Isa akong dialysis nurse at marami na din akong scary experiences sa mga naging workplace ko. This story is something kasi naging ka-close ko ung itong pasyente and it happened in 2021 nung nagkaron ng full blown cases ng mga Covid-19 positive at halos namamatayan kami ng mga pasyente every week due to complications. Working in a dialysis clinic gives you an opportunity maging part sa normal life ng mga dialysis patients especially when they are getting at least 2-3x a week dialysis treatment. Sa dialysis setting, magiging kaibigan mo ang mga pasyente kahit na ine-establish ang nurse-patient relationship.
Itong patient namin, nasa early 50s siya and single. Kasama niya sa house is parents niya na inaalagaan din niya. One week before siya mamatay, kinukwento niya sakin na wala siyang pahinga kasi critical ung mom niya sa ICU at mukhang madadialysis din daw. Salitan sila ng dad niya sa pagbantay sa hospital. One Wednesday morning, nagulat ako nandoon siya sa lobby dahil sa hapon pa ang schedule niya. May alloted kasi na schedule kada machine para sa mga pasyente kaya kung wala kaming bakante, maghihintay pa siya ng apat na oras bago matapos ang isang shift para makapagdialysis. Sakto naman nagkaron ng bakante at napagbigyan namin siya. Natapos naman niya ang 4 hrs session pero binigyan siya ng doctor namin ng request for chest xray at Covid test dahil mukhang positive siya. Expected niyang balik is Friday pero sabi ko sa kanya na i-send niya sakin ang results para ma-coordinate namin kaagad sa mga clinic na accepting ng Covid positive patients. Dahil immunocompromised ang mga dialysis patients, may designated lang na mga clinic na tumatanggap sa Covid positive. Friday na at schedule na niya ulit sa dialysis pero tinatawagan ko siya cellphone at landline niya kaso hindi siya sumasagot. Tumawag din ako sa Messenger at nagchat pero seenzone lng ako. Kaya naisipan kong tawagan ang father niya at sabi ng father niya hindi niya kasama sa pagbantay sa hospital. Alam lang niya sa bahay lang anak niya kaya sabi niya papatingnan daw niya sa kamag-anak nila. 6 PM at nakauwi na ako sa bahay kaya sinubukan ko ulit tawagan father niya kasi di ako mapakali. Pagkasagot ng tawag ko, umiiyak ang father niya at sinabi sakin na wala na daw ang pasyente ko. Napaiyak ako at nadurog dahil iniisip ko paano kung sa mga oras na tinawagan ko siya kailangan pala niya ng tulong namin; na sana baka may nagawa kami at naisugod pa siya sa ER. Nalaman ko na Covid ang cause of death niya. Ganoon din ang kanyang father na namatay din ilang araw lang ang pagitan.
Exactly one week ng pagkamatay niya, nasa duty ako at mag-uumpisa na magcharting. Mag-isa lang ako sa station at ang mga kasama ko busy sa isang pasyente sa isolation room. May tumawag sa pangalan ko at nakilala ko ung boses na yon sa pasyente kong namatay kasi meron siyang way paano banggitin pangalan ko na siya lang gumagawa. Pero tumayo ako at umikot ako sa mga pasyente at lahat sila mahimbing natutulog habang nagdadialysis. Naalala ko na lang din bigla na routine schedule din niya yung araw na yon kasi Friday kaya siguro nagparamdam siya. Bago din ako umuwi ng araw na yon, nagdidisinfect ako ng mga gamit sa isolation room kasama ang housekeeper namin, gumalaw ang monobloc sa gilid namin na parang binuhat at pinatong. Nagkatinginan din kami dahil alam namin dalawa lang kami nandoon at tumakbo sa takot. Pinagdasal ko na lang siya ulit nung araw na iyon dahil alam ko biglaan din ang pagkamatay niya. Wala na ako naramdaman ulit na kakaiba sa duty simula non.
📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎
BINABASA MO ANG
[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HorrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.
![[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)](https://img.wattpad.com/cover/334075232-64-k923540.jpg)