Madre

36 1 0
                                    

Madre

Silent reader ako ng page na to for how many years na. Gusto ko lang share tong experience ko. 4th year high school ako nung nag retreat kami overnight sa isang monastery. Dumating kami dun lunch time nag tour muna sa compound. Pinakita samin may vacant lot dun sa loob ng compound na may mga puntod so nagulat kami kasi dun din pala sa loob ng compound nililibing pag namatay yung madre. Tahimik yung lugar bawal din mag ingay kasi maiistorbo daw yung mga may sakit na madre sa taas na need magpahinga. Hiwalay pala ang building ng boys at girls. Sa boys yung harap. Sa girls yung likod na may gate. Mas luma yung building ng girls. Dumating ang gabi, sleeping time na. Sinara na nila yung gate sa building ng girls so walang makakapasok na dun ng hindi magbubukas ng gate at di kami magigising. Yung tulugan namin is malawak na room na madaming double deck left and right at may aisle lang sa gitna para daanan. Natulog kaming open lahat ng fan dahil mainit. Naalimpungatan ako nun pagbukas ng mata ko nahagip niya may naglalakad na madre sa aisle as in mabagal maglakad. Iba yung suot niya sa mga madre dun. Kasi yung sakanya parang black or brown diko na sure madilim kasi. Eh yung mga madre dun white ang suot. Tapos yung feeling na naninigas ako di ako makagalaw at makasalita. Ang bigat din ng ulo ko. Hindi siya nakatingin sakin pero papalapit siya sa pwesto ng deck namin kasi diretso lang naman yung aisle. So pumikit nalang ako at paulit ulit sa isip ko nagdasal ng Our Father kahit mali mali na yata nasasabi ko. And naririnig ko yung papalapit na yabag ayoko magopen ng eyes kasi habang lumalapit yung yabag eh mas lalong bumibigat yung ulo ko feeling ko sasabog. Tipong napupuno ng dugo or hangin hindi na ako sure sa pakiramdam basta para siyang puputok. Eventually nakatulog ako. Paggising namin nung umaga sino daw nagpatay ng mga fan sabi ng classmates ko. Eh alam naming lahat nakaopen yun natulog kami. At walang iba makakapasok dun kasi sarado pa yung gate. Diko na kinwento na may kasama kami dun kagabi. Pero that morning naligo talaga akong nakaopen ang cr sa room na yun kasi natatakot akong baka paglingon ko nasa loob ng cr pala yung madre. Hanggang dito nalang. Next time ulit yung ibang kwento. Salamat sa time magbasa.

-Chicken



📜Spookify
▪︎2023▪︎

[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon