SAHA NG SAGING

18 0 0
                                    

Not a travel related story. Share ko lang din ung kwento sakin ng Father ko nung nabubuhay pa sya.

SAHA NG SAGING

Isang psychic medium ang father ko at kilala sya sa lugar namin bata palang ako. Bago matulog din dati nung bata pa ako ay madalas ako magtanong sakanya at magpakwento sakanya. Minsan nanonood kame ng TV, magandang gabi bayan yung palabas. Napanood nya yung isang psychic na iniinterview at sinabi nya na kilala nya un at dti nya nakasama nung bata pa sya.

The story started nung ikwento nya na bata pa lang daw sya ay bukas na ang third eye nya. (inborn sakanya) Nakakakita ng ibat ibang elemento at ligaw na kaluluwa. Binata sya nung May nakilala sya matanda sa mt. Banahaw na nag guide sakanya sa paggamit ng kakayahan nya. Napabilang din sya sa isang grupo ng mga medium na lagi na sya sinasama kapag may pupuntahan at ipapatawag kapag may mga sinasapian o mga kababalaghan na nagaganap. Sya ang ginagamit na mata ng mga kasama nya para makakita ng hindi nla kaya makita (dahil hindi lahat ng medium ay bukas ang third eye, ung iba ay nakakaramdam lang)

May pinuntahan sila na magkapatid na dalaga na nalunod. Inuwi ng mga magulang ung katawan sa bahay na wala ng buhay. Pagdating nila erpat (binata pa daw sya nun mga around 16yrs old) inutusan sya nung leader ng group. Sabi sakanya "asan sila. Andito ba?" nakita ng erpat ko ung kaluluwa nung isang babae na nasa tabi ng katawan nya at hindi makabalik, tinulungan ng grupo nila makablik sya sa katawan at nung magkamalay ay humingi ng tubig ung babae at nagkwento.

Sabi nya, "si ate, maganda na ang buhay at may sarili ng pamilya. Hindi na sya babalik".

Pinalibing ng pamilya ung katawan ng isang dalaga. Makalipas ang ilang araw, kinuwnto pa ng dalaga na may mga anak na ang ate nya at isa ng reyna sa ibang lugar. Pinabuksan nla ang kabaong at nakita nla ung inilibing na katawan ay wala at isa nlng saha ng saging.

Bago pa malunod ung magkapatid, sabi ng erpat ko na nakita nya daw na may nagkagusto na engkanto sa magkapatid.. Isinama sila sa kaharian at ung isa lng ang ndi nkabalik at naging asawa na ng engkanto. Hindi din makapaniwala ung mga magulang ng babae nung makita nla na wala ung katawan ng anak nila na ipinalibing nila.

11yrs ago nung mamatay erpat ko sa cardiac arrest. Sobrang dame nyang kwento nung mga bata pa ko at madalas ako kasama nya pag may pupuntahan kame na sinasapian o ginagambala ng mga engkanto. Hindi ako mahusay magkwnto. Try ko ishare next time yung ibang experience ko kasama sya at mga kwnto nya sakin. Mostly dito sa amin sa Bulacan.

Salamat admin.




📜Travel Horror Stories
▪︎2023▪︎

[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon