ROMBLON

18 0 0
                                    

“ROMBLON”

Please bare with me kasi i’m not good at storytelling so this is way back 2012, 2nd year highschool ako nung nangyari to. Originally sa mindoro kami nakatira pero yung partner ng nanay ko before ay nagyaya na mag romblon daw kami kasama yung mga relatives nila. First time ko makarating sa romblon at napakahirap nung travel lalo na sa bangka kasi napakalakas ng alon at nung time na to may schedule lang yung barko so hindi ka basta basta makakauwi pag gusto mong umuwi. Nakarating kami sa romblon mga gabi na, yung tinirhan namin ay simpleng bahay lang bungalow tapos isa lang yung kwarto at malawak yung kusina at sala. Sa bahay na to ang nakatira lang ay yung lola tapos yung anak niya na lalaki. Nung second day namin umakyat kami sa bundok tapos tour guide namin yung lalakeng anak ni lola, nakarating naman kami sa bundok pero nung pabalik na kami bigla kaming naligaw as in parang paikot ikot lang kami pero di kami makalabas, sabi nung guide namin baliktarin daw yung damit kahit isa lang sa amin para makalabas kami. So binaliktad namin yung damit namin at di kami makapaniwala na sobrang lapit lang nung exit hahaha sabi napaglaruan daw ata kami kasi bago sa paningin nila. The day before our last day ito talaga yung creepy na experience namin. Gabi na nun tapos nagbonding lang kami nung mga kasama namin dun sa kwarto, siksikan kami dun tapos nagtatawanan kami at nagbibiruan by the way kasama din namin si lola dun sa kwarto, yung may ari ng bahay ng biglang may narinig kaming umiiyak na babae, so lahat kami natigil at nagulat kasi saan manggagaling yun. Yung bahay walang ibang katabi as in kami lang tapos nagtatawanan kami so saan mangagaling yung umiiyak na babae. Biglang nanahimik yung lola na may ari nung bahay tapos maya maya naluluha siyang nagkukwento na baka yung anak daw niya yun na babae, namatay daw kasi mismo dun sa bahay na yun. Ang kwento ay may yung anak niyang lalake ay sobrang protective dun sa kapatid niyang babae, isang araw umuwi daw yung kapatid niyang babae na kasama yung boyfriend di daw nagustuhan nung kapatid niyang lalake na may jowa na yung kapatid niya hanggang sa hindi nagkasundo yung kapatid niya at yung boyfriend. Tatagain sana nung kapatid niyang lalake yung jowa kaso yung kapatid niyang babae yung nataga niya. Nakapaglakad pa daw yung kapatid niyang babae hanggang sa narealize niya na may taga na siya yung huli daw words nung babae ay “kuya nataga ako” tapos dun na bumagsak sa kwarto 😞 di ako nakatulog nun kasi imagine siya pa yung nag tour sa amin at nakakasama namin 😅 yun lang sorry napahaba yung kwento di ko kasi makalimutan yun 😊




📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎

[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon