang mga hikers jan sa cristobal. Someone that enters the mountain will test their faith. Ayan ang mga nalaman ko sakanya pati sa ibang mga kwento ng matatandang hikers na natapos ang hike jan. Di ko alam that time na sarado pala ang lugar at nag tresspassing lng tlga kami dun para lng ilagay sa experience namin. Simula din nyan di na sila nag attempt na mag hike sa mga closed mountains kasi there’s a reason bakit sila sinara.




📜Travel Horror Stories
▪︎2023▪︎

[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon