"Yaya"
Our not omom story,
Kailangan kong umuwi sa Bicol noon, kaya nagpaalam ako sa madam ko. Yaya ako ng 1year old and 6years old ,babae at lalaking anak ni madam. Bale 4 lang kami sa bahay nila sa Qc, bungalow type. 1 month bago ako umuwi ay kailangan ko munang makahanap ng kapalit na pwede ko at ni madam na pagkatiwalaan sa bahay, lalong-lalo na sa mga alaga ko.Una kaming nagpahanap ay mismong probinsiya ko, mga kakilala at katrabaho ko na dati pero unavailable sila, yung iba ayaw kasi malayo daw. Then sa mga kakilala at kamag-anak ni madam nagpaparecommend siya baka may kakilala sila na gusto pero Wala din kaming nakuha. No choice kami kundi maghanap ng agency at referrals.
After 3 days nakatanggap na kami ng tawag na may available daw na Yaya. Pinapunta Muna sa Bahay yung Yaya for interview at konting getting to know time with my mga alaga. Okay naman Yung papasok kaya Sabi ni madam ay bumalik siya ng Friday Dala na mga gamit niya at pwede na sya magstart.Nakailang tanong pa sakin si madam nun kung anu daw ba tingin ko sa Yaya, sinabi ko naman na okay Siya palangiti , vibes agad ng mga bata (dati kasi dapat 2 kaming kb sa Bahay pero Ewan ko ba kung bakit pero ayaw ng mga bata dun sa dapat eh mga makakasama ko, pag tinatanong ko naman sila Ang laging sagot eh "We don't like her") at Wala pang asawa kaya di pa siya maguuwi-uwi.
Pero syempre Sabi ko ki madam na pagkasama na natin dun palang natin malalaman kung anu talaga Siya.Friday came maaga dumating Yung Yaya, chineck ko ulit IDs at papel na dala niya then ginuide ko na sya sa magiging room niya. Sinabihan ko sya na Wala pa naman syang gagawin since tuturuan ko Muna sya at ililibot sa bahay para maging familiar sya. Dahil tulog pa sila madam ay nagluto muna ko ng agahan then nilibot ko na Siya sa Bahay .
Fast forward, mabilis syang matuto at nakikita ko na palagay na si madam at mga Bata. Kaya pinayagan na ko umuwi ni madam.
Which is dapat pala di muna ko umuwi, dapat di ko Muna Pala Sila iniwanan ng ganung kaaga dun sa yayang Bago😭.2days palang ata ko nun sa nakakauwi ng tumawag sakin Mother ni madam nasa hospital ang mag-iina dahil sa food p0!$0n!ng. Sobra akong nagalala nun na kung pwede lang akong bumyahe agad eh ginawa ko na💔. Yung 2 alaga ko muntik na mamatay dahil dun thank God naagapan.
Habang confined sa hospital ang mag-iina ay Yung kapatid ni madam Ang bumisita sa Bahay at kukumustahin Sana Ang Yaya na naiwan. Sa sobrang gulat niya na walang yayang nadatnan ,napakalat pa ng Bahay at Ang mga importanting gamit nila madam ay nawawala. Yung vault ay iniwang bukas ,nilimas Yung laman.
After ng imbestiga ng mga pulis ay napag-alaman namin na nabiktima Sila ng tinaguriang "Po!$0n Ivy" na namamasukang kasambahay o Yaya na kinukuha ang tiwala ng mga employer pagkatapos eh lalasunin at pagnanakawan sila habang nasa hospital.
Ayun din sa mga pulis na kinakaibigan niya Ang mga guard sa mga condo o subdivisions na target niya para irekomenda Siya kapag may naghahanap ng kasambahay o yaya.
Pati Yung agency Pala na tumawag samin eh kakutsaba niya, di Rin Niya totoong pangalan Yung nasa mga IDs at papel na dala niya.Limot ko na totoong name niya , Anamae lang tanda ko.
Grabe Yun as in takot na takot kami kumuha Ng ibang kb nun ,Lalo na ng mabalitaan naming nakatakas pa sya. Pero Ang tanda ko nahuli din Siya ulit .
Around 2011-12 Yun , Isa to sa di ko makalimutan, naisip ko pa nga pano kung di ako umuwi ? Baka Isa din ako sa nalason o baka napigilan ko Yun Kasi ako talaga nagluluto ng mga foods Namin.
Nasa front page tong Balita tungkol sa babaeng Yun eh , nabalita pa nun na sa Zamboanga din may nabiktima sya.Ika nga ng matatanda " Matakot ka sa Buhay, wag sa patay"
Kaya magingat po Tayo palagi sa mga pagkatiwalaan natin .📜Travel Horror Stories
▪︎2023▪︎
BINABASA MO ANG
[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HorrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.