Allow me to share this story anonymously po please. Thank you.
Lumaki ako sa isang compound dito sa Metro Manila. Provident Village to be exact. Sabi ng iba after Ondoy daw, madami na daw nagpapakita pero ang hindi alam nang hindi taga rito, bago pa mag-Ondoy, sadyang madami nang nagpapakita. Una, may mga bahay dito na OG na talaga, kumbaga yung malalaking bahay na sobrang tagal na at pangalawa, etong village na 'to di naman matao at puntahan. Exclusive village sya noon so madalas tahimik, at mukhang peaceful kung titingnan.
Bata palang ako, mulat na kami sa katotohanang, may mga kasama tayong hindi tao, na hindi din nakikita nang walang abilidad makakita. Just because ang Mama ko eh may ability to see what normal people cannot see, nakukwentohan nya na kami nang kung anong mga nasa paligid. Para aware kami at malabanan namin yung takot namin.
Yung compound na to is malaki, malawak, madaming kwarto na ang laman lang ay mga stocks nang mga ineexport at import na mga products.
Experience nang sister ko nung maliit pa sya. Ang set up is, naglalaro lang si Ate doon sa hagdan na malaki which is papunta sa isang stock room nung mga products. Sabi nang Mama ko, si Ate nakaupo lang nang maayos sa hagdan nang bigla nalang syang magpagulong gulong pababa. Nakita yun nang Mama ko and nagsisigaw daw sya at nagmumura sa galit dahil, si Ate pala itinulak nang isang batang gusto daw makipaglaro kay Ate, since di sya nakikita nang Ate ko, itinulak si Ate sa likod para magpapansin..
There are also times na si Mama mag-isa lang sa opisina. Isang beses daw may kukunin sya sa loob nang pinaka office nung may ari nung compound nang bigla nalang may nakasalubong syang babaeng naka wedding gown, at yung isa naka american suit. Nakatayo lang, nakatingin skanya.
Meron pang isang beses, sya at yung kasama nya eh gumagawa nang deliverables nang biglang gumalaw yung mga office chairs, yung mga baso nagsigalaw na para bang nilalaro and typewriters na kusang nagtatype. Yung kasama nya sobrang umiiyak na at nagsisigaw pero sabi ni Mama, the more you show na takot ka, mas lalo nilang gagalingan. Nagtuloy tuloy yung mga paggalaw nang gamit and si Mama nirerebuke na nang pasigaw, hanggang sa mawala at tumigil na yung mga gamit sa paggalaw. May mga white lady din daw sa opisina nila so madalas daw gumagalaw nalang mag isa yung chairs, minsan may dadaan sa harap nya, nakadungaw sa bintana and minsan, sasalubungin sya.
Ako, di ako nakakakita pero nakakaramdam. Yung pinag iisteyan namin sa compound na 'to, isang malaking kwarto sya pero yung banyo at hugasan nang plato, nasa labas. Para sa lahat sya nang trabahador so need mo pang maglakad nang mga 25 steps bago makarating dun. Most of the time, sarado lahat nang ilaw. Ang ilaw lang na makikita mo eh yung ilaw sa poste sa labas tsaka isang ilaw sa gitnang bahay sa loob nung compound. So yung paligid, sobrang dilim lalo dun sa dadaanan mo papuntang banyo. Pag maghuhugas na ko nang pinagkainan namin sa gabi, around 9 or 10 PM, dito na yung moment na kailangan kong maglakad nang mabilis papunta sa may hugasan nang plato. Kasi kahit 25 steps far from our room lang eh, feeling mo sobrang tagal nang lakad mo sa hindi maipaliwanag na dahilan. Pag naghuhugas ako ramdam na ramdam ko yung may mga 2 or 3 nakatingin sa likod ko. Worst is pagbabalik na ko sa room after ko maghugas, dito ko na mararamdaman lahat. Habang naglalakad ako bitbit yung planggana, ramdam ko na may hahawak sa binti ko para pigilan akong maglakad, yung haplos nang kamay sa balikat ko, at mga sampung mata na nakatingin sakin. Madaming beses, bigla ko nalang mararamdaman na di na ko makausad sa paglalakad kasi sobraang bigat nang legs ko. Bago ako makarating sa mismong pintuan nung room namin, may madadaanan akong isang stock room. Tuwing mapapaadaan na ko dun, may sumisitsit na sobrang lakas, feeling mo nasa tabi mo lang. Madalas napapalingon ako sa gulat kasi ang lakas pero wala namang tao, and aside sa sobrang dilim nung paligid, wala din namang tao dun na nagse-stay sa stock room na yun. Lahat nang bigat mararamdaman mo sa kaunting lakad na yun tapos pag nakarating na ko sa may pinto nang room namin, dun na gagaan lahat.
Madalas pag hinahanap ko sila Papa at Mama, lilibot ako sa buong compound. Minsan aakalain kong andun sila sa isang stock room kasi maririnig ko may naglalakad or may mga pabagsak na gamit pero once na makarating ako sa pinakaloob, empty, puro items lang, wala palang tao. Eto yung stock room na pag aakyat si Mama sa hagdanan, sasalubungin sya nang isang malaking lalaki na naka-amerikano, minsan din pag kasama nya ko dun sa stock room na yun, may mga gumagalaw na gamit. Sasabihin nya lang din sakin na "Oh ayun, may dumaang white lady dyan kaya nalaglag yan" and ako, sasabihin ko lang na wala naman akong nakita, susundan nya ng tingin yung mga nadaan tapos minsan daw mawawala nalang pag nasa may bintana na.
Marami ding beses na may trabahador na lalapit kay Mama tapos magkukwento na kapag gabi daw, around 1am, may boses lalaking tatawag sa pangalan nila. Hindi familiar yung boses tapos malalim na boses. Lagi lang sinasabi ng Mama ko na wag sasagutin o papansinin. Lagi lang irebuke at magpray.
Matagal na din kaming wala dun sa lugar/compound na yun. Last na balita ko about sa encounter nang iba dun eh yung main show room nung products noon, ginawa nang boarding house nang mga teachers since nabenta na yung building. Meron daw isang teacher iyak daw nang iyak kasi sa tabi nang double deck nya, may nakatayong white lady na ayaw umalis, nandun lang daw nang matagal.
Sobrang dami ko pang gusto ikwento, di mabilang. Kaso ang haba na eh. Kung nakaabot ka up until this last part, thank you sa pagbabasa.
📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎
BINABASA MO ANG
[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
УжасыAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.