KURSUNADA
Pasensya na po sa long post.
Ako dati ay hindi naniniwala sa mga entities, ngunit nang taong 2015 ay sobrang pinapangit ang aking legs sa pamamagitan nang pagkaroon ko ng mga biglaang peklat.
Ako po ay nagpacheck na sa doctor at rinesetahan lamang ng cetirizine pero walang bisa. Kaya ako na ay nagpasya na magpa-tawas. Si Kuya Amon ay magaling na magtatawas dahil wala naman mawawala kung susubukan ko ito.
KA: Oh, hija. Ano ang atin?
A: Magpapatawas po kuya.
Agad naman akong ginamot ni KA nang walang katanungan.
KA: Hija, meron malaking puno sa inyong bahay at yung nakatira doon ay nagkagusto sayo.
A: (nagtataka dahil paano nya nalaman na meron kaming malaking puno sa bahay)
Tuloy-tuloy na ako niyang ginamot at kinuhaan ng dahon sa bundok para ito ay pakuluan at ipampaligo ko. Binigyan nya din ako ng pangontra (pero nawala ito at biglang naglaho na lamang). Agad naman nawala ang aking karamdaman. Simula noon ay naniwala na ako sa tawas.
Ang sabi po talaga ng lahat na nagtawas sa akin ay lapitin ako. Kung hindi, palipad hangin. Meron daw ako nasagi na dwende o may sumasama sa akin na entities lalo na kung galing ako sa mga falls na ang lugar ay maraming puno.
Kagabi lamang po ay nagpatawas ulit ako dahil ilang araw na nangangati ang buong katawan ko na tiyak hindi naman ako kumakain ng mga pagkain na bawal sa akin. Malinis din ang aking kwarto.
meron nakitang matabang lalaki na walang ulo pero puti daw siya na nakursunadahan ako at meron pang isang nakita sa bandang baba na mukha ng tao pero parang aso pero itim daw siya. Natakot po ako at hindi ako pinapatulog kakaisip non. Ano po ba ibig sabihin non?
Yung nukha ng tao pero parang aso, parang nagmemake sense siya dahil pag-ako ay kahit saan na lugar na may aso ay talagang lumalapit ng bongga sa akin at tumatambay sa tabi ko. Di ko alam if connected talaga since wala ako masyado alam sa ganito.
Inoofferan ako ng magtatawas na pangontra, hindi ako sigurado kung talaga bang effective.
Kung effective ang pangotra, ano ang dapat kong kunin? Please enlighten me, sobra po ang takot ko ngayon.
Salamat.
-holy molar
📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎
BINABASA MO ANG
[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HorrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.
![[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)](https://img.wattpad.com/cover/334075232-64-k923540.jpg)